Elizabeth Mula sa bahay hanggang sa mga oras na 'yon kung saan nasa stage ang binata at nagbibigay ng speech ay hindi niya maiwasan na humanga. Halos lahat na ng pwede mong hanapin sa isang lalaki ay taglay na nito as in all-in-one na. Mula sa physical na aspeto, kung paano nito dalhin ang sarili at kung paano ito makipagusap sa iba't ibang uri ng tao ay talaga namang nakakamangha. Kung ibang babae siguro ay tatakbo papalapit sa binata pero siya ay mas pipiliin niya na tumakbo palayo mula rito. "Ellie, stop it right now. Kailangan ay magawa mo ang plano mo dahil kung hindi ay tuluyan ka ng mahuhulog," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa binata. Malapit na siyang masiraan ng bait dahil sa tuwing magtatama ang mata nila ay nagugulo ang isip niya. Sa tuwing magkakalapit sila ay hindi

