Hindi ko alam kung saan hahanapin si Caddy kaya napag isipan kong umuwi muna ng bahay. Wala na akong maisip na lugar na pwede nilang puntahan. Wala naman silang sapat na pera para magbakasyon sa kung saan man dahil alam kong sapat lang ang kinikita ng mga magulang niya sa pang araw araw nilang gastusin. Hindi ko nga alam kung paano nila nakayanan ang ganong klase ng pamumuhay gayong sanay sila sa marangyang buhay. Pagkapark ko ng kotse ay agad akong bumaba at pumasok ng bahay. Paakyat ako ng kwarto para maligo muna at magpahinga saglit subalit nakita ko si manang na nagmamadaling lumapit sa akin. "Sir mabuti at umuwi ka na. Naku saan ka ba nagpupupuntang bata ka. Isang linggo na kitang inaantay." "Bakit po manang. May problema ba?" "Eh pumunta kasi dito si sir Rico at hinahanap ka."

