Nasaan ka na binibini, mas
lalo akong nasasabik sayo ,palaban
ka pala, mas gusto ko pa naman
ang nasasaktan, tila sadista itong
tumawa nang malakas.
Wala ka namang ibang
mapupuntahan dito sa loob kundi
sa bahay ng daga ko, at sinipa nito
ang pinto ng maliit na kwartong
pinasukan niya. Nagkukubli siya sa
isang drawer ng damit na luma na
nasa loob nito at nang buksan nito
iyon napatili siya pero sinabayan
niya ito ng malakas na sipa sa
pisngi nito, napahawak ito sa
mukha at galit na galit ito.Akmang
palabas na siya ng pinto nang
mahablot nito ang buhok niya.
Masyado kang mailap binibini,
hindi ako papayag na hindi
makaganti kay Leon ,dahil sinira
niya ang plano ko at negosyo ko sa
Sta. Ines.
Ano bang pinagsasasabi mo?
Wala ka bang alam sa ginawa
ng boss mo or should I say lovee
mo? Ang galing talaga ng lalaking
iyon at siya pa talaga ang nakauna
sayo.
Sinampal niya ito at nagalait
ito kaya hinalikan siya nito nang
marahas at kinagat niya ang labi
nito, dahilan para magdugo ito, pero
hindi siya binibitawan nito.
Napakasama mo, ano bang
pinagsasabi mo?,galit na wika ng
dalaga.
Oo, alam kong ikaw ang anak ni
Elias na may ari ng lupain na pakay
ng kumpanya kong idevelop para
maging bahayan at patatayuan ko
din sana ng mall,pero nakialam si
Leon. Nadiskubre niya ang
anomalya ng constructor ko kaya,
itinigil niya ang pakikipag-deal sa
amin, at napag-alaman ko din,
ginawa niya iyon dahil sa pangako
niya sa tatay mo noong
maaksidente siya sa sasakyan.
Tila bombang sumabog sa
kanya ang katotohanang ang
lalaking iniligtas nila ng tatay niya ..
10 years ago ay si Leon pala at
hindi si Noel. Pero bakit
nagsinungaling ang binata at inako
din ito ng kapatid nito.
Ano masakit ba malaman
ang katotohanan binibini na ang
lalaking ama ng pinagdadala mo ay
nagsinungaling sa iyo, sabay tawa
nito ng nakakauto.
Sinampal siya nito ng
malakas at napahilata siya sa
sahig, dahilan para makubabawan
siya nito at aktong hahalikan na
naman siya nito nang bumulagta ito
sa sahig at tila nagdilim na ang
lahat sa kanyang gunita.
Arthur Ricaforte POV
Alieza, pwede mo ba akong
bigyan ng pagkakataon para
makahingi ng kapatawaran kay
Rein sa huling pagkakataon bago
tayo pumunta ng States para
maitama ko ang mga pagkakamali
ko tutal at magkakababy na tayo at
magkakapamilya na.
Umoo naman ito at sumakay
na sa sasakyan nito.Naiwan ako sa
labas ng clinic na nakasandal sa
aking sasakyan nang may marinig
akong mga lalaki sa isang
sasakyan na nag-uusap.
" Hindi pa ba lumalabas ang
target natin?sabi ng isa sa kanila.
Wala pa, antagal nga, yosi
muna ako dito sabi ng nakatayo sa
labas ng van.
Matinik din talaga si boss
ang ganda ng babaeng pinapakuha
niya sa atin. Mukhang inip na inip
na si boss diyan antagal na niyang
pinasusundan iyan.
Nakita ko na palabas si
Rein at narinig kong nagsabi ang
nasa labas na ayan na ang babae,
Arnold.
Sige sumakay ka na nang di
tayo mahalata at susundan natin.
Kinabahan ako para kay
Rein, kaya sinundan ko din ang van,
hanggang sa napansin ko huminto
sa gilid ng kalsada si Rein at
huminto din nag van at kinuha ang
dalaga sa loob nito nang walang
malay.
Sinundan ko ang van nang
palihim na hindi ako napapansin ng
mga lalaki at nakita kong pumasok
sa isang subd ang mga ito at
huminto ito sa isang malaking
bahay sa loob ng subd. Binuksan
ng isang guard ang gate at ipinasok
sa loob ang van. Doon na ako
tumawag ng pulis at pinasunod ito
sa address na aking nabasa sa
labas ng gate.
Maya maya lang dumating
ang mga ito at pinasok nila ang
mansyon, nagpaputok ang isa sa
mga lalaking nasa loob, dahilan
para magkagulo ang pulis at mga
tauhan sa loob.Pumasok din ako at
may dala ako laging baril na
lisensyado para sa self defense at
nakapasok ako sa loob na may
kasabayan ding pulis at naabutan
ko nga na nakaibabaw ang isang
matangkad na lalaki kay Rein,
mabilis ang kasama kong pulis at
nabaril niya agad ang lalaki. Agad
kong sinaklolohan si Rein na
ngayon ay wala ng malay, dahil
siguro sa takot at dahil buntis din
ito. Binuhat ko ito at dinala sa
ambulansya saka ko ibinigay sa
isang pulis ang numero ni Leon
para sila ang tumawag dito ,dahil
alam kong pag ako ang tumawag
hindi niya ako paniniwalaan.
Sir pwede niyo po ba
pakitawagan ang numerong ito,
contact po iyan ng nakidnap.
Leon POV...
KRING...kring...kring...
Mainit na ang ulo ko dahil
kanina ko pa dinadial ang number
ni Rein, hindi niya ako sinasagot at
ang paalam lamang niya
tatanghaliin ng pasok pero alauna
na wala pa din siya.
Nang biglang magring ang
cellphone ko, at di ko na ito binasa
kung sino basta sinagot ko ang
button sa pagkakaalam kong siya
ang tumatawag sa akin.
Nasaan ka na ba Ms.
Montevista, pagalit niyang sabi.
Hello sir, hindi po ito si Ms.
Montevista, pero regarding po ito
kay Ms. Montevista po, kinidnap po
siya ng business partner niyo po an
si Mr. Alegre at muntikan na po
siyang magawan ng masama nito.
Mabuti na lang po naabutan po
namin. Pwede po ba puntahan niyo
na lamang po siya sa The Medical
City, doon po siya dinala at doon na
lamang po namin idedetalye ang
lahat.
Sige I'll be there in 20
minutes , sabi ko sa kabilang linya.
Mistulang paliparin ko ang
sasakyan papuntang ospital dahil
sa pag-aalala kay Rein
at galit ko din kay Ramon.
Sa ospital naabutan ko ang
imbestigador ng kaso at sinabi niya
ang lahat sa mga nangyari at
sinabihan niya akong
magpasalamat sa isang tao , dahil
ito raw ang nagtimbre na kinidnap
si Rein sa mga pulis.
Sir ayun po si Mr. Arthur
Ricaforte at tinuro nito ang taong
kinasusuklaman ko, pero dahil
niligtas nito ang babaeng
minamahal ko kailangan akong
magpasalamat sa kanya pero
siguro mamaya na pag nasiguro
kong ayos na ang mahal ko.
Sir nasaan po kaya si Ms.
Montevista?
Nandoon po sa ER Mr.
Montemayor.
Sige check ko lang muna sya.
Balikan ko kayo mamaya.
Naabutan niyang chinechek
ng doctor ang dalaga pero wala pa
din itong malay. Tinanong ako ng
doctor kung ako ang kasama ng
dalaga at umoo ako
pagkatapos sinabihan
akong hintayin lamang ang resulta
ng lab ng dalaga.
Sir, maayos
naman po si Ma'am at ang baby
niyo, may mga bagay dapat lamang
pong idagdag sa iniinom niyang
gamot para mas kumapit ang baby.
Hindi ko alam ang
sasabihin ko akala siguro ng
doktor asawa ko si Rein pero
ansarap pala marinig na sabihin
niyang baby namin ni Rein, tama
nga ang kumpare niya nakabuntis
nga siya at nagbunga ang mga
nakaw na sandali nila ng dalaga.
Makalipas ang isang linggo...
Nakulong na ang mga tauhan
ni Ramon Alegre at nakalkal lahat
ng illegal na negosyo nito kaya
nakulong ito matapos magamot sa
ospital nang mabaril ito ng mga
pulis. Inasikaso lahat ni Leon para
mabulok sa bilangguan ang lalaki at
mga tauhan nito. Naghihiganti pala
ito dahil hindi niya itinuloy ang
housing project sa Sta. Ines na
plinano pala nitong gawin ding Mall
para malaki ang maging quota ng
kumpanya nito at ito rin ang
nagpapagdala ng mga death threat
sa pamilya ng dalaga sa
pamamagitan ng tawag. Inamin din
nito ang mga alam nito sa kanila ng
dalaga dahil pinasubaybayan sila
nito sa probinsya pa lang.
Kaya pala hayok na hayok
ito sa dalaga dahil sa mga
napag-alaman nito kaya nasapak
ulit niya ito kahit nasa presinto pa
sila, kulang pa nga iyon kung
tutuusin sa mga ginawa nito sa
mahal niya at muntik na nitong
ipahamak ang baby nila ng dalaga.
Alam mo ba Leon, matapang
nga ang sekretarya mo akalain mo
black belter pala iyon, grabe
makasipa parang hindi buntis,
dinaig pa si Cardo Dalisay.
Muntik na niyang masapak
pa ng isa ito dahil sa daldal nito,
pero in fairness, natuwa siya na
magaling pala makipaglaban at
ipagtanggol ang sarili. Pasalamat
lang talaga ang mokong na ito at
hindi napahamak ang anak niya.
Ipinasok na ng pulis ito sa
kulungan at nagpasalamat siya sa
mga ito at nagpaalam na din.
Madami pa kasi siyang aasikasuhin
at excited na siya para sa mga
susunod na kabanata ng buhay
niya.
Tutukan niyo lamang mga
minamahal na reader.