TIR 13

1178 Words
(Margaux) Tuloy ang buhay kahit pa nagsisimula na akong manirahan sa impyerno. Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis ng kaswal kong suot para sa opisina. Mahal ko ang trabaho ko, kaya masaya parin ako kahit papaano, at nagagawa ko parin ang gusto ko sa buhay. Wala na si Andrei paglabas ko mula sa aking kwarto. Sa tingin ko, nauna na syang pumunta sa opisina. Ngayon araw kasing ito ay ang unang araw nya bilang CEO ng kompanya. Ipinakilala na sya nung isang araw sa mga board members bilang kapalit sa posisyon ni lolo. With Andrei's educational background and achievement, plus pa na halos 65 % ang share ng mga Salvador sa kompanya, kaya agad na nahuli ni Andrei ang loob ng membro ng board. Umiinom lang ako ng gatas saka ko napagpasyahan ang umalis na. Baka isipin pa ni Andrei na hindi ko binibigyan importansya ang trabaho ko, kaya late ako ngayon. Hindi kasi ako nagising ng maaga dahil sa pananakit ng katawan ko. Resulta ito sa ginawa ni Andrei sa akin kagabi. Hindi s*x ang tinutukoy ko kundi pinalilinisan nya sa akin ang servant quarter at pinalalabhan din nya sa akin ang ilan sa mga bedsheet and kumot. Dahil laking mayaman ako, kaya hindi ako sanay sa mga gawain bahay. Napatingin ako sa aking kamay na nagkasugat- sugat dahil hindi ako sanay sa paglalaba. Sumasakit parin ito. Bago ako tuluyan umalis. Nilagyan ko muna ng oitment ang sugat ko. Sana walang makapansin nito. Napabugtong- hininga nalang ako. Ganito na ba talaga ang buhay ko ngayon? Hanggang kailan kaya ako ganito? Hindi din ako nakarating agad sa kompanya dahil sa pananakit ng kamay ko sa pagmamaneho, kaya mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa kotse. At alam ko na ang sugat ko ang dahilan kaya nananakit ang kamay ko. Halos takbuhin ko ang daan papunta sa opisina ko. Baka marami akong trabaho na gagawin ngayon. Lalo pa't first day ni Andrei. Pero....... “Ano po?” halos hindi makapaniwala kong sambit. Ibang tao na kasi ang nagmamay-ari ng opisina ko at ng posisyon ko. “Pasensya na po Mrs. Salvador, ang CEO nalang po ang tanungin ninyo kung bakit nagkaganito.” Ani ng kaharap ko na si Mr. Layola. Padabog akong umalis mula sa opisina at galit kong tinahak ang daan papunta sa opisina ni Andrei. Agad kong binuksan ang pinto ng opisina ni Andrei. Napasukan ko sya na naka recline na nakaupo sa kanyang swivel chair. "Okay honey, I can't wait. I miss you too." napatingin sya sa akin. "And I love you." huling sinabi nya sa kausap saka nya tinapos ang tawag. Nadurog ang puso ko sa aking narinig. Sinabihan nya si Jennifer na mahal nya ito, at hindi ko maipaliwanag kung bakit nakadama ako ng panibugho. Pero, kailangan kong baliwalain ang sakit na nadarama ko ngayon, dahil may mas mahalagang pakay ako sa kanya. “Andrei, bakit mo ako pinalitan sa posisyon ko?” agad kong tanong sa kanya. Hindi ko napigilan ang pag- usbong ng aking galit. “It’s that how you treat the company’s CEO? Sana alam mo kung paano gumalang sa boss ng kompanya.” Nilakasan ko ang aking loob. How dare him para gawin sa akin ang mga bagay na ginawa nya ngayon? “Hindi ako nakikipagbiruan sayo Andrei. Sagutin mo ang tanong ko.” Nakipagtitigan ako sa kanya. “Well, from now on, hindi kana magtatrabaho sa kompanya.” Kaswal nyang sagot. “A-Ano?” sobrang panlalaki ng mga mata ko. “At ano ang gusto mong gawin ko?” “Wala. Sa bahay ka nalang.” Tumayo sya. “Maliban kasi na kailangan ko ng s*x partner, kailangan ko din ng katulong sa bahay. Hindi na ako maghahanap ng iba. Ikaw nalang ang gagawin ko. Kaya nga pinalinisan ko sayo ang servant quarter kagabi, dahil doon kana tutuloy simula ngayon. Ayaw ni Jennifer na magkatabi ang mga kwarto nating dalawa, kaya naisip ko na doon ka nalang sa servant quarter. Isang alipin narin naman ang tingin ko sayo." “Anong sabi mo?” Sandali akong napanganga sa sinabi nya. “Ganun naman talaga, Margaux. Wala ka naman papel dito sa kompanya.” Naniningkit na ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. “How dare you na ginawa mo ito sa akin, Andrei? Ano bang kasalanan ko sayo at ganito ang trato mo sa akin?” Hindi na ko mapigilan ang mapatanong. “Malaki Margaux. Malaki ang kasalanan mo sa akin.” Ani nya na ikinakunot- noo ko. Hindi ko sya maintindihan. “At kung itatanong mo kung gumaganti ba ako. Ang sagot ko ay Oo. Ginagantihan nga kita!" “At ano ang kasalanan ko sayo, huh?” Tumalikod sya. “Busy ako ngayon, kailangan mo nang umalis.” Padabog na sabi nya saka sya nakangising humarap sa akin. “By the way, pupunta mamaya si Jennifer sa bahay, ipagluto mo kami ng masarap na dinner.” Galit na galit akong nakatingin sa kanya. Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Walang sabi- sabi na lumabas ako mula sa opisina nya. Agad akong napatakbo sa restroom at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko. Sobrang nasaktan ako sa ginawa ni Andrei. Ang trabaho ko nalang nga ang nagpapasaya sa akin pero pati ito binawi nya. Napakasama nyang tao. Wala syang puso. Tulad ng inaasahan ko, nalaman din agad nina lolo at lola na umalis ako sa kompanya. Pero, iba ang pagkaintindi nila. "You disappointed us, Margaux. Alam mo naman na kailangan ka ng kompanya. Pero, bakit mo nagawang mag-resign?” ani ng lolo ko. Kaharap ko ang abuelo at abuela ko. Agad nila akong pinapunta sa mansyon para sermunan. Hindi po ako nagresign lolo. Si Andrei po ang nag-alis sa akin sa trabaho. Gusto ko sanang sambitin. Pero, alam ko naman na ako lang ang lalabas na mali. Kaya pinili ko nalang ang manahimik. Pinalabas pala ni Andrei na ako mismo ang nagresign. “Talagang may pinamanahan ka Margaux. Nagtatrabaho din si Helen noon sa kompanya pero nung pinakasalan sya ni Lemuel, bigla din syang nagresign. At inaksaya lang nya ang pera nya. Hindi natin maialis na ganun nga din si Margaux. Like mother, like daughter nga naman!” ani naman ni Lola. Hindi man lamang nila iniinda ang damdamin ko. Nasaktan at nainsulto ako sa sinabi nila, pero tinago ko ang tunay na nadarama ko. “Wala kang utang na loob, Margaux. Tinanggap at inalagaan ka parin namin sa kabila ng katotohanan na anak ka sa isang kataksilan. Ano pa ang aasahan namin sayo? Kailanman, hindi matatabunan ng magandang buhay na ibinigay namin sayo ang tunay na pagkatao mo.” Walang preno na pagkakasabi din ni lolo. Gusto na yatang maglaglagan ng mga luha ko. Mas masakit pa ang sinabi nila kaysa sa ginawa ni Andrei sa akin. Mukhang mag-isa nalang ako at sarili ko nalang ang maaasahan ko. Wala din naman akong mga kaibigan. Sobrang higpit na kasi nina Lolo at lola sa akin mula nung ipinagkasundo nila ako kay Andrei, na pati mga kaibigan ko ay hindi na nakatiis, at isa isa nalang nila akong iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD