Chapter 6

1941 Words
"And this is my cousin, Renzo," pakilala ni Drake na hindi niya napigilan. Kaagad inilahad ng babae ang kamay na wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin 'yun, kung hindi ay maaakusahan siyang 'ungentleman'. "H-hi... I'm Einna Gulles..." malambing nitong wika kasabay ng matamis na ngiti. That bedroom voice. Nakakalito. Kung susuriin niya ang panlabas nitong anyo ay mukha itong disesais anyos. But her voice and her smile can attract hundreds of men. Kanina pa niya napapansin ang ilang kalalakihang naglilingunan sa gawi nito. She stood out from crowd. Hindi niya alam kung sadyang malakas ang dating nito o dahil praktisado. Kahit ang ngipin nito'y tila porselana at ang labi ay manipis na mamula-mula. Nang maramdaman pa niya ang malamig nitong palad ay tila gusto niyang kiligin. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya na hindi niya mabawi kaagad. "It's nice to meet you. Drake gave you that drink, by the way." Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng pinsan kaya naglabas siya ng matamis na ngiti. Hindi talaga niya gusto na isipin nitong interesado siya. "Thank you, Drake." Bumaling ito sa pinsan niya at kaagad ngumiti. "Babalik na 'ko sa table namin." "You don't have a date?" tanong ni Drake. "Yung mga kaibigan ko. Kailangan bang may ka-date kapag nagpunta dito?" Habang kausap ng babae si Drake ay nagagawa niyang suriin ang kabuuan nito dahil nakatagilid sa kanya. Walang duda na malakas ang s*x appeal nito. Kahit ang pinsan niya'y tiyak na nabighani dahil binigyan pa nito ng mamahaling inumin. "But, is it okay if we hang out? My cousin here needs a date---" "What?! No." Mabilis niyang tanggi. Pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Drake na dagdagan pa ang sasabihin dahil tinapik na nito ang balikat niya saka may kinawayang babae na kapapasok lang sa bar. "Nandito na si Nadia, magkita na lang tayo sa opisina bukas." Napamasahe siya sa batok habang hinahagilap kung ano ang sasabihin sa babaeng naiwan sa pangangalaga niya. "Nasaan na ang mga kasama mo?" tanong niya. Nilinga niya ang paligid pero wala na rin yata ang mga ito. "Nagpunta yata sa taas. Mas maganda raw kasi ro'n." "Bakit hindi ka sumama?" "Crush kasi ni Cristy 'yung kasama namin. Gusto ko silang bigyan ng time na kilalanin ang isa't isa." "Oh... a matchmaker, huh..." "Ikaw? May ka-date ka ba? Baka nakakaistorbo ako." "Yeah... I'm waiting for someone," sagot niya para itaboy ito. Kahit ang totoo'y si Drake lang naman talaga ang sadya niya dito sa Zenclub. "Uhm... Sige. Babalik na 'ko sa table." Hindi niya pinigilan ang dalaga na umalis sa harap niya. Pero sa sulok ng mata niya'y nakasunod siya sa bawat kilos nito. Bumalik ito sa kinauupuan kanina at tahimik lang na ininom ang alak na binigay ni Drake. Ni hindi man lang ito nagduda na baka may masamang balak si Drake dito. Paanong kaagad itong nagtiwala? Lumipas ang limang minuto ay mag-isa pa rin ang babae. Hindi rin niya natatanaw man lang ang dalawang kasama nito. Nagsimula na rin siyang magbilang kung ilang lalaki na ang nagtangkang lumapit at kausapin ito. She turned down every invitaton she gets from another man. Mayayaman din naman ang mga iyon kahit pa'no. Pero nakuntento na lang itong mag-isang umiinom na tila malaki ang problema. Bago pa nito ma-realize na wala naman talaga siyang hinihintay, lumabas na siya sa club. Siguro naman ay babalik ang mga kasama nito para isabay ito pauwi. Umikot siya sandali sa loob ng club para hanapin si Drake. Sa second floor din niya naabutan ang pinsan na nakayapos na sa babae. Lihim na lang siyang napailing. Kuhang-kuha na ni Drake ang diskarte ng Kuya Jayzee nila noon. "Nasaan na 'yung iniwan kong ka-date mo?" "Sinoli ko na. Sabi ko naman sa 'yo gusto ko lang uminom." "And it is boring to drink without a woman beside you. Kaya ko nga kinilala 'yung babae." "Woman? That was a kid, bro. Anong alam no'n? And I don't like her, sinabi ko naman sa 'yo." "That's strange. 'Di ba ang gusto mo inosente ang mukha?" "She's beautiful, there's no doubt about it. Basta. Wala lang talaga siyang appeal sa 'kin." "Okay, fine. So, pa'no? Uuwi ka na?" . "Yup. Naka-apat na bote na rin naman ako. Isara mo 'yang zipper mo ha. Baka mapikot ka nang wala sa oras. Kilala mo ba nang lubos 'yang Nadia na 'yan?" "Relax... Nakawala ka lang kay Hazel parang isinumpa mo na ang mga babae." "Kailangan lang natin mag-ingat. Sige na, I have to go." Iniwanan niya si Drake at tuloy-tuloy na lumakad palabas sa parking lot. Napakunot ang noo niya nang makitang nakatayo ang babae roon na tila sadyang hinihintay siya. "Pauwi ka na? Nasa'n na 'yung ka-date mo?" "Uhm... I have to pick her up because her driver went home already," pagdadahilan niya. Iwas na iwas na nga siya sa babae pero ang galing nitong tyempuhan siya. "Puwedeng sumabay palabas ng street?" "Why? Nasaan ang mga kasama mo?" "Umuwi na eh... Nakalimutan na yata na kasama nila 'ko." "I can't. Nagmamadali na kasi ako baka kanina pa naghihintay ang ka-date ko. May mga taxi namang dumadaan d'yan." Mabilis siyang tumalikod at tinungo ang sasakyan niya. Kapag sinundan siya nito ay sigurado siyang sadya na nitong puntiryahin siya. Dala niya ang apelyidong kapag narinig ng kababaihan ay nangingislap kaagad ang mata. Kung lahi ito ng mga gold-digger, tiyak na nag-research na ang mga ito sa kanya. Paandar na ang kotse niya nang hanapin niya ang babae sa paligid. Natanaw niyang nilakad na lang nito ang kalsadang may kadiliman. Wala naman talagang taxing dumadaan sa gawing ito ng Zenclub dahil karamihan ng nagpupunta dito ay may sariling sasakyan. Nagulat siya nang makitang biglang may kotseng huminto sa tapat nito. Bumukas ang sasakyan na kaagad niyang namukhaan ang lalaki na kanina pa pabalik-balik sa table nito pero tinatanggihan itong makipagsayaw. Nagpumiglas ang dalaga at pilit sinusuntok ang lalaki. Naalarma siya kaagad kahit dapat ay wala na siyang pakialam. Shit. Paharurot niyang pinaandar ang sasakyan. Siniguro niyang lilihka ng ingay at atensyon ang gulong niya. Kaagad namang lumingon ang dalawang lalaki. Sinamantala ng babae na tadyakan ang isa saka patakbong lumayo nang makawala. Sumara naman ang pinto ng kotse at paharurot din na nilisan ang lugar na iyon. Dapat ay hahayaan niya na lang ang babae na makasakay ng taxi dahil nailigtas naman niya ito kanina. Pero hindi niya yata maatim na hindi man lang ito kumustahin. Huminto siya sa harap ng kinatatayuan nito. Pumapara ito ng taxi pero hindi ito hinihintuan dahil may mga sakay na. "Get in. Ihahatid na lang kita." "N-no, it's okay. May mapapara na akong taxi dito." "It's almost midnight. E kung mapahamak ka na naman?" "H-hindi na siguro---" "Are you shaking?" Tiyak niyang hindi pagpapanggap ang panginginig pa ng katawan nito. Hindi rin biro ang nangyari kanina na siguradong natangay ang dalaga kung hindi siya dumating. "S-salamat nga pala kanina. Pero okay naman ako. Ayoko namang makaabala pa, baka hinihintay ka na ng susunduin mo." Pilit nitong pinatapang ang boses nang maipakita sa kanya na maayos naman ito. Napailing na lang siyang hinawakan ang kamay para mapilitan itong sumakay. Hila-hila niya ito hanggang maisakay sa kotse niya. "Saan ka ba umuuwi?" "Sa Green Valley. Pero pwede namang sa ---" "I know that place. On the way rin naman sa 'kin." Pinaandar niya ang kotse habang pilit nilalabanan ang atraksyong dulot ng babae. Nasa loob sila ng maliit na sasakyan na pandalawahan lang. Karaniwan na'y hindi siya nabibighani sa pabango ng isang babae gaano man kamahal iyon. Pero ang halimuyak ng vanilla scent ni Einna ay sumisiksik sa sistema niya para ipaalala kung gaano ito kaakit-akit. "Salamat..." "Hindi ka dapat gumagala mag-isa ng disoras ng gabi. Look at what happened a while ago." Hindi niya ito gustong sisihin pero gusto niyang huwag na itong uulit na lumakad mag-isa. "Bakit ba kasi nagpunta ka pa sa Zenclub kung gusto mo lang naman e paglapitin 'yung dalawang kaibigan mo?" "N-nag-unwind lang naman ako... K-katatapos lang kasi ng exam namin tapos next week naman hahanap na ako ng trabaho--" "Trabaho? Why? Have you finished your studies already?" "Hindi pa. Pero may on-the-job training kasing requirement ang school bago kami maka-graduate." "Oh... yeah... what's your course?" "Business Management." "Uhm..." Kung tutuusin ay pwede niya itong tulungan dahil maraming posisyon sa kompanya nila ang bakante sa ngayon. "Have you found a job? Anong kompanya?" "Wala pa." "Saan mo ba gustong pumasok?" "Sa Albano Hotel sana eh." Muntik siyang maubo dahil doon din siya nagtatrabaho. "Are you kidding me?" Hindi niya na naalis ang ngiti sa labi niya. "Alam mong Albano ako kaya mo sinabing Albano Hotel?" Lumingon naman ito sa kanya dala na ang nakangiting mga mata. Kahit paano'y nakahinga na siya nang maluwag. Hindi rin biro ang trauma na idinulot ng muntikan nitong pag-kidnap kanina. "I won't deny it. I took my chance. Malay mo, maawa ka sa 'kin at bigyan mo 'ko ng trabaho." Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Hindi niya alam kung bakit biglang gumaan na ang pakiramdam niya kay Einna ngayon. "Tell me why should we hire you." "Because I don't have a job." Lalong lumakas ang tawa niya. "It was a witty answer, but won't definitely pass a job interview, Miss Gulles. Kung gusto mong pumasok sa kompanya namin, kailangan mong galingan ang sagot mo dahil si Kuya Jayzee ang mag-i-interview sa 'yo." "I want to work in Albano Hotel because I have zero experience in managing a business. And my ambition is as high as the Albano Tower in Roxas Boulevard. Hindi ko gustong mamasukan sa kompanyang pipigain kung ano ang kaya ko, bagkus, gusto kong pumasok sa kompanyang mapupuno ako ng kaalaman at magbibigay sa akin ng hagdan para magtagumpay ako sa buhay." "Hmmm... You want to gain something instead of you will give something to the company. Yun ba ang ibig mong sabihin?" "Yes. Wala naman talaga akong mai-contribute sa ngayon o kahit sinong fresh graduate na i-hire niyo. What you will be getting from us is our time and dedication. Doon naman ako babawi. I promise you that I will be the most punctual, most dedicated and most compliant employee you can ever have." "Hmmm... Hindi ko alam kung matatanggap ka." "Ah, basta, mag-a-apply ako. Hindi naman ikaw ang mag-i-interview sa 'kin eh. Alam ko naman kapag ikaw hindi mo 'ko tatanggapin." "How did you conclude that?" "You are so obvious. You don't like me, which is I don't know why. Pero malaking thank you talaga na niligtas mo pa rin ako kanina. Hindi yata ako makakatulog sa takot ko hanggang ngayon. What if you didn't come? Baka ngayon... baka mahanap na lang akong bangkay ng Tiya Ghing ko." "I have nothing against you. Hindi lang talaga ako kasing-friendly ng pinsan kong si Drake. I'm sorry if I became rude," paghingi naman niya ng paumanhin. "So, pwede akong mag-apply sa Albano Hotel?" nakangiti nitong tanong. "Anyone can pass their resume, there's no problem about that. Hindi naman ako ang nag-i-interview at hindi rin ako ang makakatrabaho mo." At least safe naman ang sagot niya. Hindi rin niya madesisyunan ngayon kung gusto niya pa ulit itong makadaupang-palad o hindi na. Inihatid niya si Einna hanggang sa tapat ng bahay ng Tiya Ghing nito. Kahit paano'y nawala ang guilt niya sa ginawang pagsusungit. Nang bumaba ang dalaga ay nag-iwan pa ito ng numero ng telepono nito sa isang maliit na papel. "In case you want to hire me ASAP, you know where to call." Hindi hiya alam kung nagbibiro ito o ni-reverse psychology siya. Hindi naman sya ang in-charge sa HR Department kaya hindi niya pinansin ang papel na iniwan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD