"Ano ang reaksyon niya?" tanong ni Wael kay Andrew nang tawagan siya nito dahil sa bulaklak na ipinadala niya sa opisina ni Ivy. Nasa bahay siya ngayon ng Papa niya na pag-aari na ni Samir. Hindi siya umuwi sa condo niya dahil gusto niyang may makausap habang hindi niya pa kayang pakibagayan ang saya sa dibdib niya sa pagbabalik ni Ivy. Isang milagrong maituturing para sa kanya na pumayag itong huwag umalis sa kompanya. At ngayon ay hindi siya mapakali. Para siyang bumalik sa pagkabata na nagkagusto sa isang babae sa unang pagkakataon. At hindi lang basta babae. Si Ivy ang ina ng anak niya. At ang babaeng lubos niyang nasaktan noon. "She was upset, I guess? Tulad ng utos mo, sinabi ko na rin na ang totoong dahilan kung bakit mo siya pinilit maging parte ng kompanya ay dahil gusto

