Ngayon ang araw ng plano kong pag alis dito sa bahay namin ni Lander. Ang araw na ayaw na ayaw kong mangyari pero kailangan kong gawin.
Kasalukuyan kaming nasa garahe. Papasok ang asawa ko sa opisina kaya hinatid ko siya dito sa labas.
"Bye honey." paalam ng asawa ko.
"Bye. Take care."
Niyakap ko ang asawa ko ng sobrang higpit dahil alam kong ito na ang huling sandali na makasama ko at mayakap siya.
"I love you hon. Please take care of yourself." naiiyak kong sabi sa kanya.
"I love you too. Don't worry lagi akong mag iingat para sa iyo." Niyakap niya rin ako at hinalikan akong muli sa labi.
Gumanti ako ng halik. Hindi pa nga ako nakakaalis ay namimiss ko na kaagad siya ng sobra. Wala siyang kaalam alam na ito na ang huli naming pagkikita.
Parang ayaw ko na siyang pakawalan sa bisig ko.
"Hon I need to go. Bitiwan mo na ako. hmm."
Nang hindi ko pa rin siya binitiwan ay nagsalita siyang muli.
"Hahaha. Di bale aagahan ko ang uwi ko mamaya." malambing na sabi niya.
"Mamimiss kita hon.." sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Nakasiksik pa ang mukha ko malapit sa kili kili niya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mong umalis ako at hindi na ako papasok sa opisina. Maghapon tayong magkukulong sa kwarto natin."
Bigla akong napabitaw sa kanya. Hindi puwedeng hindi siya papasok kundi ay hindi ako makakaalis.
"Sige na umalis ka na." mabilis kong sabi sa kanya.
"Hahaha. Takot ka bang magkukulong tayo sa kwarto at bigla kang napakalas." nakatawa niyang sabi.
Napangiti na rin ako. Nakakahawa kasi ang tawa niya. Ang sarap niyang titigan.
"Sige na alis na." nakatawa kong sabi sa kanya.
"Okay. Bye.. I love you.."
"I love you too." pagkasabi nun ay itinulak ko na siya papasok sa kotse niya.
Bago niya isinara ang salamin ng kotse ay nagsalita pa siya.
"Bye.. pwedeng pa kiss pang isa." hirit niya pa tsaka inginuso ang bibig niya.
Lumapit ako sa kanya at natatawang hinalikan siyang muli sa labi.
Habang nakatanaw ako sa kotse niyang papalayo ay unti unting naglaglagan ang mga luha ko.
"I'm sorry hon... Hindi ko gustong saktan ka." bigkas ko sa hangin habang pinupunasan ko ang mga luhang ayaw nang maampat. Kahit hindi ko na tanaw ang sasakyan niya ay nanatili pa rin akong nakatayo dito sa lugar kung saan ako nakapwesto kanina. Nang mapagod ay tsaka lang ako umalis.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nakasalubong ko si Aling Marta.
"Ma'am okay lang po ba kayo?"
"Yes manang okay lang ako. Huwag ho kayong mag alala."
"Namumutla ho kayo ma'am. Masama ho ba ang pakiramdam niyo? Tsaka bakit po kayo umiiyak?"
"Wala ho ito Aling Marta."
"Naku ma'am kabilin bilinan po ni sir na huwag ka namin pabayaan. Magagalit po iyon kapag nalaman niyang hindi ka namim inaalagaan."
Ngumiti ako sa kanya.
"Aling Marta napuwing lang po ako. Tsaka napakainit po kasi sa labas kaya ako namumutla. Hindi kasi ako sanay na nasa labas palagi. Sige ho aakyat na po ako at maliligo lang ako." pagkasabi ko non ay naglakad na kaagad ako para hindi na siya makaangal pa.
Pagdating ko sa kwarto ay dumeretso ako sa banyo. Hindi para maligo kundi para tingnan ang sarili ko sa salamin. Namumutla na nga ako. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang lipstick sa bag ko. Nagpahid ako ng kaunti para lang matakpan ang namumutla kong labi.
Pagkatapos ay naupo muna ako sa kama namin dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ko o dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ng asawa ko. Na para bang siya lang ang kayakap ko.
Ilang sandali lang ay napahikbi na ako sa isiping iiwan ko na siya. Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Hindi ko alam kong kakayanin ko bang mabuhay na malayo sa kanya. Ayokong umalis pero kailangan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang yakap yakap pa rin ang unan ng asawa ko. Nagising ako nang magtatanghali na.
Bigla akong napabalikwas ng bangon nang makita ko kung anong oras na. Kailangan ko ng umalis. Dali dali kong kinuha ang maleta ko na noong isang linggo pa nakaready. Itinago ko lang ito sa loob ng closet para hindi mahalata ng asawa ko. Maliit na maleta lang ang dala ko dahil kunting gamit lang ang binitbit ko para hindi ako mahirapan. Doon nalang ako sa US bibili ng mga kakailanganin ko.
Bitbit ang maleta ko ay lumabas ako ng kwarto at isinara ang pinto. Hahakbang na sana ako ngunit laking gulat ko nang makita ang asawa ko na nasa harap ko na. Ang kaninang malapad niyang ngiti ay biglang nawala at napalitan ng pagtataka ng makita ang dala kong maleta.
Hindi ako nakakibo at ganoon din sya. Papalit palit ang tingin niya sa maleta at sa akin. Nagtatanong ang mga mata.
"Hon? Where are you going?" tanong niya sa akin nang makabawi.
Hindi ako makasagot. Hindi ko kasi napaghandaan ang tagpong ito. Nag iisip ako ng puwede kong idahilan. Marami naman akong naisip kaya lang ay hindi ko alam kung paniniwalaan niya. Sa dalawang taon kasi naming magkasama ni minsan ay hindi ako umalis ng bahay na hindi niya alam. Nagpapaalam muna ako sa kanya bago ko gawin ang mga bagay bagay. Unang beses kong gaagwin ito.
"Hon?" tawag niyang muli sa akin ng hindi ako nagsalita.
Tumingin ako sa kanya ngunit hindi parin ako nagsalita.
"Caddy please explain to me what's going on." nagtataka niyang sabi sa akin. Kitang kita sa kanyang mukha ang kalituhan sa mga nagyayari.
At tinatawag niya ako sa pangalan ko. Ibig sabihin ay seryoso na siya. Ganon siya kapag hindi na natutuwa sa mga nagyayari.
" Hon... I'm sorry but I have to leave."
"Where are you going? Iiwan mo ba ako?"
Natahimik ulit ako.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
"No Lander, You know how much I love you."
"But why?"
"Lander always remember this... Im not leaving you because I don't love you. I'm leaving you because I don't want you to be hurt."
"No walang aalis Caddy. Walang aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang totoo."
"Please Lander huwag mo na akong pahirapan pa. Masakit para sa akin ang umalis. But I have to."
"Meron ka bang iba? Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing pag iisipan niya ako ng ganoon.
"Kaya ka ba nanlalamig nitong mga nakaraang araw dahil may iba ka na? Tell me Caddy. Tell me!!"
"Lander.."
"Kaya ba lagi mo akong inaayawan at lagi kang nagdadahilan kapag gusto kong may mangyari sa atin? At ang nangyari sa atin kagabi. Pinagbigyan mo lang ba ako dahil iyon na ang huli. Dahil may balak ka ng iwan ako ngayong araw. Ganon ba?"
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya. At habang nagsasalita siya ay kitang kita ko sa kanyang mga mata ang bumabalatay na sakit dahilan para tumulo ang luha ko. Hindi ko talaga kayang nakikita siyang nasasaktan. Iyon ang kahinaan ko.
"I am not enough? Hindi pa ba ako sapat para sa iyo? May pagkukulang ba ako? Bakit hindi mo sabihin ng mapunan ko."
"No Lander huwag mong isipin yan. Kahit kailan ay hindi ka nagkulang."
"Then what the hell is your reason for leaving me!"
Hindi ako nakasagot. Napahagulhol na lamang ako sa harapan niya. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang iwan siya. Nasasaktan na siya sa ganito pa lang. Paano pa kaya kong mamamatay na ako sa harapan niya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siyang ganon.
Sumeryoso ang mukha niya at nagsalita.
"When you choose to leave, don't ever turn your back to me again. Dahil wala ka ng babalikan pa Caddy."
Napalunok ako sa sinabi niya. Pero napag isip isip kong mas mabuti nang ganoon. Nilakasan ko ang loob ko at muling nagsalita.
"I want you to be happy. Kung sa pagbabalik ko ay hindi mo na ako kailangan, don't worry I would freely accept it."
Sabi ko kahit hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako.
Humakbang ako para lumayo na sa kanya. Ngunit paglagpas ko sa kanya ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran .
"Hon please... lets talk. Don't leave me... I love you so much. I can't leave with out you. Please.." lalong nadurog ang puso ko sa pagmamakaawa niya.
"I'm sorry hon.. pero buo na ang desisyon ko."
Pagkasabi ko non ay buong lakas kong inalis ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at mabilis na bumaba ng hagdan.
Tinatatawag niya ako pero hindi na ako lumingon pang muli sa kanya. Nagpatuloy ako sa paghakbang na punong puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan. Nasasktan ako kaya mas pinili kong bilisan ang mga hakbang ko para makalayo agad sa kanya.