Sabay sabay kaming apat na sumakay ng jeep pauwi sa amin. Kahit anong alibay ko ay ayaw nilang pumayag na hindi ako ihatid. Gusto rin daw nilang makapunta sa bahay namin kaya wala na akong nagawa pa. Pagdating sa labas ng gate namin ay inaasahan ko na ang magiging reaksyon nila. "Caddy dito ka ba nakatira?" tanong ni Eric. "Oo bakit?" "Ang laki pala ng bahay niyo. Sigurado ka bang wala kang pera?" tanong naman ni Rica. "Baka naman nagpapanggap ka lang na mahirap Caddy. Diba yon ang uso ngayon?" sabi naman ni Jasmine. "Hindi ako nagpapanggap. Wala talaga kaming pera." sabi ko habang binubuksan ang gate. "Eh pano kayo nagkaroon ng ganitong bahay?" "Siguro dati masasabi kong may pera kami pero ngayon wala na talaga. Itong bahay na lang na ito ang tanging natitira sa mga ari arian ng m

