Pagkalabas ko ng kanyang opisina ay napatingin sa akin ang kanyang secretary. Hindi ko alintana ang mga titig niya sa akin habang naglalakad ako. Nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Pagdating ko doon ay tsaka ko lang pinakawalan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako sa isiping galit siya sa akin. Napakasakit na sa kanya mismo marinig ang mga salitang iyon. Sa tingin niya ay isa akong manloloko, isang walang kuwentang babae. Walang kwentang asawa. At higit sa lahat, mas higit akong nasaktan sa sinabi niyang hindi ako karapat dapat mahalin. Na pinagsisihan niyang minahal niya ako. Ang sakit sakit sa dibdib. Pero kailangan kong harapin ang galit niya. Kailangan kong tanggapin na wala na ang Lander na asawa ko, kundi ang Lander na pun

