Napapadalas ang morning
sickness ni Rein, kaya madalas din
na may baon siyang biskwit kapag
nagugutom. Tulad ngayon
kumakain na naman siya nang
makaramdam ng parang ilalabas na
naman ang kinain kaya napatakbo
siya sa CR.
Napabalikwas naman sa
upuan ang binata nang makitang
tumatakbo ang dalaga papasok sa
kusina. Marahan siyang lumabas at
kunwaring hinahanap ito para
utusan, pagpasok niya sa kusina
narinig pa niya ang pagsusuka nito
sa CR.
Aren't you feeling well Ms.
Montevista? tanong ng boss na
ikinagulat niya dahil nasa kusina ito
at nagkakape.
" Baka po may nakain lang po
akong hindi nagustuhan ng sikmura
kaninang umaga sir,
pagsisinungaling niya.
Tila naniwala naman si
Leon sa kanya, pero namomoblema
siya, paano kapag lumaki na ang
tiyan niya, hindi na niya maitatago
ito sa mga magulang at kapatid lalo
na kay Leon.
Samantala, Sabado ng
araw na iyon at naisipan ni Leon na
tawagan ang kaibigang doktor dahil
nahihiwagaan siya sa napapansin
sa dalaga sa tuwing nasa opisina
ito.
Pre kamusta?, pagsisimula
niya ng usapan, kumpare niya ito
dahil ninong siya ng panganay na
anak nito.
Aba at ano ang nakain mo
pre, at napatawag ka, sagot nitong
tatawa tawa.
Wala naman pre,
kakamustahin ko lang din sana ang
inaanak ko , balita ko honor ang
inaanak ko nagmana ata sa ninong
eh, pagbibiro niyang sabi dito.
Oo nga pre at siya ang
school valedictorian ng eskwelahan
nila.
Pero kidding aside pre, alam
kong iba ang pakay mo, pag-aarok
nito sa kanya.
Kilala na talaga siya nito,.
hahahaha bunghalit niya.
May itatanong sana ako
sayo pre, bakit kaya madalas na
nahihilo ang isang babae at
madalas na nagsusuka?
Oh my God pre tinawagan mo
lang ako para ibalita sa aking
nakabuntis ka?
At sino ang mapalad na
babae na nakapagpatibok muli ng
mailap mong puso after 10 years.
Hindi ganun iyon pare,
natanong ko lang, dahil napapansin
ko sa sekretarya ko ang mga bagay
na iyon later, at nakakaapekto na ito
sa trabaho niya, should I fire her na
ba pre?
Naku , mukhang I smell
something fishy sa secretary mo
pre ah at natatawa ito habang
sinasabi iyon.
Wala nga yun pre, pure
work lang talaga ang concern ko
kaya ko tinatanong kasi para alam
ko ba kung kukuha na ako ng
bagong secretary.
Okay na pre, naniniwala na
ako kunyari..hahahahaha.
" Yun lang ba itatanong mo
pre at tinatawag na ako ng kumare
mo eh."pagpapaalam nito.
Tama ba ang iniisip niya
mula sa sinabi ng kaibigan?
Nagbunga nga ba ang mga
pinagsaluhan nila ng dalaga sa
probinsya?
Hindi niya alam kung
matutuwa o maaasar dahil kung
totoo nga ito , ayaw niyang ipagkait
nito ang anak niya sa kanya.
Kinalunesan ng umaga
tumawag sa kanya ang dalaga at
nagpapaalam na tatanghaliin ito ng
pasok at may dadaanan lamang na
importante.
REIN POV
Naku traffic pa, lalo akong
malelate nito mamaya.
Pasado alas nuebe na nang
marating niya ang klinika ng ob-
gyne niya. Mabuti na lamang at
iilan lang ang mga kasabayan
niyang buntis nang araw na iyon.
Ms. Montevista, kayo na
po sabi ng sekretarya nito.
Pumasok siya, dahil palabas
ng pinto ang ex boyfriend at ang
ex ni Leon. Tila nagulat din ito na
makita siya dito, pero parang nais
nitong magsalita pero di lang
magawa dahil kasama ang babaeng
nabuntis nito. May kalakihan na
ang tiyan nito at halata na ang
pagbabago sa itsura nito, at iyon
naman ang pinapagpapasalamat
niya na kahit tatlong buwan na
siyang buntis ay hindi pa ito halata
kahit sa hugis ng katawan niya.
Maayos naman daw ang
kalagayan ng baby niya at binigyan
lamang siya ng karagdagang
vitamins at gatas na dapat inumin.
Natutuwa sa kanya ang doktora
niya dahil ang ganda ganda pa din
daw niya at wala pang nababago sa
katawan niya kahit malapit na
siyang pumasok sa ikalawang
trimester ng pagbubuntis.
Papasok na siya ng
kumpanya nang may tumatawag sa
kanyang numerong hindi pamilyar
sa kanya at di nakarehistro sa
cellphone niya, pero sinagot pa din
niya ito dahil baka kliyente nila ito.
Huminto siya at sinagot ito.
Hello, whose this?
Hi Ms. Montemayor,
nakakakilabot na bati sa kanya ng
nasa kabilang linya.
Pwede na ba kitang yayain
magdinner mamaya or should I say
ikaw ang gawin kong dinner
mamaya, sabay malakas na
pagtawa ang narinig niya sa
kabilang linya.
Ang kapal ng mukha mo,
tigilan mo ako at wala kang
mapapala sa akin, hayop ka!
matapang na sagot niya dito.
Aba matapang ah, iyan ang
gusto ko nanlalaban Ms.
Montevista.
Nandidiri siya sa mga
sinasabi niyo kaya pinatayan na
niya ito. Akmang bubuhayin na niya
ang makina ng sasakyan nang
biglang may mga armadong lalaki
ang pilit na binuksan ang pinto nito
at tuluyan nang nilamon ng dilim
ang diwa ng dalaga nang may
ipaamoy ang mga ito sa kanya.
Three weeks before...
Gusto kong sundan niyo ang
bawat galaw ng babaeng ito, dahil
alam kong siya ang magiging susi
ko para mapaamo si Leon at
mabawi ko ang proyektong
ipinahinto ng kumpanya nila.
"Alam kong may kinalaman
ang babaeng iyan kung bakit
ipinahinto niya ang housing project
sa Sta. Ines"
Kaya lintik lang ang walang
ganti and besides mukhang mag
eenjoy din ako kasama siya. Sabay
halakhak nito ng malakas na
dumadagundong sa buong
mansyon nito.
At mukhang nakakita na
nga ito ng pagkakataon na
maisakatuparan ang plano ng araw
na iyon kung saan tanghaling
pumasok ang dalaga at dumaan
muna ito sa isang klinika na
pambabae. Mukhang sineswerte
nga naman siya.
Samantala nagising si Rein na
nasa isang malaking silid siya na
napipinturahan ng kulay asul na
napapalibutan ng mga semi
realistic painting na tila puro ukol
sa sensuwal na mga bagay.
Saka bumalik sa alaala ang
pagdukot sa kanya kanina ng mga
armadong lalaki at pagtawag ng
nakakatakot na na lalaki na
nagngangalang Mr. Alegre .
Mabuti naman at gising ka
na binibini sabay ngisi nito.
Napaakap siya sa sarili,
tinanggal nito ang duct tape niya sa
bibig.
Unti unti iyong lumalapit
sa kanya.
Huwag kang lalapit!
sigaw niya.
Baby hold on ka, mukhang
magagamit ng mama mo ang lakas
ko at pinag-aralan sa taekwondo.
Nahawakan siya nito sa
braso, pero ginawa niya iyong
paraan para magawa niya ang
isang technique na tinuro sa kanya
ng guro noong high school at
ibinalda ang likod nito sa pader.
Oo , hindi niyo natatanong
kahit sa public school lang ako
nakapag-aral ay nagkaroon ako ng
oportunidad na makasali sa
taekwondo class at maging black
belter ako dito dahil inilalaban ako
sa ibang eskwelahan at sa region
namin at talagang nagyabang pa
ako noh?
Patakbo na siya ngunit
nakatayo pa ito para sabunutan
siya kaya pinatamaan niya ito ng
high kick at tinuhod ang kaselanan
nito.
Nanghihinang napaluhod
ang lalaki at sapo sapo nito ang
nasaktang pagkakalalaki.
Sumigaw ito ng malakas
dahilan para magkagulo ang mga
tauhan nito.Siya namang
pagkarinig niya sa putok ng baril
mula sa labas. Nang makalabas ay
naghanap siya ng matataguan.
May nadaanan siyang ilalim ng
hagdan na may maliit na kwarto at
pumasok siya doon at inilock ang
pinto.