Chapter 7

1716 Words
Monday, maaga siyang gumayak kahit parang mabigat ang pakiramdam niyang bumangon at medyo inaupgrade na niya ang kanyang kasuotan into a secretary of CEO. " Naks ate ang taas mo na di na kita mareach sabi ng isang kapatid at pati damit mo ate ang ganda bagay na bagay sa p romotion mo ,pambobola nito. Yaan mo neng kapag sumuweldo ako ng una dito ilalabas ko kayo. Tawanan sila at nagpaalam na siya sa mga ito. Pinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng mayroon dalawampung palapag na building ng kanilang kumpanya, ang M Corp. Sa totoo lang sa isang taon niyang pagiging bahagi ng kumpanyang ito di pa niya nakakadaupang palad ang CEO ng kumpanya, dahil mailap daw ito sa mga tao at tanging mga head at director lamang ng bawat department ang lagi nitong kameeting at minsan pa via zoom lang ang mga ito, kapag naka out of town ito o umuuwi sa probinsya nito naririnig niyang kuwento ng mga kadepartment niya, at hindi din naman niya pinag-aaksayahan pa ng oras na makipagdaldalan dahil para sa kanya sineswelduhan naman sila ng tama para sa kanilang oras para magtrabaho. Pumasok siya sa loob nito at iprinesent ang ID sa machine sa harap ng lobby para makapasok, pagkatapos tinungo niya ang elevator at sumakay dito patungo sa 20th floor. Matapos ng ilang saglit iniluwa siya nito sa isang pasilyo at nakita niya sa tapat ang CEO' s office kung saan siya magtatrabaho. Wala pang 7 nang makarating siya at 8 ang call time nila dito, mukhang wala pang tao sa floor na iyon kundi siya pa lamang. Sakto naman nagtext ang kanilang directress at sinabihan siyang iswipe lang ang ID sa automatic door ng office para makapasok siya at may makikita siyang folder sa table sa bandang pinto at nandoon ang mga dapat niyang gawin na ibinilin daw dito ng CEO. Yang table na yan Rein ang magiging table mo at may mga instructions dyan sa table na dapat mong gawin pagpasok mo. Okay po ma'am nakita ko na po and thank you po, sagot niya dito. Pinagmasdan niya ang office ng magiging boss at talagang manly ito. Napakacontemporary ng design ng paligid at halatang napaka organize ng may ari nito, dahil detalyado ang bawat architectural designs ng pinagsamang kulay white at black ng malaking opisina, pero kahit ito ang kulay ay napagmukhang maaliwalas at maliwanag sa loob dahil sa mga sliding windows . Nakapwesto ang table niya sa pagpasok ng office pero may isa pang sliding door na patungo siguro sa loob ng CEO main office. Inaral niya ang instructions sa folder. Detalyado ang mga dapat niyang gawin at unang una dito ang kailangan niyang ipagtimpla ng kape ang boss at mayroon talagang mini kitchen sa left side ng pader at hindi niya napansin ito kanina dahil akala niya lang na bintana, isa pala itong pinto. Pinindot niya ang button na nasa instruction din at bumukas ito. Namangha siya sa loob dahil punong puno ito ng kagamitan at pati na rin ng stocks ng pagkain maging ang refrigerator nitong pangmayaman talaga. Hinanap niya ang coffee maker at naglagay dito ng coffee granules at tubig mula sa dispenser. Bakit ang tagal naman yata ng kape ko, Ms. Montevista? tila inis na sabi ng tono ng isang lalaki. Nagulat siya kaya nasagi niya ang baso, dahilan para malaglag at mabasag ito. Nataranta siya at di alam ang gagawin. Napalingon siya at parang namultong napatulala sa nagsalita. Hindi alam ang mararamdaman sa mga oras na iyon nang bigla siyang lumingon at makita ang lalaking halos dalawang buwan ng laman ng panaginip ata isipan niya. My God first mo pa lang, nakabasag ka na, galit na sigaw nito, clean up your mess or else mawawalan ka ng trabaho Ms. Montevista. Nagmamadali niyang pinulot ang mga bubog, dahilan para masugat siya at magdugo ang kamay. Napaaray sa sakit ang dalaga, pero tila bato ang puso nitong tinitigan lamang siya sa mata na tila sinasabing tama lang sa kanyang katangahan ang nangyari. Pinatuluan niya sa gripo ang sugat at binalot ito ng panyo. Matapos nito nilinis niyang muli ang kalat, nang biglang pumasok ang dating boss niya sa dating departamento. " What happened Rein, Mr. Montemayor called me and he is furious about you and told me your mistakes, kaya naman I asked our company nurse to clean your wounds at iginiya siya nito sa clinic ng company. Nagulat lang po ako Ma'am pagpasok po ni Mr. Montemayor, kaya natabig ko po ang tasa at nang lilinisin ko na nasugat po ako ng bubog po, pasensya na po kayo Ma'am , naistorbo ko pa po kayo. Pangako po, hindi na po mauulit ang pagiging clumsy ko po kanina. Nang malinisan ng company nurse ang sugat niya at malagyan ng gasa, pinabalik na siya nito sa opisina, iniwan na din siya dito ni Mrs. Reyes at may aasikasuhin ito sa Departamentong hawak nito. Maraming salamat nurse! at nagpaalam na siya upang bumalik sa 20th floor. Nang makarating sa opisina ng CEO, kinakabahan siyang umupo sa table at binasang muli ang mga instructions, nang tumunog ang intercom. "Please come inside Ms. Montevista at may nakabinbin ka ng trabaho dito, mariing sabi nito. Gamit ang ID itinapat lamang ito sa machine at nagbukas na ang sliding door. Lalo siyang namangha sa ganda ng opisina nang mapagmalas niya ang mata sa loob ng malaking kwarto na tila doble ng laki ng bahay nila at ang interior design very manly at ang amoy pamilyar na pabango ng lalaking ilang beses niyang nayakap at nahagkan. Ipinilig niya ang ulo nang marinig ang boses nito. Tapos ka na bang siyasatin ang opisina ko, Ms. Montevista? gising nito sa tila paglalakbay ng kanyang isip. Ay sorry po sir, pati po sa nangyari kanina, hindi na po mauulit, kiyeme niyang paghingi ng paunmanhin dito. Napakacold naman ng lalaking ito, mahina niyang bulong niya sa sarili. May sinabi ka ba Ms? Wala po sir, pagsisinungaling niya dito. Okay, that's good mabuti nang nagkakalinawan tayo. Ito nga pala lahat ng gagawin mo, I need all of these, after lunch, naipon kasi ang paperworks ni Mrs. Bituin nang magresign siya at nagdeliberation pa kaya medyo natagalan and you're pretty lucky na ikaw ang napili ng mga boss mo sa ibaba para maging kapalit niya. "Lucky ba? Parang hindi naman, parang mas okay na siya sa ibaba na lang kaysa araw araw makita ang isang aroganteng lalaking nasa harapan niya ngayon, ibang iba sa nakilala niya sa probinsya. Okay po sir , salamat po sa pagbibigay sa akin ng oportunidad, napakabuti niyo! sarkastiko niyang sabi dito. Parang I smell na di ka masayang makatrabaho ako Ms. Montevista, nang-aasar na sabi nito. Ay hindi po ganun sir, baka po nagkakamali lang kayo, may ipag uutos pa po ba kayo sir para po masimulan ko na ang trabaho ko na kailangan niyo po after lunch at idiniin niya ang after lunch. You may go Ms. Montevista , make sure to finish that after lunch break. Welcome to your new ofgice and Good luck tila nang-aasar pa nitong pahabol. Lumabas na siya at sinadyang bigatan ang yapak ng paa dahil sa inis. Nagdadabog ka ata Ms. Montevista? tanong pa muli nito. Hindi po sir, mabigat lang po talaga ang mga dala kong papers ,pagsisinungaling niya. Kung bakit kasi naman hindi mo inalam kung sino ang CEO ng kumpanya bago ka pumayag na mapalipat ng pwesto at sana naging tsismosa ka na lang nun at nang alam mo kung ano ang buong pangalan ng boss ng kumpanya niyo. Biruin moo boss mo ang lalaking nakauna sayo at nakarami sayo, Rein, parang tangang pakikipag-usap niya sa sarili. LEON POV Kulang na lang ay mayakap niya ang dalaga nang makitang nagdudugo ang kamay nito, dahil sa basag na basong nahawakan nito. Sasabihin sana niyang, iwanan na lang ang kalat at ipapalinis na lamang sa janitor at papupuntahin na lamang doon ang nurse, pero kailangan niyang magpanggap na walang epekto sa kaniya ang presensya ng dalaga. Mula kasi nang malaman niyang umalis ito sa mansyon matapos ng gabing iyon, hindi na siya makausap nang maayos ng mga kasama sa bahay. Madalas siyang umiinom at nagkukulong sa kwarto, napabayaan din niya ang kumpanya, nagising lamang siya sa pagkakatulog nang mag-away sila ni Noel at nasuntok siya nito dahil inasal niya. Kinausap siya ng kapatid at nagkaayos sila sa pag-aaway at nagkapatawaran. Inamin din nito ang tunay na dahilan ng pagpunta ng dalaga at iniabot sa kanya ang sulat niya 10 taon ang nakalilipas sa Itay Elias nito at doon niya naalala na ito ang dalagitang anak na kasama ni Itay Elias na nagligtas sa kanya noon base sa kwento nito sa ospital noon. Doon niya napagtanto ,noon pa lang may koneksiyon na siya sa dalaga. Tila nagpaubaya naman ang kapatid sa kanya at pinagsabihan pa siyang, huwag palalampasin ang pagkakaataon na mahanap niya ang dalaga at maiayos ang mga di magandang nangyari, nagkaayos man sila ni Arthur o hindi basta ang mahalaga ay maitama niya ang mga mali. Tama naman ang kapatid kaya nagpasalamat siya dito at naunawaan siya nito kaya naman nagpasya siyang bumalik sa kumpanya makalipas ang isang buwan sakay ng family chopper nila. Dahil na rin sa isang buwan wala siya halos sa kumpanya ,kaya hindi na rin alam ng sekretarya niya kung paano magpa-function kaya nagfile ito ng resignation letter nang bumalik siya saktong magmamigrate na rin ang pamilya nito sa US, kaya naman nagpatawag siya ng urgent meeting para makahanap ng kapalit,pero ang gusto niya nasa kumpanya lang din ang kapalit para alam na nito ang mga polisiya sa trabaho. Nagkaroon ng deliberation ng mga kandisato ng bawat dept nang di alam ng mga ito, para walang pressure at nagulat pa siya nang makita ang mukha ng dalaga sa prinisintang mga muka. Tila naexcite siya na all these time pala, magkalapit na sila, pero di pa sila pinagkrus ng landas, sa ibang pagkakataon pa niya makikilala ang dalaga at sumagi sa isip ang unang engkwentro nila. Napangiti siya sa naisip. Sa ngayon kailangan muna niyang magpanggap at lingid sa kaalaman ng pamilya nito na hindi na matutuloy ang pagbili sa lupain ni Itay Elias, salamat na lamang at nagkaroon ng anomalya saga kagamitang binibili ng contractor kaya nagkaroon ng demandahan sa pagitan ng developer at contractor nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD