Pagdating ng alas singko ng hapon ay abala na kaming lahat. Naghahanda na kami para sa gaganaping event mamayang alas sais. Binigyan kami ng mga uniporme ng management para yon ang susuutin namin. Pagkatapos magbihis ay sabay kaming pumunta sa venue sa second floor. Ang lapad pala talaga ng lugar tulad ng sabi ni Rica. Ngayon palang kasi ako nakapunta sa floor na ito. Halos buong floor ay sakop nito. Meron ding event hall sa baba pero maliit lang. Para lang iyon sa maliliit na pagtitipon. Sa third floor naman pataas ay nadoon na ang mga rooms. Meron ding mga kwarto sa baba pero iilan lang dahil nandoon ang opisina naming mga empleyado sa likurang bahagi at function room. Bago ka pumasok dito sa event hall ay may isang kwarto sa dulo kung saan dito naghahanda ng mga kakailaganin ang mga

