Opisyal nang itinalaga si Wael bilang CEO. Siya ang Vice President for Operations na inihalal naman ng lahat ng naroon habang si Andrew naman ay naging Operations Manager. May iba pang empleyado ang inihalal na miyembro rin ng board at ipinakilala siya sa lahat ng tao sa conference room na iyon. Masaya siyang lahat ng naroon ay nakangiti sa pagdating niya sa kompanya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya nagkamali ng desisyon na maging parte ng Sweet Tiffany. "Tapos na ba ang meeting?" tanong niya nang mag-alisan ang ibang tao sa conference room pero hindi pa rin tumatayo si Wael. "Nope. Marami tayong trabaho ngayon dahil sa upcoming launch ng mga bagong designs. I want to discuss it with you so I ordered food so we don't need to go out anymore." "A lunch? Aren't we having a break

