Alas otso na ng maaga ng magising ako. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi kakaisip sa nakita kong sasakyan. Ginising na nga lang ako ni mommy. Panibagong araw na naman. Maghapon na naman akong nakatunganga ngayon dito sa bahay. Naisipan kong bukas na lamang maghanap ng trabaho para makapagpahinga pa ako ngayong araw. Alas nuwebe ng umaga habang nakaupo ako sa sala at nanoood ng tv ay tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ngunit sinagot ko pa rin ito dahil baka importante. "Hello? Sino po sila?" "Good morning Ms. De Llama. Si Ms. Dela Cerna po ito ng HR DEPARTMENT." "Good morning maam. Bakit po kayo napatawag?" "I just want to inform you that your resignation request is not approved." "Po? Bakit po?" "Hindi po inapproved ng employer. So kailangan niyong pumasok bukas kung

