Chapter 18

1446 Words

Maaga pa lang ay tumungo na ako ulit sa atm machine para mag inquire muli. Baka kasi na delay lang yong akin. Ngunit laking dismaya ko ng wala pa rin itong laman. Pagpatak ng alas otso ay pumunta na ako sa payroll department upang asikasuhin ang sahod ko. "Good morning ma'am. Ipapaalam ko lang po na hindi pumasok sa account ko ang sahod ko kahapon. Ano po ang puwede kong gawin? Ito po ang inquiry receipt ko kahapon tsaka kanina." Binigay ko sa kanya ang dalawang resibo na galing sa atm machine bilang patunay. "Ahh.. what's your name iha." "Caddy De Llama ho." Apelyido ko noong pagkadalaga ang ginamit ko. Sinadya ko ito para hindi sana ako matunton ni Lander kong sakaling maisipan niyang hanapin ako. Ngunit sa kasawiang palad ay pinagtagpo talaga ang landas namin kahit anong iwas ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD