Kinahapunan niyaya ni Noel si
Rein na maglibot libot sa hacienda.
Pumayag naman ang dalaga upang
mapag-usapan nila ang mga
hakbang na gagawin ukol sa
pakikipag- usap sa developer ng
housing project na nais kumuha ng
kanilang lupain.
Sumakay sila sa kabayo,
inalalayan siya nito upang
makasakay bago ito sumakay sa
sariling kabayo. First time niya
makasakay dito pero parang
nakasanayan na agad niya.
Dinala siya ni Noel sa
pinakamagandang spot sa
hacienda, kung saan kita nila ang
lawak ng lupain at ang ganda ng
tanawin sa itaas ng di kataasang
talampas.
Ang ganda naman dito Noel,
Thank you for taking me here!aniya
dito.
Wala iyon Rein, mas maganda
ka pa sa tanawin, birong totoo nito
sa kanya.
Naku bolero ka talaga!
Please, pakinggan mo naman
ako, hindi namin sinasadya ni
Arthur ang mga nangyari 10 years
ago, babe. Patawarin mo na
ako ,pinagsisihan ko lahat ng iyon hindi rin
naging matagumpay ang relasyon natin,
ikaw pa din ang pinag-aawayan namin
noon.
Huwag ako Alieza,wala na
akong pakealam sa mga sinasabi
mo, pati ba naman dito sinundan
mo pa ako. Anlakas naman ng loob
mong magpunta pa dito matapos
ng ginawa mong kataksilan sa akin
at huwag na huwag mo nang
uuliting tawagin akong babe. Nasusuka
ako sa twing naririnig ko iyon!
Galit na galit na sabi ng isang tinig
na pamilyar sa kanila ni Noel.
Sinenyasan siya ni Noel na
huwag maingay. Unti unti nitong
sinilip ang nasa kabila ng malaking
bato na kinasasandalan nila. Wala
sa loob na nakisilip din siya, nakita
nila ang paghalik nang mariin ng
isang sopistikada at magandang
babae kay Leon.
Hindi naman malaman ni
Rein kung anong nararamdaman
niya , iniwas niya ang kanyang
tingin at hindi niya nakita na
itinulak ito ni Leon , dahil sa
pagiging mapangahas nito.
Inaya na siya ni Noel na
umalis at baka maabutan silang
nakikinig sa usapan ng dalawa.
Tama ba ang narinig niya
kanina na babe ang tawag ng babae
sa binata at nagtaksil daw ito sa
relasyon ng dalawa. Kaya pala may
iba't ibang mood ang lalaking iyon,
dahil may hindi siya magandang
karanasan sa relasyon, bulong sa
isip ni Rein.
Dinala siya ni Noel sa taniman
ng mangga at pinagyaman niya
ang mga mata sa nakikita sa
paligid upang maiwaksi sa isipan
ang nasaksihan . Hitik na hitik sa
bunga ang mga puno ng mangga.
Sorry to ruin your good
mood kanina sa pag akyat natin sa
pinakamagandang lugar dito sa
hacienda. All I want lang naman is
to show you the view. I didn't know
na nandoon din sila kuya at ang ex
niya.
Don't worry wala ka naman
dapat ihingi ng sorry dahil problema
naman nila iyon at hindi naman
tayo pwedeng makialam sa kanila,
mapait niyang ngiti, dahil sa totoo
tila nagngingitngit ang pakiramdam
niya.
Kung sabagay, tama ka. May
hihilingin sana ako sayo
Rein,pwede bang bigyan mo pa
sana ako ng panahon para sa
hinihingi mong pabor at ni Itay
Elias, para mapag-aralan ko muna
lahat ng mga hakbang na dapat
kong gawin.
Okay lang Noel, hindi naman
kita minamadali dahil alam kong
napakabigat nitong bagay na ito at
alam kong mahalaga sa inyo
ang negosyo ninyo .
Salamat Rein at hinalikan na
naman nito ang palad niya.
LEON POV
Naiinis na iniwan niya si
Alieza sa itaas at nagtungo sa
manggahan, upang hindi nito
matunton, dahil alam niyang hindi
ito susunod doon, dahil ayaw nito
ng maputik na daan at amoy ng
mga dumi ng baka at kabayo
pagdaan sa rancho.
Tila lalong mag-iinit ang ulo
niya nang masulyapan sa di
kalayuan ang kapatid at si Rein na
mukhang nagkakamabutihan na at
hinalikan na naman nito ang palad
ng dalaga.
Kaya napagpasyahan niya
na umuwi at sa likod ng mansyon
dumaan para kung sakali nasa
bahay si Alieza ay di na niya ito
makita pa. Malaya pa itong
makakapunta sa mansyon dahil
hindi na niya ipinaalam sa mga
magulang ang nangyari sa kanila
nito. Si Noel lang ang pinagsabihan
niya ukol sa kataksilan ng mga ito
at sinuportahan naman siya ng
kapatid nang sabihing ilihim na sa
mga ito ang nangyari at
aksidenteng kinasangkutan niya 10
years ago. Akala ng mga magulang
naghiwalay lamang sila dahil sa
mga prayoridad sa buhay.
Next day...
Masayang nagkukuwentuhan
ang mga magulang, si Noel at si
Dimple sa sala pagbaba niya.
Oh anak, pinagpaplanuhan
namin ang birthday ng pamangkin
mo, simula ng mommy nila.
Oo nga kuya ,sa isang linggo
na kasi ang birthday nitong makulit
na batang ito na pinisil pa ang
pisngi ng anak.
Apo , what gift do you
like to have on your birthday?
Siyempre lolo, I want Tita Rein
to be my mom.
Talagang mukhang serysoso
ang pamangkin sa kagustuhan
nitong maging mommy si
Rein ,aniya sa isip.
Aba iho mukhang magaling
ang taste ng apo ko, pwede ka
naman nang magsimula muling
magmahal
Noel, walong taon na din
namang wala si Mira, segunda ng
kanilang Dad.
Oo nga iho at nang
maranasan naman ng apo kong
maalagaan ng isang ina.
Ngingiti-ngiti lang ang
kapatid at parang tuwang tuwa sa
naririnig. Siya naman itong tila
gusto nang magpaalam sa mga ito
at nagngingitngit ang loob sa mga
naririnig ng mga ito.
Dadating tayo diyan Mom,
birong totoong sabi nito sa ina.
Tila hangin ako sa mga ito,
makapasyal na nga lang at nang
makapagrelax.
REIN POV
Alas diyes ng umaga nang
magising siya at tinanong si
Manang Sally kung napansin nito si
Noel. Sabi nito wala ang binata at
may inaasikaso para sa birthday ng
anak nito. Kaya naisip niyang
maglibot libot sa hacienda at
nagdala ng pamalit na damit dahil
nabanggit ni Manang Sally na may
malinis na ilog sa ibaba ng
talampas kung saan siya dinala ni
Noel, para mamasyal at marinig
nang di sinasadya ang usapan ng
dating magkasintahan.
Tila malimit nang magkrus
ang landas nila ni Leon sa ilang
araw na pamamalagi. Kapag
kumakain parang sinasadya nitong
magpahatid na lamang sa kwarto at
sinasabing busy sa mga online
meeting sa kumpanya nito.
Pero parang pabor na din iyon
sa kanya, dahil parang hindi niya
kayang makasalubong sa mata ang
binata.
Nilanghap niya ang sariwang
hangin at pinagsawa ang mata sa
ganda ng paligid.
" Sana ganito palagi ang buhay
payapa lang at walang problema,
pero naalala din niya ang
problemang kinahaharap ng
pamilya at ang dahilan ng pagparito
niya.
Dapat matapos na ang misyon
ko dito , dahil matatapos na din ang
dalawang linggo kong leave. Baka
mawalan ako ng trabaho nang di
oras, mainit pa naman ang mata sa
akin ng bruha kong kasama sa
department.