Ilang minuto na ang lumipas pero nanatili lang akong nakaupo sa sahig. Wala akong lakas para kumilos. "Gusto mo ba siyang makita?" maya maya ay tanong ni Rico. Nanatili lang akong nakayuko. Gusto ko siyang makita pero hindi ko alam ngayon kung kaya ko ba siyang harapin. Nahihiya ako sa pinaggagawa ko. Nahihiya ako sa sarili ko. "Kamusta siya?" walang lakas kong tanong sa kanya. "Ang huli kong punta ay hindi okay. Under observation. Nasa ICU. Hindi ko lang alam ngayon." Bigla kong naiangat ang ulo ko at napatingin sa kanya. "Bakit, kailan ka ba huling pumunta?" "Noong isang araw pa." Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig at mabilis na naglakad palabas ng bahay. "F*ck you Rico!Hindi mo man lang binantayan." "Eh pinaalis na ako ng mga magulang niya eh. Hindi ko na daw ka

