Chapter2

1305 Words
"Vina? Si Vina ngayon ang dini-date mo?" tanong ni Primo sa kanya nang marinig ang pakikipag-usap niya sa telepono. Inilabas naman niya ang pekeng ngiti. Siguradong binabantayan ng mga pinsan at kaibigan niya kung sinong babae ang paglalaanan niya ng atensyon ngayon. Isang linggo pa lang naman niyang kasa-kasama si Vina kapag nagpupunta siya sa Zenclub. She was a jolly person to be with in the first place. Pero hanggang doon lang 'yun. Wala pa siyang balak pumasok ulit sa magulong mundo ng pakikipagrelasyon. Pagkatapos ng isang taon, hindi pa rin talaga niya mabuksan ang puso niya sa panibagong pag-ibig. Katatapos lang manalo sa korte ang kaso niya laban sa ex-girlfriend na si Hazel. Isa itong model-actress na kahit sinagot na siya ay nakikipag-date pa pala sa mga co-actors nito. Ang isa pa nga ay direktor. Matapos nilang magtalo sa isang bar na nakunan sa mga CCTV, niyaya niya si Hazel na sa condo ng dalaga nila ayusin ang problema. Mas tumindi ang pag-aaway nila doon na ipinagtaka niya rin kung bakit. Binigyan niya ito ng panahon na makapag-isip kaya umalis din siya nang madaling-araw. Pero ikinagulat niya nang kinabukasan ay lumabas sa lahat ng balita na sinaktan niya ito na humantong sa pagdedemanda sa kanya ni Hazel. He remembered throwing her cellphone on the wall, but that's it. He would never hit a woman no matter how furious he was. Kung paano ito nagkapasa at sugat sa ilang bahagi ng katawan ay hindi niya alam. Nagpatibay ang mga CCTV footages na may pagtatalo sila noong gabing iyon. Nagkaroon ng demandahan. Sa loob ng dalawang taon ay nagpabalik-balik siya sa korte para ipagtanggol ang sarili. Hazel Alonte-Tan. Isa itong galing sa angkan ng mga Chinese na marami ding negosyo sa Pilipinas. Akala niya ay magiging maganda ang relasyon ng mga Tan at Albano. Kalaunan ay nalaman nilang parte pala ng plano ng mga ito ay ang pabagsakin ang Albano Air. Na ang mga Tan pala ang may pakana sa tumaas na cost sa maintenance ng ilang eroplano nila. Mabuti na lang dahil magaling ang Daddy Ezekeil niya kaya't walang nakalilipad na eroplano na may diperensya. None of Theo Tan's plan succeeded. Nagdemanda rin sila laban sa mga Tan dala ang mga ebidensyang nakalap ng angkan nila. Iyon ang ikinatalo ni Hazel sa korte laban sa kanya. "Renzo Albano!" Napalingon naman siya sa tinig ng isang may edad na babae. "Mrs. Dowel..." Sandali siyang yumakap sa ginang. "It is nice to see you here. Kumusta sina Shiela?" "Ayun, nag-e-enjoy sa paglangoy kaya mag-isa lang akong a-attend ng kasal ni Louie." Ang tinutukoy nito ay ang pinsang Filipino-Japanese businessman na si Mr. Nakamura. Ikinasal ulit ang matanda sa isang batangg pinay na OFW sa Japan noon. Malaking angkan ang mga Nakamura at hindi rin biro ang yaman dahil sa iba't ibang negosyo sa Japan at dito sa Pilipinas. Pabalik-balik lang ang mga ito sa dalawang bansa. Gayunpaman, kahit gaano kayaman ay walang nagawa ang mga ito nang magpakasal ang matanda sa isang batang-batang pinay na dating katulong. Kaibigan ng pamilya nila ang mga Nakamura kaya alam nila kahit paano ang kwento ng mga ito. "I hope you enjoy the wedding, Mrs. Dowel---" "Uhm." Umikot ang mata nito sabay ng pag-ismid. "The only thing I would enjoy is this beautiful place you own, Renzo. Kung hindi lang kami nag-aalala na matanda na si Louie para magtampo, wala kami ngayon dito. Even the kids don't want to attend the wedding because of that woman." Isang ngiti lang ang pinakawalan niya. Hindi rin naman kagandahan ang napangasawa ni Mr. Nakamura, bagama't pagdating sa kaseksihan ay wala siyang maipipintas. Isama na dito ang pagiging malambing ng babae at maasikaso. Pagdating naman sa pag-aakusa ng mga Nakamura na yaman lang ang gusto ng babaeng 'yun sa matandang hapon ay hindi siya makakapagkomento. Mr. Nakamura is fifty-eight years old while that woman is only twenty-four. Sigurado siyang malaking factor ang pera kaya pumayag ang babae na ikasal sa higit doble na ang bilang ng edad dito. Mga babae nga naman. "I was staring at you for minutes because I thought you were Ezekeil," papuring muli ng ginang na pumutol sa pag-aanalisa niya sa asawa ni Mr. Nakamura. "Except that of course, your Dad's hair is gray now. Ethan and Ezekeil have only few resemblance. But you..." "I look like my father when he was younger, eh? Yeah, I get a lot of that compliment from other people..." Naroon ang pagmamalaki sa tinig niya tuwing sasabihin na young version siya ng ama. Hindi naman kasi anak ng Daddy niya si Ethan kung hindi ng Uncle Zane niya. But he loves his brother the same amount he loves his other siblings. "Siguradong marami ka pang paiiyaking babae. Wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik ngayon?" "I am ony twenty-eight, Mrs. Dowel. And I am pursuing becoming a lawyer first." Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan sa buhay niya dahil sa mga Tan, nagpasya siyang gawing abogado mismo ang sarili niya. Not that he doesn't trust their family's lawyer. Mas nakapagbibigay lang talaga ng confidence niya kung siya mismo ay alam ang pakisot-sikot sa batas. Hindi sila puwedeng umasa palagi sa ibang tao kapag kailangang ipagtanggol ang angkan nila. His Uncle Zane has so many connections from highest government officials down to municipals and barangays. Pero hindi habang-buhay ay aasa sila sa ganoon. Kailangang may proteksyon ang angkan nila laban sa masasamang loob na gustong tibagin ang matayog nilang pangalan. "Baka naman mapansin mo na ang anak ko isang araw," tudyo nito na ikinatawa niya nang bahagya. Palagi na lang kapag nakikita niya ang ginang ay inirereto na lang sa anak nito. Maganda naman si Shiela dahil isang Haponesa. Pero sa ngayon ay hindi talaga seryosong relasyon ang prioridad niya. "When I finish my bar exam, Mrs. Dowel. Right now, my books and my job in Albano Air take most of my time. Heto nga't galing ako sa opisina kaya no hindi man lang ako nakapagbihis nang naaayon sa okasyon." "I'll keep that word as a promise," nakatawang wika ng ginang. Muli siyang nagpakawala ng mahinang halakhak. Hindi naman niya inaasahan na nang igala niya ang mata sa loob ng silid ay nagtama ang paningin nila ng isang babaeng ngayon lang yata niya nasilayan. "Is that young woman your visitor?" curious niyang tanong bagama't inilayo niya kaagad ang tingin. Pakiramdam niya'y may kung anong kumiliti sa tiyan niya sa pagtatama ng tingin nila ng babaeng 'yun. That was odd, knowing that he doesn't feel any attraction with opposite s*x anymore. At sa tingin niya sa babaeng 'yun ay kaga-graduate pa lang yata ng high school. "Oh... One of that woman's visitors." Ni hindi mabigkas ni Mrs. Dowel ang pangalan ng bagong asawa ni Mr. Nakamura. "Maraming bisita 'yan na karamihan ay mga gold-digger din. Look at that woman with big round earrings. Her name is Ghing Pareno and that's her aunt. She's asking Louie if he happened to have an old rich man friend that her niece can marry." "And her niece is that young woman?" "Yes. Naghahanap talaga siya ng mayamang masisilo ng pamangkin niya sa gabing ito kaya sila nakapustura nang ganyan. Mind you, they invest in expensive clothings to look rich." Napailing pa si Mrs. Dowel at nagpakawala ng nakakauyam na ngiti. Mula sa pheriperal vision niya ay lumingon ulit ang babae sa kinaroroonan niya kaya't iniwas niya na kaagad ang mata. "Then I shouldn't be here, Mrs. Dowel. I hope you enjoy the food and the drinks anyway. See you around." Bumeso siyang muli sa ginang saka nagpaalam na para puntahan si Vina sa Zenclub. Habang nagmamaneho ng kotse ay hindi maiwasang hindi sumagi sa isip niya ang babae. Kahit siya ay ganoon ang magiging reaksiyon kung paanong napailing at napaismid si Mrs. Dowel. Wala siyang panahon sa mga babaeng gold-digger at manggagamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD