Pista sa kanilang bayan
kaya umuwi ang pamilya
Montemayor sa kanilang dating
tahanan sa Sta. Ines. Pumayag na
din si Rein na sumama para naman
makarelaks relaks sya after ng
nangyari sa kanya at pinayagan
naman siya ng boss niya na
magleave muna ng isang buwan at
parang ito na ang tamang
pagkakataon para masabi niya ang
pagdadalantao, dahil unti unti ng
umuumbok ang maliit na tiyan niya
na mukha lang namang tumaba
siya ng kaunti dahil sa bakasyon
niya, ayon sa lagi niyang
pagdadahilan sabay
magkakatinginan ang pamilya na
nagkikibit balikat lamang, pero
lingid sa kanya na may kakaiba sa
mga kilos ng mga ito mula nang
manggaling siya sa ospital.
Masayang masaya ang
mga magulang niya na nakatapak
muli sa lupang sinilangan maging
sila ng mga kapatid at nabuo ang
plano sa mga ito na ipaayos ang
kanilang bahay upang gawing
bahay bakasyunan ng pamilya, para
na rin sa kanilang mga magulang at
kaya naman nilang
pagtulung-tulungang magkakapatid
dahil lahat sila ay may kanya kanya
naman ng trabaho.
" Maganda ang naisip niyo
mga anak pero matatanda naman
kami ng Inay ninyo, at kayo bubuo
din kayo ng sari sarili ninyong mga
pamilya.Ilaan na lamang ninyo ang
inyong mga pera para sa inyong
magiging simula, ani ng kanilang
ama nang sabihin nila ang
napagkasunduan.
Itay yun na nga po alam
naming tumatanda na kayo ni Inay
at alam naming mas mahal ninyo
ang bukid na ito kaysa sa siyudad
kaya naman kami gagawin namin
ito para sa inyo wika niya.
Oo nga po Itay, magkasabay
na sambit ng dalawa pang kapatid.
Kinabukasan
napagpasyahan ni Rein na maglibot
libot sa bayan nila. Gusto siya
samahan ng mga kapatid ngunit
gusto daw niyang lumanghap ng
sariwang hangin na mag-isa, kaya
naman hindi din siya napapayag ng
mga ito.
Sa tabing dagat siya dinala ng
mga paa,(pero siyempre dala niya
ang sasakyan). Bumaba siya dito at
naglakad lakad sa gilid ng
pampang .
Napakasarap naman ng
samyo ng hangin na tumatama sa
aking balat at para akong
idinuduyan nito, kaya nang
marating ko ang bahaging may
batuhan ay umupo
ako at pumikit. Hinawakan ko ang
aking maliit na umbok at kinausap.
" Anak pasensya ka na lalaki
ka na walang tatay, tanggap na ng
mama mo na hindi talaga kami para
sa isa't isa ng papa mo. Mayaman
kasi ang papa mo at hindi kami
bagay at saka marami kaming hindi
pagkakaunawaan na hindi na namin
inungkat pa kahit pa nagkita
kaming muli. Oo anak, lagi naman
natin siya nakakasama sa office,
iyon nga lang boss siya ni mama
at dakilang tagasunod lang ang
mama ninyo sabay himas sa
kanyang tiyan. Ramdam niya ang
paggalaw nito, dahil nasa kulang
kulang na limang buwan na ito.
Oo halos halatang halata na
ito at minsan nakikita niya ang
pagdududa sa mga mata ng
pamilya pero binabalewala lamang
niya ito ,sapagkat wala naman
siyang naririnig mula sa mga ito,
o talagang hinihintay lamang
siya ng mga ito na magsabi sa
kanila at iyon ang dahilan kung
bakit siya nagpunta sa tabing dagat
mag-isa para ihanda ang sarili sa
sasabihin sa kanyang pamilya
mamayang gabi.
Lihim na may nagmamasid
sa kanya mula sa malayo, pares ng
mga matang nangungulila at
naghihintay ng tamang
pagkakataon.
Pagkauwi nakatulog siya,
dahil na rin siguro sa pagod sa
paglalakad sa dalampasigan.
Nagising siyang may mabibigat na
kamay na nakaakap sa kanya.
Nakaharap siya sa pader at ito ay
bahagyang nakadantay sa kanya.
Tila pamilyar sa kanya ang amoy
nito, kinabahan siyang bumiling at
biglang sumikdo ang dibdib nang
mapagtantong ang nakaakap sa
kanya ay ang laman ng isipan niya
sa nakalipas na mga buwan at
araw.
Himbing na himbing itong
natutulog na nakaakap pa sa kanya.
" Aba at sino kaya nagbigay
ng permiso sa lalaking ito na
pasukin ako dito sa kwarto at
tabihan pa." bulong niya sa sarili.
Mr. Montemayor, ano pong
ginagawa niyo dito, yugyog niya sa
lalaki na ikinagising nito.
Hi babe, bakit mo naman
ako ginising, napagod din naman
akong sundan ka sa mga
pinuntahan mo kanina tila batang
pagrereklamo nito.
Makababe wagas ah,
Anong babe ka diyan at kailan mo
pa ako naging babe? Tumayo ka na
diyan ,umuwi ka na sa inyo at
baka makita ka pa ng Itay ko
mahabol ka pa ng itak noon.
"Aysus samahan pa kita
kay Itay Elias, gusto mo tawagin ko
sila dito eh"
Ay taray malakas ang
loob ng lolo mo, mukhang may mga
bagay akong di nalalaman sa aking
pamilya ah.
Hindi ko alam kung
matutuwa ako o maasar, paano ba
naman wala akong bra ng mga oras
na iyon at ang bruho titig na titig sa
akin na tila ba pagkain akong handa
niyang kainin at may pangiti ngiti
pa na parang may binabalikang
alaala.
" Hoy mister bakit
nakatingin ka, bigla niyang
natakpan ang dibdib"
No need to do that babe,
do I need to tell you kung ilang
beses ko na bang nakita at
nahawakan iyan ang I miss them to
death. But for now, hindi ko muna
sila gagalawin, hahantayin kong
maging handa na nag mayari sa
kanila na ipagkaloob siya sa akin
ng buong buo, sabay halakhak nito.
Tinakpan niya ang bibig nito,
dahilan para mapalapit ang
katawan nila sa isa't isa.
Baka marinig ka nila, bulong
niya.
Ibinaba nito ang labi sa
kanya at ninamnam nito ang mga
iyon an tila bang batang uhaw na
uhaw.
Still tastes sweet babe,
matapos siyang tigilan at saka
hinawakan ang tiyan niya.
"Anak, hindi papayag ang
daddy mo na lumaki kang wala ako"
Tumingin siya nagtataka sa
sinabi ng lalaki.
" Alam mo na buntis ako?"
Kailan pa? Sinong nagsabi sayo?
Sunod na sunod niyang tanong
dito.
Hay Rein kung di ka pa
napahamak ay di ko pa malalamang
buntis ka, nung nasa ospital ka,
nandoon ako, kasama ako ng
pamilya mong nag-asikaso ng lahat
at nagkausap kami ni Arthur, siya
ang nagligtas sa iyo. Nang hindi ka
pa nagigising at wala pa sila Itay,
napagkamalan ako ng doktor na
mister mo at sa akin sinabi na
ligtas naman daw si baby at pinisil
niya ang ilong nito.
Kaya pala madalas kang
nahihilo, nagsusuka at laging may
baong biskwit dahil matakaw din
pala ang baby ko dyan sa
sinapupunan mo. Saka Rein may
aaminin ako sa'yo ako talaga ang
tinulungan niyo nga tatay mo sa
aksidente noon pero nilagay ko lang
ang pangalan ng kapatid ko kasi,
that time, magulo pa ang mga isip
ko ,kaya hindi ko alam kung tama
banag magpakilala ako nang totoo
sa inyo.Sana mapatawad mo ako!
You know what sobra akong
masaya nung malaman ko na
magiging daddy na ako at sa
babaeng pinakamamahal ko, kaya
gusto kong ipagtapat lahat ng mga
hindi magandang nangyari sa past.
Tama bang naririnig niya sa
mga sinasabi ng binata? Sobrang
saya niya kaya napaluha siya.
Inakap siya ni Leon at hinagkan sa
noo.
Sshh.. Please don't cry babe,
mapapasama iyan sa baby natin at
pinunasan nito ang mga luha na
dulot ng kasiyahan sa kanyang mga
mata. Tama na iyan babe lumabas
na tayo baka hinihintay na nila tayo.
Paglabas nila nakatingin ang
buong pamilya niya sa kanya at
lahat sila nakangiti.
Yehey, ayos na sila ni Ate
sabi ng bunso nila.
Niyakap siya ng Itay niya at
Inay. Ingatan mo ang apo namin
anak.
Matagal na naming gustong
sabihin iyan sa yo pero hindi namin
masabi kasi gusto namin sayo
mismo manggaling.
Ngayon ko na nga po sana
sasabihin sa inyo, kaso naunahan
niyo naman po ako at saka nitong
lokong ito at kinurot si Leon sa
tagiliran.
"Itay oh nananantsing pa
ang anak niyo oh, nakabuo na nga
kami balak pa po atang gawing
kambal" bargas na biro nito sa
pamilya at tawang tawa naman ang
lahat.
Pinamulahan siya sa sinabi
nito at muntikan nang makurot
itong muli, nakailag lang ang
binata.
Halina nga kayo at kumain
na tayo baka nagugutom na ang
apo ko, pag-iiba ng usapan ni Inay.
Masaya nilang
pinagsaluhan ang hapunan at
nagtatawanan sila at
nagkukuwentuhan sa hapag.
Inabot sila ng alas nuebe ng
gabi sa kwentuhan, kaya naman
nagpaalam na si Leon na uuwi sa
kabilang bayan.
" Dito ka na magpalipas ng
gabi Leon at delikado na sa daan at
madilim pa ang mga kalsada dito
sa Sta. Ines, sabi ng itay niya.
Talaga po ba Itay?
masayang sabi nito.
Oo naman anak, tatay ka
ng apo namin dapat lang na ingatan
ka din namin sabi naman ni Inay.
At talaga palang nakuha
na nito ang loob ng mga magulang,
base na din sa kwentuhan nila
kanina, siya lang ang walang alam
na alam na ng lahat na buntis siya
at nakapag-usap na nga ang itay
niya at si Leon, at madami nang
nabuong plano ang mga ito na hindi
nga lang pinag-usapan
kanina.Pinaglilihiman pa siya ng
mga ito, magkakakuntsaba sila.
Okay na po ako dito sa
sofa Itay at lalaki naman ako kaya
ko naman pagkasyahin ang sarili ko
anuman ang pwesto ,wika nito
Tatlo lang kasi ang
kwarto ng bahay namin. Kwarto ko,
yung sa dalawa kong kapatid at kay
Inay at Itay. Eh saan naman
patutulugin ng Itay ko ang boss ko?
Nakakahiya naman atang sa sofa
lang siya matulog, pagtatanong ko
sa isip.
Naku anak, hindi naman
maaring dyan ka sa sofa matulog,
boss ka ng anak ko at tatay ng
apo namin at isa pa malapit naman
........napatutop ito sa bibig
at hindi itinuloy ang sasabihin.
Malapit na ngang maging tatay,
bawi nito, kaya samahan mo na ang
mag-ina mo sa kwarto.
Itay, pwede bang tumabi na
lang ako kila Alexa? Baligtad na ata
ngayon ako pa ang ibinubugaw ng
itay ko, naiilang ako makasama sa
kwarto si Leon at baka hindi ko
mapigilan ang sarili ko.
Anak samahan mo na si
Leon sa kwarto mo.
Okay lang po itay kung
ayaw po ni Rein dito na lang po ako
sa sofa, sabi naman nito.
Sige po Mr. Montemayor sa
kwarto na po kayo matulog at
nagdadabog siyang nauna.
Good night po Inay at Itay at
nagmano pa ito sa mga magulang,
Grabe na talaga ang
closeness nila aniya sa sarili.