Kabanata 2

1987 Words
James Licantara. Siya ang isa sa pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Kung hindi nga lang siya nagpursige sa propesyon bilang pulis, baka isa na siya sa tinitingalang artista sa mundo ng showbiz. Ngayong gabi, nakatanggap si James ng tip na namataan ang huling miyembro ng BengBeng gang sa Unizition bar. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kasama ang kaniyang kapwa kapulisan, nagpunta si James sa nasabing bar. Pagkapasok na pagkapasok sa loob, nakita niya si Victor, alias Butiki ng Tondo. Siya ang natitirang miyembro ng grupong matagal ng tinutugis ni James. May alalay si Victor na babaeng mukhang lango sa alak, gayong pasuray-suray na ang lakad nito. Sa hinala ni James, ito ang panibagong biktima ng kriminal. Mabuti na lamang at nakarating siya bago pa mahuli ang lahat. Mabilis na sumugod si James papalapit sa suspek. Hinatak niya ang kwelyo nito at inilayo sa biktima. “Ahhh!” sigaw ni Victor nang matumba sa sahig matapos siyang ibalibag ni James. Nang iangat niya ang ulo, lalo pang nanlaki ang dambula niyang mga mata. Nanginginig siyang tumayo at aakmang tatakbo. “Saan ka pupunta?” tanong ni James bago niya ito sinipa san puwetan. Muling natumba ang lalaki at sumubsob ang sa sahig una ang mukha. “Ahhhh!” sigawan ng mga tao sa bar. Nag-panic ang mga tao dahil sa biglaang kaguluhan. Sinigurado naman ng kasamahang pulis ni James na pakalmahin ang mga ito at ipakilala ang sarili bilang tagapagtanggol ng mamamayan. Mabilis na tumayo si Victor at sinubukan nitong maka-score ng suntok kay James. James dodged his punch and in a snap, he fell down on the ground again while groaning. Dinaganan ni James ang likuran nito, kinuha ang mga kamay at pinosasan ang pulso. “Binatawan mo ko!” sigaw ni Victor habang pilit na kumakawala. “Sira ulo ka ba?” tugon ni James habang dinidiinan ang posas. “Ilang buwan mo kong pinahirapan sa kakahanap sayo tapos papakawalan kita?” Sinupalpal ni James ang ulo nito at saka pabulong na sinabing, “T*r*ntado.” Sinenyasan ni James ang kapwa kapulisan na kunin na si Victor at dalhin sa police. “Hey,” a voice of a woman called him. Lumingon si James sa gilid at nakita niya ang babaeng pupungay-pungay ang mga mata habang nakaupo sa sahig. “Miss!” sigaw ni Hames. Dali-dali siyang nilapitan ang babae at hinawakan ang magkabila nitong mga balikat. “Are you okay?!” Nang iangat ng babae ang ulo at nakipagtitigan ng mata sa mata, saglit na napahinto si James. Kahit pa may kadiliman sa paligid, malinaw niyang nakita ang kagandahang taglay ng dalaga. Mayroon siyang makinis at maputing balat, bilugang mga matang kulay bughaw, paalon-along buhok, matangos na ilong, mapulang labi at maliit na mukha. Hindi madali para kay James na magsabing maganda ang isang babae. But looking at her, he admitted that she is someone who has a face that can stop anyone’s track. “Ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni James. Ang trabaho ni James ay magtanggol ng mga naaapi at siguraduhing ligtas ang mga tao mula sa masasama. Kaya naman, hindi niya lubusang maisip kung bakit…. Pak! Bakit siya sinampal ng babae na kaniyang niligtas. Nanlalaki ang mga mata, tinignang pabalik ni James ang babae habang hawak ang pisngi. Hindi lamang ang pagsampal ang lubos na sumubok ng kaniyang kakayahang umunawa ng bagay-bagay. Dahil higit sa lahat, hindi niya maintindihan ang huling sinabi ng babae bago ito mawalan ng malay. “Bakit mo sinuntok ang baby ko?” “B-Baby?” pag-uulit ni James habang pinagmamasdan ang babae na tuluyang mapahiga sa sahig. ------------------------------------------------- Dinala sa presinto si Victor upang simulan ang interogasyon. Inside the interrogation room, James and his co-detective are together with the criminal they arrested. “Sabihin mo lahat ng nalalaman mo. Maliwanag? Kapag nagsinungaling ka, patay ka sakin,” ang babala ni James sabay hampas ng folder sa ulo ni Victor. “Aray!” singhap ng kriminal bago tinignan ng masama ang mabagsik na pulis na humahawak ng kaniyang kaso. Habang nakatayo sa tabi ng nakaposas na kriminal, inilipat ni James ang susunod na pahina ng dokyumento na kaniyang hawak-hawak. “Ayon sa report, nang mahuli na ng lider ng gang niyo, hindi na muling nambiktima ang miyembro ng BengBeng.” Marahan tinitigan ni James ang nakaupong si Victor. Siningkitan niya ito ng mga mata saka muling nagtanong. “Sa halip na magtago, bakit naisipan mong mambiktimang muli?” Hindi sumagot si Victor kaya muling hinampas ni James ang ulo nito gamit ang folder. “Kinakausap kita. Sumagot ka.” “Aray naman!” reklamo ni Victor. “Dahan-dahan naman! Ang panget na nga ng tao ginagawa mo pang mas panget!” Pinaglakihan siya ng mga mata ni James, na siyang ikinatiklop niya. “B-Boss,” pagpapatuloy ni Victor. Huminga ng malalim si James upang pakalmahin ang sarili. Tumungo ito sa upuan sa gawing harapan ni Victor at saka umupo. As he sat down, he placed his elbow on the top of the table and rested his chin at the back of his hand. Sa ilalim ng dilaw na ilaw, pumaimbabaw ang kagwapuhang taglay ni James. He has brown eyes, thick brows, pointed nose and cupied-shaped pinkish lips. Para siyang prinsipe na lumabas mula sa libro. Ang pulis na nakaupo sa gitna at nagsusulat sa laptop ng investigation report, ay tumingin kay James. He is Mark, a detective working under James’s supervision. Sa tagal na nilang magkasama ni James sa trabaho, alam na niyang si James ang tipo ng tao na hindi susuko hangga’t hindi nakukuha ninanais na impormasyon na kakailangan nila upang mahanap ang organisasyong matagal ng nais supigin. Looking at James eyes, Mark can feel the intensity they hold. Ilang segundong tinitigan ni James si Victor. Namayagpag ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Mark alternately looked at the two, sa gwapong si James at kay Victor na may hitsurang hindi niya mawari. “Iibahin ko ang tanong,” sambit ni James matapos ang mahabang katahimikan. “Anong pinainom mo sa babae kanina?” “K-Ketamine,” pag-amin ni Victor. “Ketamine?” pag-uulit ni James. Tumingin siya kay Mark at tumango. Agad namang isinulat ni Mark ang nalamang impormasyon. “Paano mo siya napainom?” pag-iimbestiga pa ni James. “K-Kusa siyang lumapit sakin,” sagot ni Victor. Saglit na napahinto si James at si Mark. They looked at each other, as if wondering if they heard him right. “At bakit naman siya lumapit sayo?” James asked him. Ang natatakot na ekspresyon ni Victor ay napalitan ng mayabang na ngisi. Abot tainga itong ngumiti bago sumagot ng, “Hindi pa ba halata kung bakit? Malamang na nagwapuhan siya sa akin.” Mabusisising pinagmasdan ni James at Mark ang hitsura ng lalaki sa ilalalim ng dilaw na ilaw. Mula sa makapal na kilay, sa malalaking mga matang maihahalintulad sa mata ng nag-aagaw buhay na isdang tilapia, sa ilong niya ay parang bagong pitas na kamatis, at sa labi naman niya ay hugis bilog na waring katatapos lang humigop ng garapon; wala silang makitang matibay na ebidensyang magpapatunay na gwapo ito. Sa pag-aakalang pinagloloko siya ni Victor, ibinato ni James ang folder sa ulo nito. “Aray!” “Sira ulo ka ba?! Hindi ba sinabi ko sayo na magsabi ka ng totoo!?” Habang hinihimas ang ulo, sumagot si Victor ng, “Hindi naman ako nagsisinungaling! Lumapit nga talaga siya dahil type niya ko!” Nagkaroon na naman ng katahimikan. Bahagyang tumawa si James at itinuro si Victor. Victor thought it was a good sign so he laughed along. Subalit sa kaso ni Mark, alam niya kung ano ang simbolo ng tawa ng kaniyang boss. Tumayo si James sa kinauupuan. Pagkatapos, hinablot niya ang upuan at akmang ipanghahampas kay Victor. “G*nag*go mo talaga ako no!” “Sir James!” pagpigil ni Mark. Halos ilang oras din ang tinagal ng mahabang interogasyon. James and Mark exited the interrogation room together after getting the information they need from the last member of BengBeng gang. “Anong gagawin natin? Pilit niyang itinatanggi na may ibang organisasyon na nagpapatakbo sa gang nila?” pag-aalala ni Mark habang sinusundan si James. “Nailista mo ba ang ilang gang na binanggit niya kanina?” “Yes, sir.” “Kung ganoon, kailangan nating mahuli ang ibang gang. Ahhh, nga pala.” Huminto si James sa paglalakad, gayundin si Mark. “Natanong mo na ba kung anong drug ang Ketamine?” Sumagot si Mark ng, “Ketamine is a very fast-acting drug and boasts of the street names Special K, Vitamin K, KitKat and Purple Bump.Under the effect of this drug, you might be aware of what is going on around you but usually, you are unable to move and it more often than not causes memory problems as you might not be able to remember what happened while you were drugged. Ketamine can cause these problems: distorted perceptions of sight and sound, lost sense of time and identity, Dream-like feeling, Feeling out of control, Vomiting, Memory problems, Numbness and Depression.” Tumango si James. Slowly, his brows furrowed. “Bakit kailangan mong English-in ang buong paliwanag?” Inilabas ni Mark ang cellphone at winagayway. “Binasa ko lang ang sinend na report ng Foods and Drug administration. Bakit pa ko magpapakahirap na magtranslate ng tagalog?” Nang singkitan siya ni James ng mga mata, kusang napaatras si Mark ng puwesto. “T-Tungkol nga pala sa babae na muntik ng mabiktima ni Victor, nasa hospital pa siya ngayon. Ayon sa doctor, nasa mabuti na siyang kalagayan. Kaunti lang kasi ang nainom niyang droga.” Nang marinig ni James ang tungkol sa babaeng iniligtas niya kanina, napahawak siya sa pisngi. Nalala niya kung gaano kalakas ang sampal ng babae, anupat hanggang ngayon, namumula parin ang kaniyang balat. Watching James holds his cheek, Mark burst out a small laugh. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang boss na nasampal. Ayaw man niyang aminin, pero lubos siyang nagagalak sa nasaksihan. “Anong tinatawa-tawa mo?” tanong ni James sa lalaking ginagawa ang buong makakakaya para hindi matawa ng malakas. “W-Wala po,” sagot ni Mark na panay taas baba ang balikat. Nang mismong gabi na iyon, nagdesisyon si James na dalawin ang babae sa hospital. Nagdala siya isang basket ng prutas. As he opened the door of the hospital room, he peeked inside while carrying the fruit basket. Wala siyang nadatnan na nars o docktor. Ang bukod tanging nasa kwarto ay ang magandang babae na natutulog ng mahimbig sa kama. Pumasok si James sa loob. Ipinatong niya ang basket sa tabing mesa at muling tinitigan ang natutulog na babae. Balak niyang tanungin ito kung paano nakilala si Victor. Nagbabakasakali siyang may maitutulong ito sa kasong kaniyang hinahawakan. “Anong oras kaya siya magigising?” tanong ni James. Matapos sulyapan ang relo, dumako ang kaniyang mga mata sa mala-anghel na mukha ng babae. “Hindi ako makapaniwala na sa ganda niyang ‘yan, ang bigat ng kamay niya,” reklamo ni James. Ilang segundo niyang tinitigan ito bago nagpasyang umalis nalang muna. “I will come back when she’s awake,” bulong nito. Hahakbang na sana siya paalis na bigla nalang may humablot sa kamay niya. It was the woman who suddenly pulled him towards her. Sa lakas ng pagkakahatak, napayuko si James papalapit sa babae at muntik-muntikan pa itong mahalikan. Mabuti na lamang at naipangsangga niya ang kamay sa kama para hindi tuluyang bumagsak. Nang tignan ni James ang mukha ng babae, kagyat na bumukas ang mga mata nito. Para siyang manika na bigla nalang bumukas ang mga mata. And then, their eyes met. Sabay na napakurap ang dalawa. Nang mapagtanto ng babae na may lalaking nasa kaniyang harapan, napasigaw ito ng malakas. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” “T-Teka miss! Ako ay…” Hindi pa man natapos ni James ang pagpapakilala ay sinabakan na siya ng babae sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD