TIR 23 part 2

1136 Words
(Margaux) Halos hindi magkadautal sa pagmamadali si Jennifer sa pag- alis nang nanlilisik ang aking mga mata na pinagbuksan sya ng pinto. Ang lakas talaga ng loob nya at ang kapal ng kanyang mukha para pumunta pa talaga dito sa pamamahay ko, wala naman dito ang magaling kong asawa, nasa opisina. Nang nakaalis na ang higad na matapang lang pag nasa harapan si Andrei, agad kong isinara ang pinto ng bahay at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Kasalukuyan kong hinahanap sa mga nalikom kong contact si Tito Froid. Sya lang ang tanging pag- asa ko para makilala ko ang tunay kong ina. Sya lang ang nakakaalam sa tunay na pinagmulan ko. Hindi na ako aasa na tutulungan pa ako ni mommy Helen na malaman ang tunay kong pagkatao. Mukhang tuluyan na talaga nyang pinutol ang ugnayan naming dalawa. Hindi talaga nya ako minahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Marami na akong nakakausap pero wala talaga silang maibigay na impormasyon sa akin hanggang sa nabuhayan ako ng loob nang may isang mahalagang impormasyon na sinabi sa akin itong kausap ko ngayon. ------- ------- ( Sa kabilang banda......) Naririndi na si Andrei kay Jennifer na kanina pa sunod na sunod sa kanya habang walang tigil ito sa kasasalita na naging dahilan kaya mas lalong nasira ang kanyang araw. "Andrei, I told you, Margaux is crazy, parang wala na sya sa kanyang tamang pag- iisip. She was about to hurt me kanina, mabuti nalang at nakatakbo ako. I think, she wanted to kill our child also. Dahil ikaw nga ang dahilan kaya nawala ang ipinagbubuntis nya na sa tingin ko anak nilang dalawa ni Jasper." Napatigil sya sa paghakbang dahil sa sinabi nito. At galit syang napalingon dito. "That was my child!" madiin nyang sambit sa babae. "How sure you are Andrei? Diba, nakita mo mismo ang lihim nilang pagtatagpo." Agad syang napaisip sa sinabi ni Jennifer. Si Jasper ba ang ama sa ipinagbubuntis ni Margaux? Pwede ba yon? Talaga bang pinagtaksilan sya ni Margaux? Na tulad ng pagtataksil ni Helen sa kanyang ama? "Shut up Jennifer! That was my child. At saka bakit kaba nandito? Diba, sinabi ko sayo na mainit ngayon sa akin ang mga mata nina Lolo at lola, kaya wag muna tayong magkita." pagbulyaw kong sabi sa kanya. Pag malaman ng kanyang mga grandparents ang tungkol sa pagbubuntis ni Jennifer, mawawala ang posisyon nya sa kompanya. At first, he doesn't care the company, he just want his revenge, but then now, he wanted to protect his family's company. Ayaw nyang may ibang makikinabang sa kompanya na pinaghihirapan ng kanyang pamilya. "Don't shout at me, Andrei. Baka nakalimutan mo na ipinagbubuntis ko ang anak mo. Gusto mo din bang mawala itong ipinagbubuntis ko?" pananakot na naman nito sa kanya. He already lost one child, and he doesn't want to lose another child again. "I'm sorry but please, makisama ka naman Jennifer. Alam mo naman na hindi pwedeng malaman nina lolo at lola na nabuntis kita." "Until when Andrei? When will you going to get rid of Margaux? You promised to me that magiging buong pamilya tayo ng anak natin. We can use Margaux situation now for our convenience. I told you, she's crazy." Ani nito. Hindi na sya tumugon pa sa sinabi nito. Nanatili lang syang nakatingin dito. May iniisip sya. -------- -------- ( Back to Margaux POV) "What is this?" tanong agad ni Andrei sa akin nang ibinigay ko sa kanya ang isang papel. "Why don't you read it Andrei para malaman mong yan ang annulment paper nating dalawa." "Annulment paper?" kunot noo nyang sambit, hanggang naging mabangis ang ekspresyon ng kanyang mukha kalaunan. "Plano mo ba akong hiwalayan Margaux? Para ano, para malaya na kayong dalawa ni Jasper? Sasama ka na ba sa kanya? Magtapat ka nga sa akin, anak ba ni Jasper ang ipinagbubuntis mo? Kaya galit na galit ka sa akin kasi nawala ang anak nyo ni Jasper." sunod- sunod nyang sambit na mas lalong nagpatindi ng pagkasuklam ko sa kanya. Plano pa talaga nya akong baliktarin. Talagang napakawalang kwenta at puso nyang nilalang. "You're an asshole Andrei. Talagang isinali mo pa sa kawalang hiya mo ang taong inosente. Jasper is a good man at he respected the sacred of our marriage. Hindi katulad yong dalawa ni Jennifer. Makasalanan kayong nilalang at nakakadiri kayong dalawa. At saka hindi na ako nagtaka kung itinanggi mong anak natin ang ipinagbubuntis ko. Kaya mo nga sya pinatay dahil sa hindi mo sya matanggap. Sana habang buhay kang uusigin ng konsensya mo." "How many times do I have to told you na hindi ko nga sinasadya." "Sinaktan mo ako Andrei. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang side ko. Lagi nalang si Jennifer ang pinaniniwalaan mo at ang naging kapalit ng pagiging best actress ng kabit mo ay ang buhay ng anak ko, ng anak natin. Kinasusuklaman kita. At hindi ako katulad sayo, hindi ko kayang makasama ang taong kinasusuklaman ko at ikaw yon. You should be thankful, dahil ako na mismo ang magparaya para sa inyo ng kabit mo. Mabubuo na ang pamilya nyong dalawa." "Jennifer is not my mistress." Pagak akong napatawa sa kanyang sinabi. "Oh, I forgot, she's the woman you love. But still, it doesn't change the fact that she's a mistress. Para naman maging legal wife mo na sya ,you have to sign our annulment paper. And congratulation in advance sa inyong dalawa." "No. I won't sign our annulment paper. You will remained my wife whether you like it or not." madiin nyang sabi. "Jennifer's child will be ours." Suklam na suklam akong nakatitig sa kanya. "Talagang nahihibang kana Andrei. Sa tingin mo, paano ko tatanggapin at ariin na anak ko ang batang bunga ng kataksilan mo? Ang anak ng mga taong naging dahilan kaya namatay ang anak ko? Paano?" galit na galit kong sambit. "Ilang beses ko bang kailangan humingi ng tawad sayo? Nasasaktan din naman ako sa pagkawala ng ipinagbubuntis mo pero wala na akong magagawa dun. But I have to protect my child with Jennifer. You have to understand that." Napailing akong nakatingin sa kanya. I can't believe that I fell inlove to someone like him. Mas masahol pa sya kaysa kriminal. He is heartless and a devil in disguised. "Bahala kayong dalawa ni Jennifer sa buhay nyo Andrei. Wag mo akong idamay sa problema nyo. Bago ko maisipan na ipaalam sa lahat na si Andrei Salvador, nanakit ng asawa, may kabit at binuntis pa ang kabit, permahan mo na ang annulment paper nating dalawa." pananakot ko sa kanya. Madilim ang kanyang anyo na nakatingin sa akin. " You won't do that Margaux, or else----" hindi nya tinuloy ang kanyang sasabihin. "Or else what? Are you going to kill me just like what you done to our child?" Tanong ko at nakipagtitigan pa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD