"Basta.. sabihin na lang natin na may mga bagay na kailangang isakripisyo." "Yon lang? Akala ko ba mahabang istorya. Eh isang sentence lang yon eh." reklamo niya kaya napangiti na lang ako sa kakulitan niya. "Sa kaso ko, kailangan kong isakripisyo ang pagmamahalan namin para sa ikabubuti niya." "Bakit malas ka ba para sa kanya?" "Parang ganon na nga." "Bakit at paano ka naging malas?" "Sige na bilisan na nating kumain marami pa akong gagawin." "Caddy naman eh." "Bakit?" "Nagkwento ka nga bitin naman. Pinag isip mo pa tuloy ako. Sige na sabihin mo na yong love story niyo. Hindi ako makatulog mamayang gabi nyan eh. Alam mo naman yong mga tsismosa hindi makakatulog kapag hindi kumpleto yong tsismis." "Next time Rica kailangan ko na talagang magmadali." "Hmmp. Alam ko namang umiiwas

