TIR 23 part 1

1181 Words
(Margaux) Kaharap namin ngayon ni Andrei sina Lolo at Lola. Inimbita nila kami ng family dinner. Mula nang nangyari sa pagkawala na ipinagbubuntis ko at nalaman ko na hindi ako tunay na anak ng kinilala kong ina, parang tumigil sa pag- function ang ilang bahagi ng aking katawan. Para akong laging lutang at wala sa sarili. "Mga apo, alam namin na hindi pa umabot sa isang taon ang pagsasama ninyo bilang mag- asawa pero matanong lang namin, kailan nyo ba plano ang magkaanak. Mga matatatanda na kami ng lolo ninyo, gusto din namin makasama ng matagal- tagal ang magiging apo namin. Ang tanging maging tagapagmana ng Salvador, alam nyo naman na anak nyo lang dalawa ang kilalanin namin na apo ng Lolo nyo." mahabang sambit ni Lola na nagpakuyom sa aking kamao, dahil naalala ko ang anak ko na nawala dahil kay Andrei at Jennifer. Napatingin kay Andrei. Gusto kong ibato sa kanya ang hawak kong tinidor dahil wala man lamang akong nabakas na pagsisisi sa kanyang mukha. Nanatili parin ang kanyang kaswal na ekpresyon na parang walang malaking kasalanan sa akin na asawa nya. Binuntis nya ang kanyang kabit tapos pinatay pa nilang dalawa ang aking anak. "There will be an exchanging of will, hinihintay lang namin na mabuntis si Margaux na sana mangyayari as soon as possible. Anak nyo lang ang hinihintay namin, ito ang mag- uugnay sa inyong dalawa." si Lolo naman. Kahit sa katandaan ni Lolo, hindi parin nilipas ng panahon ang maaturidad nyang awra. "Anak nyo lang. At hindi kami tatanggap ng ibang bata. Andrie apo, sana namin hindi ka nagkamali na buntisin si Jennifer, hindi namin tatanggapin ang anak mo mula sa kanya. Maliban pa dun, there is a possibility that you will lost everything pag nagkamali kang buntisin ang sawsawan ng bayan mong kabit." prangkang pagkakasambit ni Lola. Alam pala nya na kabit ni Andrei ang halimparot na si Jennifer, wala man lamang syang ginawa. Napatingin na naman ako sa aking magaling na asawa. Lumatay ang pagkabahala sa mukha ni Andrei at hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom nya sa kanyang kamao. Nanatili lang akong tahimik sa buong dinner, habang nag- uusap naman ang tatlong kasama ko tungkol sa negosyo. Wala ako sa mood na makipagsabayan sa kanilang pinag- uusapan dahil sa tingin ko, pinagtulungan nila akong saktan. Alam naman pala nina Lola at Lolo ang tungkol sa pangangaliwa ni Andrei pero wala man lamang silang ginawang aksyon. Hindi sana nawala ang anak ko ngayon. Sobra akong nasaktan sa aking nalaman na buntis pala ako. Masakit isipin na saka ko lang nalaman ang tungkol sa ipinagbubuntis ko ngayon wala na ito. Walang pasidhan ang sakit na aking nadarama sa isipin na nawalan ako ng anak kahit dugo palang ito at ang dahilan sa pagkawala ng aking anak ay ang mismong ama nya. Pagkatapos ng dinner, agad din kaming umalis ni Andrei. Nagmamadali syang masyado, siguro natatakot sya na baka masambit ko ang sekreto nilang dalawa ni Jennifer. Kawawa naman ang magiging anak nilang pag nagkataon. Mga demonyo na nga ang kanyang mga magulang, hindi pa sya matatanggap ng Lolo at Lola nya. "Salamat at hindi mo nasabi kay Lola ang tungkol sa pagbubuntis ni Jennifer. Kakausapin ko si Jennifer, papupuntahin ko kayo sa ibang bansa. Ipapalabas natin na doon ka nagbuntis at nanganak. Magiging anak nating dalawa ang anak namin ni Jennifer." Nanlilisik ang aking mga mata na nakatingin sa nagmamaneho na si Andrei. Kahit kailan hindi ko sila mapapatawad ng kanyang kabit sa ginawa nila sa akin. Pinatay nila ang anak ko, at hindi ko sila mapapatawad hanggang sa kabilang buhay. At ngayon iba na naman ang plano nya. Meron ba talaga syang simpatiya sa akin dahil nawalan ako ng anak. "Talagang nahihibang kana Andrei. Anong tingin mo sa aking anak, mapapalitan lang ng kung sino- sino? Wala ka talagang puso, binuntis mo na nga ang kabit mo, pinatay mo pa ang anak ko tapos ngayon, gusto mong ariin kong akin ang anak nyo ni Jennifer. Hindi ko matatanggap, mahalin at ituring na akin ang anak nyong mga dalawa." ang gusto kong sabihin pero nanatili akong tahimik. Nanahimik ako hindi dahil takot ako kay Andrei. Sigurado ako na sobrang saya ng dalawa ngayon nawala ang anak ko. Malinaw na ayaw ni Andrei nang anak mula sa akin kaya nya ako pinainom ng pills, na nakaligtaan ko nang inumin. Kinasusuklaman ko si Andrie. Isinumpa ko ang kanyang pangalan. Yon sinasabi kong pagmamahal ko sa kanya, ngayon ay nabura na sa aking puso, sapagkat mas matindi ang pagkasuklam na nadarama ko para sa kanya. “Margaux, kung galit ka sa akin, pwede mo naman akong awayin. I’m sorry dahil nawala ang ipinagbubuntis mo. Hindi ko alam na buntis ka. Nagdilim lang ang isip ko kaya nagawa ko yon sayo. Natakot kasi ako na baka may mangyaring masama sa dinadala ni Jennifer.” Aniya na parang hindi anak nya ang nawala. Malinaw na ang anak lang nila ni Jennifer ang mahalaga para sa kanya. At wala syang pakialam kung nawalan man kami ng anak. Sa isipin ito hindi ko na napigilan ang aking sarili at naisambit ko ang sobrang galit ko sa kanya. "Pinatay mo ang anak ko Andrei. Isa kang kriminal. Mas masahol kapa sa kinamumuhian mong si Helen. Alam mo kung bakit, dahil pinatay mo ang anak ko. Pinatay mo ang anak mo. Isa kang kriminal. Isa kang demonyo. Isaksak mo yan sa isip mo. At dalhin mo yan sa konsensya mo habang buhay, kung meron ka ngang konsensya." galit na galit kong sambit. Halos patayin ko na sya sa aking titig. Napaurong sya sa aking sinambit. Halata sa kanyang mukha ang sobrang pagkabigla. Siguro hindi nya napaghandaan ang namutawi sa aking labi. "Margaux, hindi ko sinasadya, hind----" "Sinasadya mo man o hindi? Sinaktan mo parin ako, kaya namatay ang anak ko. Kung kinamuhian mo man si Helen, ikaw naman ay kinasusuklaman ko. Kasusuklaman kita hanggang sa kabilang buhay at wala akong ibang gusto ngayon, ay ang makita ko kayo ni Jennifer na binalatan na buhay saka kayo pinatay. Kaya magdasal- dasal kayong dalawa dahil baka sa galit ko, magawa ko yan sa inyong dalawa. At bahala kayo ni Jennifer na itago ang anak nyo dahil kahit kailan, hindi ko gagawin ang naisip mo. Patayin mo muna ako, tutal kriminal ka naman. Isang inosenteng angel ang pinatay mo. Isa kang kriminal Andrei, demonyo ka. Pinatay mo ang anak mo, na anak natin. Wag mo yan kalimutan. Dalhin mo ang katotohanan na yan hanggang sa kamatayan mo, at sana kondenahin ka ng konsensya mo habang buhay. " Ang lahat ng nanulas sa aking labi ngayon ay dala ng matinding galit ko sa kanilang dalawa ni Jennifer. Napahampas sya sa manibela, at pabigla nyang inihinto ang kotse. Muntikan na akong mauntog sa dashboard. Mabuti nalang at nakahawak pa ako. Paulit- ulit nyang hinampas muli ang dashboard. Namumula ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "I'm sorry-----" "Sorry? Hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo sa akin Andrei. Sa pagpatay mo sa anak ko. Hindi kita mapapatawad kahit kailan. Isaksak mo yan sa isip mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD