"Okay doc. If that's the best way to do." determinadong sagot ng asawa ko.
"Ahh hon, hindi na kailangan. Sigurado akong dahil lang sa pagod at puyat itong nararamdaman ko. Bukod don ay wala naman na akong ibang nararamdam pa." pagsisinungaling ko.
"Hon mas mabuti ng makasiguro tayo."
"Don't worry hon. Alam ko ang nararamdaman ko. Promise kapag may naramdaman akong kakaiba ay sasabihin ko kaagad sa iyo. hmm." pangungumbinsi ko.
Hindi ko sinabing madalas akong napapagod at nahihirapang huminga at iba pang sintomas na nararamdaman ko.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Are you sure?"
Tumango ako tsaka bumaling sa doctor.
"Doc can you prescribe me another vitamins to take. Baka kasi hindi din ako hiyang sa iniinom kong vitamins."
"Okay Mrs. Cordova if that's what you want."
Umuwi kami ng asawa ko matapos kong magpacheck up sa obgyne. Dumaan kami sa pharmacy para bilhin ang nireseta ng doctor na vitamins. And then dumeretso na kami ng bahay.
Naalala ko ang reaksyon ng asawa ko kanina sa sinabi ng doctor. Hindi niya man sabihin ay alam kong nadismaya siya. Nasaktan ako dahil hindi ko maibigay ang gusto niya. Ang anak na pinakaaasam niya. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang asawa.
Kailangan kong gumawa ng paraan.
*******
Makalipas ang apat na buwan ay napagdisisyunan ng mga magulang ko na ipagamot ako sa ibang bansa. Mas advance ang teknolohiya doon kaya mas malaki ang tsansang gumaling ako. But still nandoon pa rin ang posibilidad na hindi na ako gumaling pa.
Napakiusapan ko ang mga magulang ko na huwag nang sabihin kay Lander ang kalagayan ko. Noong una ay tutol sila sa gusto ko pero nang lumaon ay napapayag ko rin.
Ang problema ko na lang ay kung paano ako makakaalis sa amin dahil tiyak na hindi ako papayagan ng asawa ko nang walang sapat na dahilan lalo pa at walang kasiguraduhan kung kelan ako makakabalik.
Kaya isang solusyon ang nabuo sa aking isipan.
Palihim kong inaasikaso ang mga kakailanganin ko sa pag alis ko ng bansa. Sa US namin napagdesisyunan ng mga magulang ko na magpagamot dahil maraming magagaling na doctor at hospital doon. Malaki ang perang gagastusin pero ang sabi ng mga magulang ko ay may sapat naman daw silang ipon para matugunan ang gastusin ko.
Meron silang dalawang branch ng hypermarket. Isa sa makati at isa sa Cubao. Milyon din naman ang kinikita non kada buwan kaya hindi malayong makapag ipon nga sila sa ilang taon nilang pamamahala dito.
"Anak okay na ba ang lahat ng kakailanganin mo?"
Tanong ni mommy na nauna na sa Colorado para maayos agad ang kakailanganin ko doon. Si daddy naman ay maiiwan dito upang may mag aasikaso ng negosyo nila mommy.
"Yes mom, sa isang araw na ang alis namin."
"Sige anak mag iingat ka ha. Sabihin mo sa kasama mo kapag masama ang pakiramdam mo kapag nasa byahe kayo. Alam niya na ang gagawin niya. At huwag ka masyadong magpapagod."
"Yes mom, don't worry. I'll be fine."
Nitong mga huling araw ay madalas na akong nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. Mabilis na rin akong mapagod at wala ng ganang kumilos. Sa kabila ng pag inom ko ng mga gamot ay hindi man lang nabawasan ang mga sintomas na nararanasan ko. Kaya buo na ang loob kong magpagamot sa ibang bansa. Dahil kung aasahan ko lang ang mga gamot na iniinom ko ay tiyak na hindi ako aabutin ng taon. Ingat na ingat din ako
Pinipilit ko lang na maging masaya at bibo kapag kasama ko ang asawa ko para hindi siya maghinala. Naglalagay din ako ng konting lipstick na sapat lng para matakpan ang namumutla kong labi. Pero kapag nakatalikod na siya ay para na akong lantang gulay na nauubusan ng lakas.
Minsan nga ay nagtataka siya kung bakit naglilipstick ako sa loob ng bahay na hindi ko naman dating ginagawa. Nalalasahan niya kasi kapag hinahalikan niya ako kaya bumili na ako ng odorless at flavorless lipstick.
Nahihirapan na rin ako kapag may nagyayari sa aming dalawa. Minsan ay gumagawa na lang ako ng dahilan para makaiwas.
Sa susunod na araw ay lilipad na ako patungong ibang bansa. Kailangan ko ng makaalis bukas sa bahay na ito. At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano ko gagawin yon.
Ngayon pa lang ay nahihirapan na ako. Nahihirapan at nasasaktan para sa asawa ako. But I have no choice. Kailangan kung magbakasakali sa ibang bansa para gumaling. Nang sa ganon ay magampanan ko ang katungkulan ko bilang asawa niya. Iyon ay kung ipagkakaloob ng Diyos. Kung hindi naman ay ipinapanalangin ko na lang na sana ay malagpasan ng asawa ko ang pagsubok na kanyang kahaharapin.
Nagising ako sa haplos ng asawa ko sa aking mukha. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang napakagwapo kong asawa.
"Hi hon.. kanina ka pa ba?" bati ko sa kanya.
"No, kararating ko lang." mukha nga dahil nakasuot pa siya ng damit pang opisina.
Agad niya akong hinalikan sa labi. Bumangon ako para kumuha sana ng damit niya para makapagbihis ngunit pinigilan niya ako.
"Don't bother hon."
Hinubad niya ang suot niyang pang itaas at pagtapos ay ang pang ibaba. Boxer brief ang tanging natirang suot niya. Akala ko ay pupunta siya ng closet para kumuha ng damit ngunit laking gulat ko ng sumampa siya sa kama at nahiga sa tabi ko.
"Hon, magbihis ka muna baka malamigan ka."
"Hahaha.. naiinitan nga ako hon."
"Eh di magpahangin ka doon sa balcony. Masarap ang hangin doon."
"Hon naman.. hindi hangin ang gusto kong papawi sa init ko kundi ikaw."
"Natameme ako sa sagot niya. Sabi ko na nga ba at may binabalak ang lalaking ito."
Magdadahilan pa sana ako ngunit sinunggaban na niya ang mga labi ko. Ang dapat sana'y sasabihin ko ay biglang nawala sa isip ko.
"Hon, why? Ayaw mo ba?" malungkot niyang tanong sa akin ng hindi ako gumanti ng halik. Mukhang magtatampo pa yata ito.
"No hon, syempre gusto. Ano kasi baka pagod ka pa at isa pa kagigising ko lang. Hindi pa ako nakapagtoothbrush."
"Don't worry hon hindi ako mapapagod pagdating sa iyo. At kahit kagigising mo lang ay ikaw pa rin ang pinakamabangong babae para sa akin."
Pagkasabi non ay hinalikan niya akong muli. Mukhang hindi na ako makakaiwas sa pagkakataong ito. Sabagay ay huli na ito. Bukas ay aalis na ako. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya.
Gumanti ako ng halik sa kanya. Iniisip ko na ito na ang huling gabing makasama ko siya at huling pagkakataon na may magyari sa aming dalawa. Naiiyak ako sa kaisipang iyon pero pinipigilan ko ang luha ko dahil baka magtaka siya.
Nasa ibabaw ko siya at habang pinag iisa niya ang mga katawan namin ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko pinahalata at pumikit na lamang ako. Pero habang pabilis ng pabilis ang galaw niya sa ibabaw ko ay pasikip ng pasikip din ang dibdib ko.
Idinilat ko ang aking mga mata para sana pahintuin siya ngunit pag buka ko ng aking mga mata ay nakita kong nakapikit siya at sarap na sarap sa ginagawa niya habang mabilis na kumikilos sa ibabaw ko. Ayaw ko siyang bitinin kaya tiniis ko na lang.
Napahawak ako sa aking dibdib kung saan malapit ang puso ko at minasahe ito upang mawala ang sakit. Nang makaraos siya ay idinilat niya ang mga mata niya at saktong nakita niya ang hitsura kong naghahabol ng hininga at hawak hawak ang dibdib ko.
"Hon, what's going on? Are you okay?" nag aalala niyang tanong.
Hindi ako nakasagot agad dahil kinakalma ko pa ang sarili ko.
"Hon, answer me. Is there something wrong?"
Huminga ako ng malalim tsaka pinilit na magsalita.
"Napagod lang ako hon. Ang bigat mo kasi." biro ko sa kanya habang pinapakalma ko ang aking paghinga.
"Mukhang tumataba ka na. Kailangan mo na sigurong magdiet."
"Mataba na ako? Hindi kaya. Ganon pa rin ang timbang ko hon."
"Hindi no. Mas mabigat ka kaya ngayon."
"Ganito na lag next time ikaw naman ang sa ibabaw para hindi ka mabigatan." biro niya pa sa akin habang pilyong nakangiti.
Napangiti na rin ako pero sa likod ng ngiting iyon ay nakatago ang lungkot.
"Iyon ay kung may next time pa hon." sabi ng isip ko.
Pero kung pagbibigyan ako ng Diyos, why not? Dahil wala akong ibang hangad kundi ang mapasaya kita. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi na kaya ng katawan ko?