Chapter 6

1618 Words
Sa mansiyon.... Napakaraming nakaparadang sasakyan sa di kalayuan dahil sa dami ng bisita ng pamilya. May mga narinig pa siyang darating mula sa Manila at sa kabilang bayan at kalapit lalawigan, sabi ng mommy ni Noel. Nilapitan nila ni Noel si Dimples na nakasuot ng mala-prinsesang gown na lalong nagpatingkad sa kaputian nito at ganda na namana sa ama. Nakatingin sa kanila ang karamihan ng tao nang lapitan nila si Dimples sa gitna ng ginawang entabladong ginaya sa ball gown party reception ng Cinderella. May narinig siyang, siya na ba ang bagong mommy ni Dimples sabi ng isa sa mga bisita. Hindi lamang pinansin ito ng dalaga dahil mukhang tuluyan nang napalitan ni Leon ang puwang ng kanyang boyfriend sa puso niya, at heto si Noel na tila tuwang tuwa sa mga naririnig na siya ang babaeng papalit sa asawa nito. Tila kinikilabutan siya sa mga iniisip at hindi niya alam ang mga maaring mangyari sa mga kapahangasang ginagawa sa kanyang bakasyon na ang tanging pakay lamang ay paghingi ng tulong sa lalaking ito , ngunit tila naging magulo ang lahat para sa kanya . Lingid sa kanyang kaalaman may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanila at nagpupuyos sa galit. Hi Dimple, I'm Tita Alieza here is your gift, and I know it suits you well. Thank you Tita Alieza anang bata habang nakaupo ito kasama ng lolo at lola nito. Hi Tito and Tita, nanjan po ba si Leon? He's just around iha, nakangiting sabi nito,walang kamalay malay sa nakaraang kataksilan nito sa anak. Inabot na ng gabi ang party ng bata at ilang beses din itong nagpalit palit ng damit. Patuloy ang pagdagsa ng mga bisita at pag-alis ng mga nauna. Buhay na buhay ang paligid ng mansyon. Pero di ang nararamdaman ni Leon ng mga oras na iyon. Mababaliw na siya, hindi na siya nagpakita sa pamilya at nagstay lang sa tahimik na pwesto niya sa tagong bahagi ng hardin. Kanina pa hinahanap ng mata ni Rein si Leon at hindi pa niya ito nasisilayan mula kaninang umaga, kaya nagpaalam siya kay Noel na may kukunin lamang sa kwarto pero ang totoo, nais niyang makita ang binata. Umakyat siya sa itaas, ngunit wala doon ang binata, kaya napagpasyahan niyang ikutin ang buong mansyon para hanapin ito. Nilibot niya ang buong hardin hanggang sa nakarating siya sa isang tagong bahagi nito na may lihim pa lang pinto at ngayon lang niya napagtanto na may daanan pala dito. Pinasok niya ito, madilim ang bahaging iyon at malamlam na ilaw lamang ang nagsisilbing ilaw doon. May narinig siyang boses ng dalawang tao at parang kaboses ng lalaki ang isang pamilyar na boses sa kanya. Buntis ako, at ikaw ang ama nito, alam mo iyan. Nang magkita tayo sa party ng mama mo, na may nangyari sa atin. Hindi pwedeng mangyari yan Alieza, may girlfriend na ako at nais ko na siyang pakasalan. Anong gagawin ko sa batang ito, Arthur? REIN POV ARTHUR.... Parang kinakabahang turan ni Rein sa sarili. Tama ba ang narinig niya, Arthur ang pangalan ng lalaki, at parang pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki. Sumilip siya para makita ang dalawa, at para siyang napako sa pinagkukublian ng mapagtanto tama ang hinala at isa pang nakakagulat, ang babaeng kausap nito na nagsasabing buntis siya ay ang ex ng lalaking iniibig na niya ngayon. Bigla ang taas ng kulo ng dugo sa boyfriend at lumabas siya sa pinagkukublian. " Hayop ka Arthur" sigaw niya at sabay na lumingon ang dalawa. Nakakagulat pa ng makita sa di kalayuan si Leon na mukhang nakikinig din sa dalawa. LEON POV Nagulat ako nang bigla na lang may nagsalita pang isang boses ng lalaki at sabihan ng hayop si Arthur at mas nakakashock nang makita niyang si Rein ang nagsalita. What is happening right now? Rein let me explain, ikaw ang mahal ko babe. Sinampal nito ang lalaki. " Sino siya Arthur?", galit din na tanong ni Alieza. Siya ang babaeng pakakasalan ko Alieza. Ano? magkasabay ng tanong ni Alieza at Leon. Bakit parang mas naging magulo pa ang mundo? Hindi alam ni Leon kung saan siya magagalit? Sinuntok niya si Arthur nang malakas, saka binalingan si Alieza at Arthur. " Don't you ever step on my property again", nagpupuyos na sigaw nito sa dalawa. Tumingin lang ito ng tila nagtatanong at galit na galit sa kanya, sabay labas nito sa pinto. Sumunod siya dito at iniwan ang dalawa. Leon tawag niya dito. Hindi siya nilingon ng lalaki, dere deretso lang ito at dumaan sa likuran para umakyat sa kwarto nito. LEON POV Totoo ba ang nangyayaring ito? Sana lahat na lang ng narinig ko ay panaginip na lang. Of all the people, bakit mo ako niloko Rein, bakit si Arthur ulit? tanong niya sa isip habang nakasandal sa likuran ng pinto na pabalya niyang isinara, kahit alam niyang nasa labas ang dalaga at nais siyang kausapin. Ito na nga ba ang kinakatakot niya, ang masaktan muli, bakit kung kailan alam na niya ang nararamdaman sa dalaga , ganito pa ang nangyari. Mangiyak ngiyak niyang nasabunutan ang buhok. Samantala, iyak din ng iyak ang dalaga lalo na nang hindi siya pagbuksan ng lalaking lihim nang minamahal. Alam niyang mali siya, hindi niya magawang masabi sa binata noon na may boyfriend siya dahil natatakot siyang saktan ito at alam niyang mas matimbang ang pagmamahal niya dito. Pumasok na siya sa kwarto at nagpalit ng damit. Humiga siya sa kama at nag-iiyak doon, hindi na siya bumalik sa pagtitipon at nagkunwari na lang na tulog na nang kumatok si Noel para kamustahin siya.Wala itong kamalay malay sa mga nangyari sa gabing iyon. Napagpasyahan ni Rein na umalis na kinabukasan. Maaga siyang nagligpit ng mga gamit at bumaba para tunguhin ang kotse. Mukhang makakapaghabi na naman siya ng kasinungalingan dahil nasa sala ang mag-asawa. Oh iha, aalis ka na ba? Bakit parang biglaan naman, nagtatakang tanong nito. Sorry po Tita , nagkaemergency po kasi sa trabaho, pakisabi na lang po kay Noel na umalis na po ako, kumatok po kasi ako sa kwarto niya at wala pong sumasagot, mukhang tulog pa po siya. Mukhang naniwala naman ang matanda kaya nagpasalamat at nagpaalam na siya sa mga ito. Balik ka dito iha pag may time ka ulit habol pa nito. Sige po tita, salamat po sa inyo! LEON POV May narinig siyang sasakyan na umalis nang maaga, pero di niya masyadong pinansin , dahil wala siyang tulog ng magdamag. Nais niyang tawirin ang dalaga sa kabilang kwarto, ngunit dinudurog siya sa sakit na dulot nang di nito pagsasabing may kasintahan na pala ito at ang pinakamasakit sa lahat sa lalaki pang kinasusuklaman niya. NOEL POV Nagising siya nang bandang alas nuebe at binuksan ang pinto para puntahan sa kwarto si Rein. Napatingin siya sa lapag ng pinto nang makita ang maliit na papel na mukhang sinadyang isuksok ng kung sino sa maliit na puwang ng pinto sa ibaba nito. Kinuha niya ang papel at binasa ito. Galing ito kay Rein at nagpapaalam ito sa kanya. Sinabi nitong hindi na niya ipipilit kung hindi kayanin ng lalaki ang hinihingi nila ng tulong at sinabi niyang kalimutan na lamang na pumunta siya sa kanila dahil hindi naman daw niya obligasyon ang ibalik ang utang na loob sa itay nito. Naikuyom niya ang sulat ni Rein, hindi niya alam kung ano ang nagawang mali sa dalaga kahapon sa kaarawan ng anak. Baka naramdaman nito na magtatapat na siya ng pag-ibig dito o ayaw nito sa mga naririnig mula sa mga tao sa party kahapon. Two months later... Pinatawag si Rein sa opisina ng Department Unit Director nila sa accounting office nang araw na iyon. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit? Maayos naman ang pagbalik niya mula nang humingi ng dalawang linggong leave. Kumatok siya. Pasok Ms. Montevista, anito sa loob. Kinakabahan siya sa biglaang pagpapatawag nito nang araw na iyon. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Ms. Montemayor, tanggal ka na sa trabaho mo dito. Nagulantang siya sa narinig parang nag flash back lahat ng mga ginawa niya sa kumpanya at alam niyang nagtatrabaho siya nang maayos at ni minsan wala pa siyang ginawang kapalpakan para paalisin ng biglaan. Naalala bigla ang bruhildang kasamahan na naiinggit sa kanya dahil alam nitong paborito siya ng mga boss at maganda ang reputasyon sa trabaho ,kaya siya napagbigyan ng dalawang linggong leave. Hindi kaya siniraan ako ng hitad na iyon? bulong sa isip. Pero ma'am, ano po ba ang naging problema ko bakit biglaan naman po ata akong paalisin dito? kunot noong tanong niya. Nagpipigil ng tawa ang directress. Oo Rein madami kang nagawa......bitin nitong sabi. Marami kang nagawang maganda kaya promoted ka Neng, nakatawang sabi nito. Magmula sa Lunes, aakyat ka na sa 20th floor ng kumpanya. Ikaw na ang magiging bagong secretary for internal affairs ng CEO ng kumpanya. Halos maiyak siya sa pangpaprank nito kanina na pinaaalis na siya yun pala ay literal na aalis siya pero promoted siya. Lately kasi ay nagiging emosyonal siya at parang laging mabigat ang pakiramdam pero hindi niya ito iniinda, dahil dinadivert din niya ang isip para malimutan ang mga nangyari sa probinsya. Talaga po gulat niyang tanong pero bakit po, nasaan na po ang dating secretary for internal affairs? balik tanong niya dito. Nag migrate na ang pamilya nito sa abroad at iniwang bakante ang posisyon. Kaya agad na nagpahanap ang CEO ng kapalit at nagkaroon ng deliberation ang bawat department nang di niyo alam at nakita ng lahat na ikaw ang pinakarapat- karapat dapat sa posisyon Rein. Nakakataba naman po ng puso Ma'am, asahan niyo pong pagbubutihin ko ang trabaho ko po doon at hindi gagawa ng anumang makakasira sa inyong pagtitiwala at nakipagkamay siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD