Subsob sa trabaho
ang dalaga , gawa na din ng utos
niya, alam niya kung paano
magtrabaho ito base na din sa
naging usapan sa deliberation noon
kaya ito ang napili. Hindi nito alam
na ang pinto ng opisina niya ay see
through sa loob,may remote laman
siya para gawing opaque ang
salamin at kapag nakalabas na ito
ginagawa niya itong transparent
para makita ang nasa labas.
Ipinasadya niya talaga ito
noon pa para alam niyang
nagtatrabaho ang sekretarya at
kapag kailangan niya ito,
kinakawayan na lamang niya.
Ngayon mukhang magagamit
niya ito upang mas matitigan at
hindi malayo sa paningin niya ang d
alaga nang di nito nalalaman.
Pinadalhan niya ito ng
meryenda kay Ms. Reyes at inutos
nito sa canteen, pero mukhang
walang balak itong kainin ang
pagkain kahit itinawag niya sa
intercom na magmeryenda muna
ito, dahil nagpahatid din siya
kunwari ng pagkain para hindi ito
magtaka na may meryenda ito.
Dumating ang tanghalian tila
wala pa din itong balak tumayo
kaya nakaisip siya ng paraang
kung paano ito mapipilitang
kumain.
Ms. Montevista, please come
over, natawa siya nang makita
niyang padabog jtong umalis sa
harapan ng computer at pumasok
sa loob ng opisina niya.Pinindot
niya nang mabilis ang remote ng
pinto, bago ito nakapasok.
Can you order me a lunch
from the nearest Italian Restaurant?
Here is the money and make it
three.
Okay po sir, just give me 20
minutes.
Naiinis na bumaba si Rein at
nagtungo sa parking lot para kunin
ang sasakyan, parang mas
nadagdagan ang trabaho niya
ngayon dahil pati pagkain ng boss
niya siya ang magaasikaso at ang
takaw naman nito tatlo ang order.
Mabulunan sana.
Wala pang 20 minutes
nakabalik na siya sa opisina at
inihanda ang pagkain sa kusina.
Maya maya tinawag na niya ang
boss para kumain. Lumabas ito ng
opisina at nagtungo sa kusina.
Bumalik ito sa kanya, let's
eat Ms. Montevista. Tanghali na at
nagugutom na ako, maawtoridad
nitong sabi.
Mauna na po kayo sir at sa
canteen na lang po ako kakain pag
natapos ko po ito.
Ginawa mo pa akong
matakaw Ms. Montevista kung ako
lang ang kakain ng lahat ng binili
mo. Isa yan sa nakalagay sa
instruction sa iyo ah , na ikaw ang
aasikaso ng pagkain ko at
sasabayan mo akong kumain. Hindi
ka ba nagbasa, painis na sabi nito.
Meron pala yun sa
instruction, di na niya masyadong
napagtuunan ng pansin kanina iyon
dahil sa nagpunta pa siya ng clinic
at tinambakan ng napakaraming
ieencode na paperworks nito .
Nakaramdam siya ng
biglang pagkahilo at muntik nang
mapatumba, mabuti na lamang at
mabilis ang boss niya nasalo siya
agad nito.
Okay ka lang ba Ms.
Montevista? tila may bahid na
pag-aalala sa tanong nito.
Huwag ka ngang assumera
Rein, pigil niya sa iniisip.
Okay lang po ako sir at
bumitiw siya sa pagkakahawak
nito.
Salamat po!
Halika na at kumain na
tayo, baka nagutuman ka na kaya
ganyan ang nararamdaman mo,
anito.
Sumunod naman siya at
nagsimula silang kumain,
magkaharap sila sa may di
kalakihang mesa at para silang
nagkakailangan dahil tahimik ang
isat isa.
" Kamusta ka" halos
pabulong na sabi ng boss niya.
Napatingin siya rito at
matipid na sumagot ng okay lang
naman po sir!
Matipid itong ngumiti at sinabing
kain pa kailangan naiting ubusin
ang binili mo Ms. Monteverde.
Parang pinong puno na
siya at tila nais bumaligtad ng
sikmura niya kaya napatakbo siya
sa CR at nailabas na nga ang
kinaing tanghalian.
Napatigil ang lalaki at
parang nais siyang saklolohan
ngunit parang may pumipigil dito.
LEON POV
" Ayos ka lang ba Ms.
Montevista?, pagkukunwaring
walang pag-aala sa tono ko.
Pero sa totoo sinisisi mo ang
sarili kung bakit ba kasi binigla ko
ang dalaga sa trabaho. Kaya naman
tinawagan ko ang company nurse
at pinacheck ko ang dalaga.
Okay lang naman ako nurse,
baka nabigla lang ang tiyan ko.
Pero Ma'am namumutla po
kayo, magpacheck up po kaya kayo.
Don't worry nurse, I will pag
nagkaroon ako ng time. Okay na
ako, pakisabi na lang kay Sir
Montemayor na okay lang talaga
ako at salamat sa iyo.
Sinusundan ni Leon ang
bawat galaw ng dalaga sa labas at
baka mahilo na naman ito, dala ng
ginagawa. Hindi ito nagpatinag at
sinabi sa nurse na okay lang daw
ito , kaya naman minarapat na
niyang sabihin na huwag munang
tapusin ang trabaho at magpahinga
na muna, kung hindi mawawalan ito
ng trabaho, paggagalit galitan niya
para tumigil ito sa ginagawa.
Tumalima naman ito at nagpaalam
na. Nais niya sana itong ihatid nang
masigurong ligtas at ayos na
nakauwi ito sa bahay, ngunit hindi
nga pala niya pwedeng gawin ito,
dahil tinitikis nga pala niya ang
dalaga, kaya napagpasyahan
niyang pasundan ito kay Mang
Pedring para makasiguro.
Nagtataka si Rein kung
bakit, naging ganoon ang trato ng
boss, tinambakan siya ng trabaho
sa unang araw, tapos nung makita
na parabg sumama ang
pakiramdam niya, pinauwi naman
siya agad, nagalit pa nang ayaw
niya umuwi, kaya heto siya ngayon
unang araw ng trabaho niya,
umuuwi siya ng maaga.
Pero nagtataka din siya sa
sarili lately, madalas ang pagkahilo
at pagiging mabigat ng katawan
niya sa tuwing gigising o tuwing
umaga. May pagkakataon pang
kapag nakakaamoy siya ng niluluto
ng kanyang inay ay tila ayaw niya
nang kumain, na hindi naman niya
dating nararanasan, dahil
napakasarap magluto nito at talaga
namang ganado siya palagi. Mas
lalo pa siyang kinabahan ngayon
dahil ang kanyang boss ay ang
lalaking iniibig. Oo, mula nang
umalis siya sa Hacienda
Montemayor, inamin na niya sa
sarili na mahal niya ang lalaki at
hindi na binigyan pa ng
pangalawang pagkakataon si
Arthur kahit halos araw araw siya
nitong pinupuntahan sa kanila para
humingi ng sorry, hindi niya ito
pinatawad, bagkus kinausap niya
ito nang masinsinan at sinabihang
panagutan nito ang pagkakamali
kay Alieza at itama ang mga naging
mali sa maayos na paraan at mula
nang pag-uusap na iyon wala na
siyang narinig mula dito at hindi na
ito nagpakita sa kanya.
Samantala, nagsinungaling
naman siya sa kanyang Itay Elias,
ukol sa inasikaso niya sa probinsya
at sinabi niyang on going ang
pakikipag-usap ni Noel at
babalitaan na lamang sila kapag
may nangyari na pero sinabihan din
ang ama na huwag masyadong
umasa dahil maaring
mapakiusapan nito o hindi ang mga
developer ng housing project at tila
naniwala naman ito sa kanya.
Nasa kalagitnaan na siya
nang maisip na dumaan sa
madadaanang hospital, dahil hindi
na nga nagiging maganda ang
nararamdaman niya, para na rin
makasiguro siyang wala siyang
sakit at nang hindi maapektuhan
ang kanyang trabaho at baka
mawalan pa siya nito pag paulit ulit
na ganito ang nangyari sa kanya.
Sa ospital...
"Congrats Maam, your seven
weeks pregnant" pagbati ng isang
may edad na doktor na tumingin sa
kanya nang lumabas ang resulta ng
laboratory niya.
Tila bomba iting sumabog
sa kanyang diwa, saka nagflash
back ang mga nangyari sa kanila ni
Leon sa kubo at sa Hacienda nito.
Hindi siya agad nakasagot agad sa
doktor, pero humingi din siya ng
paumanhin na hindi siya nakasagot
agad. Samantala binigyan siya nito
ng mga vitamins para sa
pagbubuntis.
Paano na tayo anak, hindi
naman tayo pwedeng magsabi sa
papa mo na ganito ang kalagayan
ng mama mo?, pakikipag-usap sa
anak na nasa tiyan habang
nagmamaneho pauwi. Hindi niya
namalayang punapatak na ang
luha, andami na niyang iniisip na
problema makakasama ito sa
kanyang pagbubuntis kaya
kinompose ang sarili bago
nakarating sa kanilang bahay.
Samantala, tinawagan
naman ni Mang Pedring ang amo
niya at sinabi ditong nanggaling
ang dalaga sa ospital. Lalo naman
nag- alala ang binata ,dahil ibig
sabihin lamang nito na may
nararamdaman talaga ang dalaga
sa katawan to the point na
nagpakonsulta na ito sa doktor.
Napag-isipan niyang bawasan ang
mga kondisyong inilagay sa mesa
ng dalaga dahil para lamang mas
maraming oras niya itong nakikita,
kaya ginawa iyon, ngayon
binawasan niya ang gawain nito at
mas maraming oras na
makapagpahinga ito nang di nito
masyadong napapansin.
Kinabukasan maagang
gumising ang dalaga kahit
tinatamad pa siya, dahil sa morning
sickness niya na napagtanto lang
ng malamang buntis siya kay Leon.
Kailangan niyang makabawi sa
nasirang reputasyon sa unang araw
ng trabaho bilang sekretarya ng
CEO.
Pagpasok sa opisina,
nagulat pa siya nang makitang
bukas na ang opisina ng boss niya.
Gagawa na sana siya ng kape nito
nang tumunog ang intercom,
naramdaman siguro nitong nandito
na siya at pinapapasok siya nito sa
loob.
"Good morning sir, I am sorry
about my first day for being like
that, I am promising you that I will
do my best na hindi na po maulit
iyon,paghingi niya ng pamumanhin
dito.
"Good morning din Ms.
Montevista, well that's okay and I
know you already base on your
performance sa ibaba so it'
understandable naman because
you have many paperworks
yesterday on your first day walang
emosyong saad nito.
" Just read your works na
nasa table mo and go on " tila
pagtataboy nito sa kanya.
Lumabas naman siya at
sinumulan na ang trabaho,
kailangan makabawi siya sa
kahapon aniya sa sarili.
Magaalas diyes ng
makaramdam ng gutom ang
dalaga, dala na rin ng pagbubuntis
kaya naman inilabas niya ang
baong biskwit at inubos ito.
Sa opisina ng binata nakita
niyang huminto ang dalaga sa
ginagawa at may kinuha ito sa bag
at kumain ito ng baong biskwit.
Napangiti siya nang makitang
nagmemeryenda na ito, kaya
tumawag siya sa canteen upang
magpadala muli ng meryenda sa
kanilang dalawa na dati naman ay
di niya ginagawa para sa
sekretarya.
Nagulat naman ang dalaga
nang hatiran sila ng meryenda, pero
mukhang natakam siya sa amoy ng
carbonara at pizza na ipinalapag
niya sa kusina.Aktong sasandukan
na ang boss at dadalhan ng
pagkain nang pumasok ito sa
kitchen.
" There' s no need Ms.
Montevista, I have two hands
naman to prepare my foods, just
take your seat and let's eat our
meryenda."anito.
Sumandok ito at umupo na
sa pwesto.Lihim niyang tintingnan
ang galaw nito at ganun din naman
ito sa kanya, hanggang makatapos
ito.
Kukunin na niya ang
pinagkainan nito at huhugasan
sana nang magsalita ito
sa likuran niya na akala niya
nakabalik na sa opisina nito. Tila
tumayo lahat ng balahibo niya sa
batok ng maramdaman ito na
nagsalita at paglingon niya ,hindi
niya nabalanse ang katawan dahil
hindi niya kalkulado ang pagitan
nila kaya napadikit siya dito.
Nagkatitigan sila at akmang
ilalapat na ng binata ang labi sa
kanya nang tumunog ang pinto na
tila may bisitang dumating.