CADDY'S POV Maaga pa lang ay rinig na rinig ko na ang usapan dito sa loob ng opisina. Ganito naman dito lagi. Magtsitsismisan muna bago magtrabaho. Walo kami rito sa loob ng opisina. Mababait naman ang mga kasama ko pero mas naging ka close ko talaga si Rica na katabing table ko lang. Si Jasmine at ang baklang si Eric. Sila ang lagi kong nakakausap. "Girls alam niyo ba na binenta na daw itong hotel na pinagtatrabahuhan natin?" dinig kong sabi ng isang kasamahan ko. "Kanino mo naman nasagap yan?" "Eh di doon sa tsismosang manager. Ang sabi ay binili daw itong hotel ng triple sa original price nito. Kaya ayon, ang mukhang perang dating may ari ay pumayag agad. Ikaw ba naman eh isang pitik lang ay triple agad ang kinita mo. "Sa laki ng hotel na ito, ilang bilyon kaya ang halaga nito tap

