CADDY'S POV Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay lumapag rin ang eroplanong sinasakyan namin. Nag uumpisa na naman akong kabahan. Actually sa Pilipinas pa lang ay kinakabahan na ako. Mas matindi nga lang ngayon. "Hon.. nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna tayo?" tanong ng asawa ko habang hinahanda niya ang wheelchair ko. Si mommy naman ay dahan dahang kinuha ang mga gamit namin. "Malayo pa ba rito ang tutuluyan natin? Puwede bang doon na lang tayo kumain gusto ko ng magpahinga." sabi ko sa asawa ko. Nakakapagod naman kasi ang ilang oras na byahe. "Sige hon. Pero mag take out na lang tayo para incase na gutumin kayo sa daan ay may makakain kayo." Tumango lamang ako sa kanya. Maya maya lang ay lumapit sa amin ang pinsan niyang piloto. "Bro.. Thankyou I owe you this one." pasas

