Kinabukasan ay maaga akong tumungo sa pharmacy upang bumili ng gamot. Wala na akong maiinom ngayong araw kaya gagamitin ko muna itong pinahiram sa akin ni Rica. Pagkatapos kong bumili ay umuwi rin agad ako ng bahay at umakyat muli sa kwarto ko. Ilang minuto pa ay bumaba ako ng kusina at naabutan ko si mommy na nagluluto. "Morning mom." "Oh iha good morning. Hindi ka ba papasok?" "Hindi na muna mom. Nag overtime naman kami kagabi kaya magpapahinga muna ako ngayon." "Mas mabuti pa nga iha. Huwag mo masyadong pagurin yang katawan mo kakatrabaho. Alam mo naman na makakasama sa iyo yan." "Nagpaalam ka ba na hindi ka papasok?" "Yes mom." sagot ko na lang kahit na ang totoo ay hindi pa. Alam ko kasing pagsasabihan niya ako. Kahit ayaw niya akong magtrabaho ay ayaw niyang lumiliban ako n

