Chapter 3

1391 Words
Kinabukasan.... NOEL POV Maagang gumising si NOEL para pakiusapan ang kapatid na siya na lang ang humawak ng housing project nila sa Sta. Ines para may access siyang matulungan ang dalaga. Hindi niya mawari pero nais niyang pangatawanan na siya ang sumulat sa Tatay Elias nito at niligtas ng mga ito sa aksidente noon. Tila nais niyang protektahan ang dalaga at ang pamilya nito. Lumabas siya sa hardin at naabutang nagkakape ang dad niya habang nagbabasa ito ng malaking diyaryo.Ang mommy naman niya ay abalang kinakausap ang mga halaman nito at dinidiligan ng maliit nitong regador. "Good morning Mom, Dad, " masigla niyang bati. Nilingon siya ng mga ito at binati. Bakit parang maaga at masigla ang bunso namin, tanong ng kanyang mommy. Nakita po ba ninyo si Kuya? Nasa rancho ang kuya mo anak, maagang umikot sa hacienda. Ah sige po at pupuntahan ko lamang po siya. Salamat Mom! LEON POV Masayang kausap ni Leon ang nga katiwala sa rancho nang makita paparating ang kapatid. Bro, pwede ba tayo mag-usap? tanong nito. Magandang araw po senyorito Noel, bati ng mga tauhan nila dito. Magandang araw din naman po sa inyong lahat! Nagpaalam sila sa mga ito at sumakay sa kanya kanyang kabayo at pinatakbo ang mga ito ng mabagal habang nag-uusap. Parang ang aga mo naman bro? pabirong tanong ni Leon. Actually kuya may hihilingin sana akong pabor sa iyo. Sana pagbigyan mo ako. Nabanggit kasi sa akin minsan ni Dad na may housing project ang kumpanya natin sa Sta. Ines, baka pwedeng ipaubaya mo na siya sa akin, tutal wala naman akong masyadong ginagawa dito sa rancho at gusto ko din makatulong sa'yo para makapag-focus ka sa kumpanya. Parang sounds great iyan bro, kahapon nga binasa ko ang proposed project nila sa atin at mukha namang maganda ang ang developer plan nila. If that' s what you like bro, so be it, pabor sa akin yan, mas mababawasan ang trabaho ko, para pumunta lagi sa site at mate-train ka din sa gawain sa kumpanya. Ngunit lingid sa kaalaman ni Leon na iba talaga ang gagawin ng kapatid para matulungan ang dalaga. REIN POV Pagkagising ni Rein, bumaba siya at naabutan ang batang babae sa sala. Hi Tita Rein, bati ng bata na nakangiti sa kanya. Hi baby,balik niya dito Tita just call me Dimple. Ang ganda naman ng name mo bagay na bagay sayo. Malalim kasi ang dimples ng bata at kamukhang kamukha ito ng dad nito. Pero sa mommy siguro nito nakuha ang biloy sa pisngi. Thank you po tita, sabi po ni Dad nagmana daw po ako kay Mom sa dimples ko, madaldal na sabi ng bata. Pero ang ngiti nito biglang napalitan ng lungkot. Kaso po, nasa heaven na po si Mommy, namatay daw po siya ng ipanganak niya ako dahil nagkasakit daw po siya... Oh, I'm sorry baby, hindi alam ni Tita, huwag ka nang malungkot, your Mom is your guardian angel at binabantayan ka niya, saka niyakap ang bata. Gumanti naman ito sa kanya at tila nabawasan ang lungkot nito sa ginawa niyang gesture. Tita sana maging Mom kita, tila wala sa muwang na sabi ni Dimple. Napaawa siya sa bata, pero mukhang mabigat ang nais ng bata. Magkayakap pa din sila ng maabutan ng magkapatid. Napangiti ang bata nang makita ang daddy nito at tiyuhin. Hi Dad, Hi Tito Leon. Daddy, I told Tita Rein that I want her to be my second mom, tila walang kamuwang muwang na sabi nito at di pa alintana ang pressure nito sa kanya ukol sa sinabi nito . Anak, Tita Rein is just a friend of Dad, don't pressure her sweetie. Parang ackward na ang mga bagay bagay ng mga oras na iyo kaya nagpaalam na si Leon. Namamalikmata lamang ba siya sa napansin, tila makulimlim ang mukhang nag excuse ito , samantala abot tenga naman ang ngiti ng kapatid nito sa sinabi ng anak. Baka nga nag-aasume lang siya . Nagring ang cellphone ni Rein, at tila ito ang nagsave sa kanya sa nakakailang na sitwasyon. Nag excuse siya kay Noel, para sagutin ito. Hi babe, pwede ba akong magpasama sa iyo sa mall? Bibilhan ko sana ng gift ang mommy para sa birthday niya. Dalawang araw na siya dito, ngayon lang siya naalala tawagan ng boyfriend at talaga namang magpapasama lang sa mall. Iyon ang mga bagay na kinaiinis niya dito, naalala lang siya pag may pabor itong hihilingin. Biruin mo laging dahilan na busy sa negosyo nila at mga business trips, kaya sa tatlong taon nila nasanay na lamang siyang parang wala talagang boyfriend. Pero sweet naman ang boyfriend sa ilang pagkakataon at palabigay ito ng regalo. Oo mayaman ang boyfriend niya at pag aari ng pamilya nito ang isang textile company sa Manila, pero hindi niya pinagyayabang iyon at lalong hindi siya nagtetake advantage sa estado ng buhay nito. Pero ni minsan hindi pa niya nameet ang pamilya nito. Tapos heto ito humihingi ng pabor na bibili sila ng regalo sa mommy nito. Naku sorry babe di na ako nakapagpaalam sa'yo, wala ako ngayon diyan sa Manila nasa probinsiya ako. May importante lamang akong inaasikaso para kay Itay at sa pamilya namin. Ay ganun ba babe, isasama pa naman sana kita sa birthday ni mommy para mameet mo na sila. Kelan ka kaya makakabalik babe? Hindi ko pa din alam babe, pero once na natapos ang inaasikaso ko tawag ako sa yo babe. Kailan ba ang birthday ng mommy mo babe? Next week pa naman babe,,, Okay sige babe tawagan kita pag nakauwi nako, Sige babe, bye babe I love you! pagpapaalam nito I love you too babe! Himala at isasama na siya nito sa pamilya, sa tatlong taon nila wala siya masyadong alam sa background nito sa pamilya at gayundin ito sa kanya. Bihira lamang sila magkwentuhan about sa mga family nila. Mas gusto kasi nito pinag-uusapan ang mga nagawa sa kumpanya at mga accomplishment nito. Minsan pa nga ni isang text wala siyang narereceive dito kapag may mga business trips ito abroad. Pero thoughtful naman ito kapag uwi dahil may regalo talaga siyang natatanggap mula rito kung saang lugar nakarating. May mga times pa na parang feeling niya kahit gusto niya makipag date ay wala itong time sa kanya. Kaya minsan magkikita sila thru video call sa messenger na lang. Kung tutuusin napakaboring ng relasyon nila, dahil lagi silang mga busy, at halik at akbay lamang ang nagawa nito sa kanya pero mahal naman niya ang boyfriend , kaya nagi-guilty siya at naibigay niya ang iniingatan na pagkabirhen sa ibang lalaki. But she admit, ibang iba ang presensiya sa kanya ni Leon at hindi niya maitatanggi na she is attracted sa kanya.Pero kay Noel, kahit guwapo ito at palangiti, he is just a friend for her ,kinda brother lang ba ang feeling. Bumalik siya sa kuwarto para kontakin naman ang pamilya, namimiss na din niya ang kanyang Itay at Inay at dalawang kapatid. Sanay kasi silang magkakasama palagi kaya nalulungkot siya pag napapalayo sa tuwing may mga biglaang out of town sa kumpanya at katulad nitong emergency na pagluwas niya ng probinsiya ,idagdag pang baka abutin pa siya ng ilang araw dito. Nag-dial siya at agad sinagot ito ng kapatid. "Hello ate, tuwang tuwa nitong sagot, kamusta ka na diyan? Heto ayos naman, sila Inay at Itay, kamusta? Naiinom ba ni Itay ang mga maintenance niya? Opo ate bantay sarado ni Alexa, ang kapatid niyang nurse. Mabuti naman kung ganoon, pwede ko ba sila makausap? Naku ate nagsimba sila, naiwan ako dahil may ginagawa ako para klase ko.Tawag ka na lang ulit mamaya pag-uwi nila, ate. Ganoon ba, siya sige tatawag ulit ako mamaya, ba bye! May kumakatok sa CR nila. Binuksan niya ito, at tumambad ang galit na mukha ng lalaki. What's this Ms. Montevista, at itinaas nito sa harap niya ang undies niya na hindi niya sinasadyang naiwan sa CR. Ano ka ba Ms. naman huwag naman sana pakalat kalat ang undies mo, nahulog pa sa akin kanina iyan nang naliligo ako sa bathtub at sinabit mo pa talaga sa tapat noon. Pulang pula na siya, kulang na lang kainin siya ng lupa para mawala sa harap ng lalaki. Next time please be careful at baka maitago ko iyan, ngisi nito na lalo niyang ikinainis. Bastos at pinagsarhan na niya ito.Kung bakit naman kasi ang careless niya. Hmp...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD