TIR 12

1600 Words
(Margaux) Katulad ng pinangarap ng halos lahat ng mga kababaihan, isang napaka- engrade ang kasal namin ni Andrei. Larawan kami ng isang perpektong couple habang nakaharap sa pari na syang nagkasal sa amin. - "The Bible teaches, “Husbands, love your wives” (Ephesians 5:25) and “teach the young women … to love their husbands” (Titus 2:4). Love in marriage can be deeper and more selfless than in any other relationship. It is this type of love that Jesus expects of His followers, and it is the virtue that couples need the most." Ani ng pari. "What is Love? According to 1 Corinthians 13:4- 8, Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never ends. As for prophecies, they will pass away; as for tongues, they will cease; as for knowledge, it will pass away." Matamang akong nakikinig sa pari. Binabalewala ko ang ibinulong ng aking puso sa aking isip. Ang pagpapakasal ay isang sagradong sakramento na ginagawa ng dalawang tao na pinagbuklod ng pag- ibig. Iyong klase ng pag- ibig na parehong wala sa amin ni Andrei. Sapagkat ikinasal kami sa magkaibang dahilan. Ako, dahil sa malaking utang na loob ko sa mga kilakihan kong grandparents. Si Andrei, hindi ko alam kung ano ang dahilan nya kaya nya ako pinakasalan. At alam kong hindi ko kailan man magugustuhan ang dahilan nya. "I now pronounce you husband and wife. The husband may now kiss the wife!” ani ng pari. Humarap kami ni Andrei sa isa’t- isa. Itinaas nya ang suot kong belo, saka sandali nyang hinalikan ang labi ko. Halik na nagpadaloy ng libong bultahe sa loob ng aking katawan. At hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang nadarama ko. “Ladies and gentlemen, give around of applause, Mr. Andrei Salvador and Mrs. Margaux Salvador.” Ani ng wedding organizer namin. Saka kami humarap sa lahat. Nagpalakpakan ang mga taong naging saksi sa engrandeng kasal namin ni Andrei. Pinilit kong tamisan ang aking ngiti, kahit pa sa katotohanan na para akong namatayan ngayon. Saka umalingawngaw ang isang napakaromantikong musika at nagsimula na kaming humakbang ni Andrei palabas ng simbahan. Bawat madaanan namin na tao ay binabati kaming dalawa. How did you know? I needed someone like you in my life That there’s an empty space in my heart You came at the right time in my life I never forget How you brought the sun shine through my life and took all the worries and fears that I have I guess what I really trying to say Is not everyday that someone like you comes my way No words can express How much I love you Ang sarap sanang pakinggan ng musika, kung hindi sana kilabot ang nadarama ko ngayon. May ibinulong kasi si Andrei sa akin. "Welcome to hell, Margaux!" **** “Mana ka talaga sa akin. Akala ko ba, ayaw mo kay Andrei.. Look at you now, isa kanang legal na Salvador muli. “ nakangiting sabi ni mommy nang lumapit sya sa akin. Nasa reception kami ng selebrasyon ng kasal namin ni Andrei. At hindi tulad ng ibang ikinasal ang nangyayari sa amin ni Andrei. Imbes kasi na masaya kaming nagsasayawan ng asawa ko, at buong puso kaming nagpapasalamat sa mga bisitang dumating, iniwan kasi ako ng husband ko. Kanina pa nawawala si Andrei. Kaya nakaupo nalang ako sa isang sulok. Wala kasi akong maisasagot sa mga nagtatanong na tao. “From Margaux Salvador to Margaux Cuervas and now, Margaux Salvador na naman muli.” “Dapat ba akong magsaya mom? Alam mo naman na iniwan ako ng asawa ko sa mismong reception ng kasal namin.” Hindi ko mapigilan sambit. The truth is I need a symphaty from my mother right now. Pero, mukhang hindi naman simpatiya ang makukuha ko ngayon sa aking ina. Ang lapad kasi ng ngiti ni mommy. Isa lang kasi ang nasa isip nya, mayaman na ako muli. At dahil ina ko sya, kaya mayaman narin sya muli. “Margaux, masanay kana. Ganito din ang ginawa ni Lemuel sa akin noon. Sa klasi ng kasal meron kayo ni Andrei, dapat isip ang pinaiiral mo, hindi puso.” Nakangiting sabi ni mommy saka sya tumunga ng alak. “Hindi ka naman siguro magpakatanga at matutunan mong mahalin ang asawa mo. Dahil, in that case, isa lang ang sasabihin ko sayo, boba at tanga ka. Isang katangahan ang pag-ibig. Kaya wag kang umibig sa asawa mo. Nagkaintindihan ba tayo? Pera ang mahalaga dito sa mundo." Napatitig lang ako sa kanya. Kailan ko kaya maramdaman sa kanya ang sinasabi nilang pagmamahal na walang kapantay ng isang ina? Uhaw na uhaw kasi ako sa ganun. ------- Dahil iniwan ako ng asawa ko sa mismong reception ng kasal namin, kaya mag-isa nalang ako na umuwi sa bahay na ibinigay nina lolo at lola para sa aming dalawa ni Andrei. Wala na sa plano namin ni Andrei ang pumunta sa kung saan para sa honeymoon namin. Hindi naman normal ang kasal namin, kaya sigurado ako na hindi din normal ang pagsasama naming dalawa. Papasok na ako sa bungad ng bahay nang narinig ko ang tawanan ng isang babae at lalaki sa may sala. Napasilip ako. At nakita ko ang asawa ko na may kasamang babae. Si Jennifer ang kasama nyang babae. Nakaupo si Jennifer sa kandungan ni Andrei habang nakayakap naman si Andrie sa baywang ni Jennifer. At ang langkit ng tinginan ng dalawa sa isa't- isa. Agad na nangingilid ng luha ang aking mga mata. At hindi ko alam ang dahilan kung bakit naiiyak ako ngayon. Dahil ba sa nainsulto ako sa ginawa ni Andrei o dahil ba sa hindi ko inaasahan ang bahagyang paninibugho na nabuhay sa puso ko? Alin man sa dalawa? Isa lang ang alam ko. Nasasaktan ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman ako pwedeng dumaan nalang sa harapan nilang dalawa. Mas lalo lang akong maging kawawa. Napaupo ako sa madilim na sulok at lihim akong nakamasid sa dalawa na ngayon sobrang higpit na ng yakap sa isa't- isa habang naghahalikan. Ayaw kong tignan sila, pero hindi ko maibaling ang aking paningin sa ibang direksyon. Gusto kong magwala at sugurin silang dalawa. Ipamukha kay Andrei na nahuli ko sa akto ang pagtataksil nya sa kasal naming dalawa, pero may karapatan ba ako? Wala ngang pakialam si Andrei sa akin, kaya malamang, wala din syang pakialam kung nahuli ko man sila sa akto ng kabit nya. Maya’t- maya lang, nakita ko na tumayo ang dalawa. Napatawa si Jennifer nang pinangko sya ni Andrei, habang pumanhik naman si Andrei sa itaas na bahagi ng bahay. Halos madurog ang puso ko sa aking nakita. Larawan silang dalawa ng isang masayang mag- asawa na kakasal lang. Napagpasyahan ko na ang pumanhik sa itaas. Napatigil ako sa paghakbang nang narinig ko ang ungol nina Jennifer at Andrei sa loob ng kwarto sana namin ng aking asawa. 1st night naming dalawa ngayon ni Andrei, pero ibang babae ang kasama nya sa unang gabi namin bilang mag-asawa. Nainsulto at nasaktan ako sa ginawa nya. Sa bandang huli, mas pinili ko na sa kabilang kwarto nalang pumasok. Agad akong dumapa sa kama at ibinuhos ko lahat ng luha ko sa unan na naroon. Hindi ko naman lubos akalain na ganito ang maging trato ni Andrei sa akin sa unang gabi namin. Nung hindi ko pa sya asawa, ilang beses nya akong pinasok sa aking kwarto doon sa malaking mansion at inangkin ng paulit- ulit. Pero ngayon na asawa ko sya, sa iba syang nakipagtalik sa unang gabi namin. Isang paghampas ng unan sa aking mukha ang nagpagising sa akin. Medyo mabigat pa ang talukap ng aking mga mata kaya muli akong napapikit. “Gumising ka!” isang galit na boses ng lalaki, dahilan kaya tuluyan kong naibuka ang aking mga mata. Napaangat ako ng mukha at si Andrei ang sumalubong sa aking paningin. Galit syang nakatingin sa akin. Ang lakas ng loob nya para magalit sa akin, samantalang sya naman ang nagtaksil sa aming dalawa. Sa unang gabi pa talaga namin bilang mag- asawa at dito mismo sa sarili naming bahay. “Ano ba?” ininis ko ang aking boses. Imbes na sumagot sya. May ibinigay sya sa akin. “Inumin mo ‘to.” Kunot- noo ako na tinanggap ang ibinigay nya. “Ano ‘to?” "Contraceptive pills 'yan. I don’t want my life to be bother with a child na galing sayo. Kailangan mong gumamit ng pills para hindi ka mabuntis.” “So, anong rason at pinakasalan mo ako Andrei? Alam mo naman kailangan mo ng isang anak para may tagapagmana ka.” “Si Jennifer ang magbibigay sa akin ng tagapagmana, hindi ikaw Margaux.” Diretsong sagot nya. “Kaya, pag pupunta si Jennifer dito, dapat pakisamahan mo sya ng mabuti, dahil magiging ina sya ng anak ko.” Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Hindi ba sya nagbibiro? “So, anong silbi ko sa buhay mo?” hindi ko napigilan tanong. Pinigilan ko ang mapaiyak na naman. “s*x partner lang kita Margaux, parausan hanggang sa magsawa ako. Hindi asawa ko ang tingin ko sayo, kundi puta ko.” Diretsong sabi nya. Saka sya humakbang palabas na ng kwarto. Nasundan ko lang sya ng tingin. At kahit gusto kong umiyak, mas pinili kong hindi na sya pag- alayan pa ng luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD