Nickolas Gusto niyang matawa dahil ngayon lang ulit siya nakaramdam ng kaba ng dahil sa babae. Kasalukuyan niyang kasama si Elizabeth sa sasakyan at hindi niya mapigilan na pasimpleng sulyapan ito. Nang makita niya ang damit na suot nito ay agad niya na imagine iyon kay Elizabeth pero hindi niya inaasahan na magiging ganoon ito kaganda. Kanina nga paglabas nito sa kwarto ay hindi maalis ang mata niya rito. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na sila sa hotel kung saan gagawin ang event. Sinuot muna ni Elizabeth ang mask nito at ganoon din siya saka niya ito inalalayan na bumaba ng sasakyan. Pagpasok sa hotel ay sinalubong sila ng founder ng charity na si Kevin. "I never thought you will really come," natatawa na sabi nito nang makita sila na papalapit. "I said I will, did I?" tugo

