LANDER'S POV "What! Why?" takang tanong ko kay tito ng marinig ang sinabi niya. Pati si Caddy at mommy niya ay titig na titig rin kay tito. Naghihintay ng susunod na sasabihin. "Your wife is five weeks pregnant." "What!" sabay naming bulalas ni mommy. Sabay pa kaming dalawang napalingon kay Caddy na kasalukuyang nanlalaki ang mga mata habang nakatangin kay tito. Makikita sa kanyang mukha ang pagkagulat pero hindi maikakaila ang kasiyahan nito. "Are you sure tito?" paninigurado kong tanong. "Yes." maikli niyang sagot. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natutuwa ako dahil sa wakas ay nabuntis din ang asawa ko. Magkakaanak na rin kami. Pero ng maalala ang kalagayan niya ay biglang napalitan ng kaba at pag aalala ang kasiyahang nararamdaman ko. " Inulit namin ang lahat ng test

