Kabanata 1

2289 Words
“Mayroon kang Schizotypal Personality Disorder. Isa itong mental disorder na nakakaapekto sa pananaw at interes mo sa bagay bagay. Karaniwan na, dahil sa sakit na ito, nagkakaroon ka ng kakaibang paniniwala na ibang-iba sa paniniwala ng normal na mga tao.” Sa ilang taon na pamumuhay ngayon ko lang nalaman na may sakit pala ako sa pag-iisip. Sa katunayan, matagal ng ipinayo sa akin ng mga kaibigan at pamilya na magpatingin. Pero ngayon ko lamang naisip na gawin ito pagkatapos dumanas ng masakit na break-up mula sa dating kasintahan. “Ibig po bang sabihin, ang dahilan kung bakit ako na-I-inlove sa mga panget ay dahil sa sakit na ‘to?” tanong ko sa doktor. Huminga siya ng malalim at inayos ang pagkakasuot ng salamin. “Ang sabi mo, nagsimula ito noong bata ka pa. Hindi ba?” “Tama po. Noong bata pa lang ako, palagi akong nagka-ka-crush sa pinakapanget kong kaklase.” “Napansin mo ba na may mali na sa pananaw mo noon?” Umiling ako bilang sagot. “Para sa akin, normal lang po iyon. Nagtataka pa nga ako sa mga kaklase ko na palaging nagkakagusto sa mga gwapo.” “Gwapo at panget,” she murmured. “Kapag binanggit ko ang terminong ‘panget’, ano ang naiisip mo?” “Mga mukha po na mahirap intindihin. Tipong malapit sa mukha ng mga hayop. Kung ihahalintulad ko po sa painting, para silang abstract.” Tumango si doktora, taglay ang malungkot na ekspresyon. Dahil sa reaksyon niya, napatanong ako ng, “Malala na po ba ang sakit ko?” “Sa kaso mo, medyo malala na. Pero mabuti nalang at hindi ka pa umaabot sa mga mas matinding sintomas. Ang maipapayo ko na treatment ay ang CBT theraphy or tinatawag na Cognitive Behavioral Theraphy. Susubukan nating alamin kung ano ang sanhi ng sakit mo. Tapos babalik ka sa akin once a month.” “Kailangan ko po bang… baguhin agad ang sarili ko?” “Hindi ito madaling baguhin. Pero uunti-untiin natin. So I will give you a task.” Kumuha si dok ng papel at ballpen. May isinulat siya dito. Pagkatapos ay ibinigay niya ito sa akin. I looked at the paper and read what’s in there. [“Try not to communicate with men that you like.”] Ang ibig bang sabihin ni dok ay iiwasan kong makipag-usap sa mga panget? I suddenly feel like Juliet. Then the ugly men are my dear Romeos. Lumabas na ako ng hospital. Maaliwalas ang kalangitan ngayon, anupat walang mga ulap na tumatakip sa tirik na araw. Sinisikatan nito ang lalaki na nakatayo sa harap ko. Napatitig ako sa malaki niyang ulo, malapad na balikat ngunit maliit na beywang. Mukha siyang labanos na nabulok sa refrigerator. Agad akong umiwas ng tingin upang malayo sa tukso. Pagkalingon na pagkalingon ko sa kanan, nakita ko naman ang lalaki na may maliit na mata, pangong ilong at manipis na labi. Para siyang nauntog sa dingding, una ang mukha, tapos hindi na bumalik sa dating hugis. Pasinghap akong muling umiwas at tumingin naman sa kaliwa. At my left side, I saw a bald man. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng short at nagkamot ng puwet. Ginamit naman niya ng isang kamay para mangulangot. Multi-tasking ang ginagawa niyang kadugyutan. Nang tignan niya ko pabalik, bigla itong ngumiti. Bungi siya. He has a baby face, tipong mapapasigaw ka ng ‘Tsanak!’ kapag nakita mo siya. Mabilis ako yumuko at tinakpang pareho ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Kasasabi lang ni doktora na kailangan kong subukan na hindi maging interasado sa mga panget! Pero ang hirap pigilan! Tatakbo na sana ako paabante ng nakayuko ng makarinig ng tawag mula sa cellphone. Tumigil ako sa paglakad. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at sinagot ang tawag ng kaibigan. “Hello?” [“Nasaan ka?”] tanong ni RD. “N-Naghahanap ng trabaho,” pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya na nagpatingin ako ngayon sa doktor. [“Sigurado ka ba? O baka sinusundan mo na naman ang ex mo?!”] “Grabe ka naman!” sagot ko sabay namweywang. “Anong akala mo sa akin? Umiikot lang ba ang buhay ko kay Rodolpo?” [“Baka nakakalimutan mong kinalampag mo ang gate ng bahay nila Rodolpo kagabi? Pinadampot ka pa nga ng barangay tanod, diba?”] Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. “L-Lasing ako kaya ko nagawa iyon,” depensa ko habang napapakamot sa batok. “Tigil tigilan mo ko Mina. Imbes na magpaka-ul*l ka dyan sa ex mo na mukhang aso, samahan mo nalang ako. You need to get some fresh air.” “Saan naman tayo pupunta?” Para panandaliang makalimot sa masakit na break-up, dinala ako ni RD sa lugar na hindi ko madalas puntahan. Medyo may pagkaloka-loka rin kasi itong kaibigan ko na ‘to. “Oh diba! Makakalimutan mo kahit papaano ang problema mo rito!” sigaw ni Rd habang sumasayaw. Nandito kami ngayon sa loob ng bar kung saan kabila-kabila ang nagsasayawan at nag-iinuman. Nakakahilo ang mga iba’t-ibang ilaw sa paligid at kada tugtog ng kanta, parang dinadagundong ang dibdib ko. Jusko~ “Madaming gwapo rito!” sabi pa ng baliw kong kaibigan. “Kaya ito na ang panahon para ayusin mo ‘yang mata mo, ghorl!” dagdag pa nito. Tumingin ako sa paligid habang nakaupo sa gilid. Totoo nga ang sabi niya. Maraming gwapo. Sa sobrang dami, nasusuka ako na ako kahit hindi pa umiinom ng alak. “Oh?” Rd gasped as she pointed a man from afar. Siningkitan niya ito ng mata sabay kagat sa pang-ibabang labi. “That man is my type. I’ll get you tonight, baby.” Pasayaw itong lumapit sa lalaking natipuhan. “H-Hoy!” tawag ko dito. Pero iniwan na niya akong nag-iisa para maglandi. Kung hindi ko lang siya kasama sa bahay, matagal ko ng iniwan ang babae na ‘to. Sighing, I turned around. Inilagay ko ang siko sa ibabaw ng counter table at sumalumbaba. Isinama ako ni Rd dito para makalimot panandalian sa sakit na dulot ng pakikipaghiwalay ni Rodolpo. Pero siya parin at siya parin ang nasa isip ko. “Wala na nga yata ako pag-asang gumaling.” Sa bagay, hindi naman ito ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas. Hindi dapat ako nagsasayang ng oras na makipag-date sa mga p… “Hello.” Napatigil ako sa pag-iisip at lumingon sa kaliwa. My eyes widened and my mouth hanged opened. Sa sobrang gulat, hindi ko na maisara ang bibig ko. “I’ve been looking you from afar. You are exactly my type,” ang sabi ng gwapong lalaki na may maputing kutis, tsokolateng kulay ng mga mata, matangos na ilong at dimples sa magkabilang pisngi. Nanatili akong nakatitig sa kaliwang direksyon. Mahina siyang tumawa, waring poging-pogi sa sarili. Then he said, “Pwede bang makipagkilala sayo?” Dahan-dahan kong inilagay ang palad sa kaliwa niyang pisngi. Pagkatapos… “Umalis ka nga diyan,” sabi ko pagkatapos siyang ibasibas sa gilid. “Aray!” gulat nitong singhap. Medyo napalakas ang tulak ko kaya muntik-muntikan na siyang mangudngod. “Hey! Why did you do that?!” Without looking back, I told him, “Haharang-harang ka kasi.” Nagsimula akong lumakad papalapit sa lalaking nakaupo sa kabilang upuan. The handsome man watched me approached someone else. Wala naman akong pake sa kaniya. Malayo sa masungit kong ekpresyon para sa gwapo kanina, biglang umaliwalas ang nakakunot kong noo nang makalapit na sa lalaking natitipuhan. He is sitting in front of the counter. Mayroon siyang suot na polka dots polo with green bow tie. Naka-short siya na kulay asul, samantalang Neon color naman ang rubber shoes niya. “H-Hello,” ang nahihiya kong pagtawag. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. At doon ko lamang nakita ng kabuuan ang mukha niya. Makapal ang kilay niya. Mayroon siyang malalaking matang maihahalintulad sa mata ng nag-aagaw buhay na isdang tilapia. Ang ilong niya ay parang bagong pitas na kamatis, at ang labi naman niya ay hugis bilog na waring katatapos lang humigop ng garapon. He is… as ugly as my ex-boyfriend. “Huh!” ang narinig kong paltik ng dila mula sa gwapong lalaking pumorma sa akin kanina. My peripheral vision saw him walking away while shaking his head. Pero wala sa kaniya ang atensyon ko ngayon. “Anong kai~langan mo? Magan~dang binibini?” tanong ng lalaki. Kada salita niya, pumi-piyok piyok pa ito. Parang nakalunok ng torotot. I tucked my hair behind my ear. Smiling widely, I said, “Pwede ba akong magpakilala?” Siningkitan niya ko ng mata, sabay garalgal na tumawa. “Sabi ko na nga ba’t walang makakatanggi sa kagwapuhan ko ngayong gabi.” “Hindi ka gwapo,” sabi ko naman. “Panget ka.” Napatigil siya at nagtinginan kami. I kept on smiling at him. Totoo naman ang sinabi ko. Panget siya. Kaya ba nahumaling ako kaagad sa unang tingin. “HA HA HA HA HA~” malakas nitong tawa na sinabayan ko naman. “Hahahahaha.” Ilang segundo kaming nagtawanan hanggang sa tumigil na ito. “K-Kung panget ako sa paningin mo, bakit mo ko nilapitan, babe?” tanong nito. Siningkitan niya ang mata. Dinilaan ang daliri at ginamit ang laway para ilinya ang makapal na kilay. Babe? Tinawag niya ba kong babe? Sa sobrang kilig napatakip ako ng bibig. “Oh my gosh,” I gasped, giggling. I forged a cough and tried to calm myself. “G-Gusto ko lang kasing makipag-close. Pwede ba?” “Well,” sagot niya at inayos ang pagkakaupo. “Depende ‘yan. Pwede ka bang maging driver ko?” “Driver? B-Bakit?” “Ikaw kasi ang magpapatakbo ng buhay ko. Broom! Broom! Peep! Peep!” Luh siya. Ang galing magpakilig! “Pero huwag mong kakalimutan na magdala ng lisensiya ha,” pagpapatuloy nito. “Bakit?” tugon ko. “Coz you’re driving me crazy.” Hindi ko naiwasang mapatawa sa tuwa. Kasasabi lang ni doktora na iwasan kong makipag-ugnayan sa mga tipo kong lalaki. Pero hindi ko mapigilan! “Victor Magtanggol nga pala,” pagpapakilala niya. Inabot niya ang kamay para makipag-shake hands. “Ang tagapagtanggol ng mga naaapi.” Tinanggap ko ang kamay nito. Then I shook hand with him. “Mina Terpitt naman.” ‘Sandali lang. Hindi ba nilagyan niya ng laway ang kanang kamay niya kanina?’ Nang magbitaw kami, inamoy ko ang kanan kong kamay. ‘Amoy kalawang.’ Hindi bale. Kulangot nga ni Rodolpo natiis ko eh. Pinahid ko ang kamay sa damit saka umupo sa tabi niya. Halos ilang minuto din kaming nagkwentuhan. Umorder pa nga siya ng alak at nilibre ako. Napag-usapan namin ang mga hobbies niya, na may alaga din siyang tatlong kalapati; si Victor, John at Ben, at marami pang iba. Napaparami na ako ng inom ng alak kaya’t medyo nahihilo na ko. “Tapos, ang ganda pala ng CR nila dito sa bar,” kwento niya. “Tumae ako kanina eh. Ang lakas ng buga ng tubig ng bidet. Tipong parang mabubutas na ang puwet mo.” I laughed at his story. Gusto ko pa sanang makinig sa mga kwento niya pero kakaiba ang nararamdaman kong hilo. Bakit ganito? Hindi naman ako madaling malasing ah. At mababa lang ang alcohol percent ng ininom ko. But I feel so dizzy I wanted to take a nap. “Mina? Ayos ka lang ba?” tanong niya. Napahawak ako sa nananakit na noo. When I looked around, it feel like everything is swaying around. Tumayo ako mula sa kinauupuan. Ang gaan ng pakiramdam ko. Para akong naglalakad sa ibabaw ng ulap. “Ahhh,” I moaned, and I felt my body falling down. Sinapo ako ni Victor. “Mina!” sigaw nito. Nang tignan ko siyang pabalik, napansin ko ang ngisi nito sa labi. “Mukhang lasing na lasing ka na, babe,” sabi nito. “H-Hindi ako lasing,” sagot ko. “Nahihilo ako.” “Huwag kang mag-alala. Akong bahala sayo.” Inalayayan niya ako. Then he started to pull me away. ‘Teka lang. HIndi ako pwedeng sumama.’ Kahit pa na type ko siya, maling sumama ako ng ganito na lang. I wanted to push him away and to say that I wanted to go. Pero hinang hina ako. “Rd,” I called my friend’s name. “Rd.” Patuloy si Victor sa paghitak sa akin papalabas ng bar. Nang bigla nalang… “Ahhhh!” malakas na sigawan ng mga tao. Pinilit kong ibukas ang mga mata. Pagkabukas ng mga mata, nakita ko ang isang lalaki na humugot kay Victor palayo sa akin. I fell down on the ground. “Ohhhh~” I winced. Inangat ko ang paningin kahit nanlalabo ang mga mata. May lalaki na sumuntok kay Victor. Dinaganan niya ito sa lapag at pinosesan. “Pakawalan mo ko!” sigaw ni Victor habang nakakalampag sa sahig. Iniling ko ang ulo para alisin ang hilo. Naguguluhan ako sa nangyayari. Ang ingay ng sigawan sa paligid at pinosasan si Victor. Hindi ito ang panahon para matulog. After I shook my head, I looked at the man and called him. “Hey.” Tumingin sa akin ang lalaki. Tumayo siya at lumapit sa akin. “Miss!” sigaw nito. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Are you okay?!” I slowly lifted my blurry eyes to his face. Brown eyes, pointed nose, red cupid lips. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita ko. “Ayos ka lang ba?” tanong nito. Dahan-dahan kong inangat ang kamay. Pagkatapos ay… Pak! Sinampal ko siya. Gamit ang namimilog niyang mga mata, tinignan niya kong pabalik. “Bakit mo sinuntok ang baby ko?” bulong ko, bago tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD