Chapter 9

1148 Words
Lumabas siya para pagbuksan ang nagdoorbell at iniluwa nito ang isang sopistikadang babae na nakasuot ng sobrang iksing damit na nakikita pa ang cleavage. Parang nagulat din ito na siya ang sumalubong dito. "Is Leon's there Miss", mataray nitong tanong sa kanya. I am here babe, biglang labas ng lalaki mula sa kusina at hinagkan ito sa labi ng babaeng dumating, pagkukunwari nito para magselos ang dalaga at tila napagtagumpayan naman nito. Tila kumirot ang dibdib sa nakita ni Rein kaya pumasok na lamang sa loob ng kusina para hugasan ang pinagkainan nila ng boss. Nagulat din si Leon sa ginawa ng dalaga at di na siya nakahuma ng bigla na lang nitong siilin ng halik sa harap ni Rein. Tila naintimidate ito kaya pumasok na lamang sa loob ng kusina at itinuloy ang paglilinis ng plato nila. Itinulak niya ng bahagya ang dalaga at inaya ito sa loob ng opisina. Wala naman silang relasyon ng dalaga ,dahil fling lang ang turing niya dito, dahil alam niyang gayundin ito, base na din sa pag-uusap nila nang makilala ito sa isang party isang gabi na lasing na lasing siya. "Let's just do it, pag kailangan natin ang isat isa, no string attached sabi ng babae sa kanya noong unang beses silang nagkatabi sa kama, mga panahong nangungulila siya sa dalaga, kaya mukhang alam na niya kung bakit ito nandito, mula nang makilala ito.May pagkamapusok kasi ito, halatang sanay na sanay na sa mga ganitong gawain, dahil na rin sa mundong ginagalawan nito, kasi isa itong modelo pero parang wala siyang gana na maulit pa muli ang isang gabing iyon dahil ano na lang ang iisipin ni Rein sa kanila. Naging mapaghanap ang kamay nito, pero hindi niya ito pinatulan at sinabihang madami pa siyang gagawin at may meeting siya mamaya na totoo naman, kaya nagdadabog itong lumabas ng opisina niya at umalis na. Inirapan pa nito ang dalaga nang madaanan. Hindi naman ito pinansin ni Rein, buti nga sa kanya bulong niya sa isip. Isinama niya ang sekretarya sa meeting niya sa labas, sakto din namang magtatanghalian kaya naman doon na din sila kumain. First time na para silang nagdedate sa labas at pinagmamasdan lang niya ang pagkain ng tahimik ng dalaga. Pansin niya ang pagiging magana nitong kumain pero hindi hindi namemaintain naman nito ang kurba ng katawan. Napapilig siya ng ulo nang maalala ang katawan nitong ilang beses na niyang nakita. " You're pervert Leon" bulong niya sa sarili. Samantala, biglang tumunog ang cellphone niya kaya naiwaksi din ang iniisip at nag excuse siya sa dalaga. Nainis siya nang rumehistro ang numerong tumatawag sa kanya at lalo pa itong nadagdagan nang sabihin nito lung maari ba nitong makuha ang numero ng sekretarya niya. Kitang kita niya ang malagkit na tingin nito kay Rein kaninang kameeting nila ang mga ito kaya gusto na niyang, ayain ang dalaga at iwan ang mga ito kanina. Nang matapos pa nga ang usapan nakipagkamay pa ito ng mariin sa dalaga at tila ayaw nang bitawan ang mga kamay nito. Kung di pa siya tumikhim kanina, hindi pa ito mapapahiya. Laking pasasalamat siya na natapos din ang deal nila at kung hindi baka nakasuntok siya ng business partner ng kumpanya.Pero heto ito ngayon ,hindi pa natinag at kinukuha pa ang numero ng dalaga, sinadya niya kunwari na walang signal at pinatayan ito. Bilisan mo na Ms. Montemayor at babalik na tayo sa office. Bakit parang galit na naman ang lalaking ito at minamadali na naman ang pagkain ko, buti na lang busog ka na baby, napakasungit kasi ng daddy mo ,piping kausap niya sa anak. Mabuti naman tapos na din kumain, mamaya bumalik ang n akakaasar na lalaking iyon at maabutan ka pa jan baka mapaaway pa ako. Pasakay na sila ng sasakyan ng may tumawag sa kanya. Ms. Montemayor, can I invite you tonight for dinner? tanong ng isa sa kameeting nila kanina. In fairness ha ang haba ng hair ng lola ninyo, ang gandang lalaki nito parang si Lerman Logan at mukhang mayaman din ,yun nga lang mukhang may pagkapervert tumingin. Para akong kinakain ng buo kung tumingin. Sorry to interrupt Mr. Alegre but we have another meeting to attend to ni Ms. Montevista. Sobra ka naman Leon parang hindi naman tayo magkabatch sa school kung pagdamutan mo ako ng oras na makilala ang sekretarya mong ubod ng sexy, nakangising tingin nito kay Rein. Tila nagpanting ang tainga ni Leon sa narinig, kaya walang sabi sabi niyang sinuntok ang lalaki at bumulagta ito sa sahig. Hindi alam ni Rein ang gagawin, buti na lamang at may lumapit na guard at inalalayan ang lalaki patayo. Susugod sana ito nang may dumating na kasama nito kanina. Pare, halika na tama na iyan at niyakap ang kaibigan. Hinatak nito paalis ang nagpupuyos sa galit na lalaki. Ramon Alegre POV " Mapapasaakin din ang sekretarya mo Leon ,by hook or by crook, hadlangan mo man ako nag ilang beses". Pinasibad ng boss niya sa inis ang sasakyan at natakot siya baka sila makabangga o maaksidente sa daan. " Sir baka po pwedeng magdahan dahan kayo, baka po kasi maaksidente tayo , aniya. Tila nagising naman ito sa sarili at nagmenor ang lalaki. Nakahinga naman ang dalaga ng maluwang. one month later. .. Kapapark lang ni Rein ng sasakyan sa parking lot ng kumpanya nang biglang may nagsalita sa likod niya. Hi Ms.Sexy! Nakangiting bati sa kanya ni Mr. Alegre. May dala pa itong bulaklak ng umagang iyon at iniabot ito sa kanya. Nag-aalangan niyang inabot ang bulaklak. Sa totoo lang kinakabahan siya at tila iilan lang ang tao sa parking lot dahil maaga pa. Nagpasalamat siya kunwari dito para di ito makahalata na naiilang siya dito. Aalis na ako Ms. Montevista, dinaan ko lang talaga iyang flower sa iyo. I hope you like it. Thank you, nakahinga siya ng maluwag nang sumakay na ito sa sasakyan nito. Napagdesisyunan niyang dalhin ang bulaklak sa opisina at idisplay ito sa vase na binili niya sa display cabinet sa tabi ng mesa. Ms. Montevista parang nalelate ka na lately? umagang bati ng boss sa kanya. Sino kaya ang nagbigay sa kanya ng bulaklak na dala dala niya at talaga namang dala dala pa niya dito sa opisina ko, bulong sa isip ni Leon. Sorry po sir, pero maaga pa naman po at wala pa pong 7, baka nagiging mas maaga lang po ang pagpasok niyo, balik niyang tanong dito. Parang nag-isip ito, napakibit ito sa balikat at pumasok na sa loob. Sa totoo lang nagiging mas maaga siya para lalong masubaybayan ang mga galaw ng dalaga. Naging routine na niya ang bantayan ang bawat galaw nito sa twing nasa loob siya kaya laging nakabukas ang transaparent glass niya. Minsan nga muntik na siya nitong mabuking nang papasukin niya ito at naiwan niyang nakabukas ang glass, mabuti na lang at mabilis niyang palihim na naisara gamit ang remote nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD