CHAPTER 15 - Sakit ni Bebang

1253 Words
Sakit ni Bebang NAPABALIKWAS sa pagbangon si Aling Telay nang may gumalabog sa silid ng anak. Nagmamadali siyang lumabas at humahangos na tinungo ang silid nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mabuksan ang pinto! "Bebang, anak!" Nagmamadali siyang lumapit sa anak na nangungunyapit sa gilid ng kama. "Ano'ng nangyari sa'yo?" Kinakabahan niyang sabi habang maingat na tinulungang mai-upo ito sa kama. Basang-basa ito ng pawis at parang ibinabad sa suka ang mukha. Ang mga labi nito ay nagkulay biyoletang matingkad. Naramdaman pa niya ang panginginig ng anak. "Hindi ko rin alam, Inang. Kanina ay nanaginip uli ako gaya ng dati. Nang magising ako ay hinang-hina na ang pakiramdam ko." Paunti-unting paliwanag nito sa kanya. Pati ang pagsasalita ay tila ikinapapagod nito. "Mamaya pagliwanag ay patitignan na kita sa doktor. Kailangan maagapan ang kung anong sakit meron ka. Mahiga ka na muna ulit, anak. Ipagluluto kita ng lugaw." Masuyo niyang hinagod ang mukha nito. Ngumiti ito ngunit hindi sapat upang pawiin ang nararamdaman niyang takot. Habang hinihintay maluto ang lugaw ay inihanda na niya ang dadalhin sa hospital. Kung sasabihin ng doktor na kailangang i-confine ang anak niya ay madali nang ipakuha ang mga gamit ng dalaga. Matapos malamnan ng mainit ang sikmura ni Bebang ay binihisan na niya ito. Iniwan niya ito sandali upang tumawag ng masasakyan. Hindi nagtagal at sakay na sila ng pedicab patungong hopital. Sa Emergency Room section sila bumaba. "Over fatigue ka, hija. Kailangan mo nang sapat na pahinga. Iwasan ang masyadong pag-iisip. Ang stress ay nagdadala ng sakit. Inumin mo ang mga food supplement na nireseta ko. Kumain ng masusustansiya at iwasan ang mamantikang pagkain. At... magpahinga." Mahabang sabi ng doktor. Nakahinga nang maluwag si Aling Telay pagkarinig sa sinabi ng doktor. Mula pa noong maliit si Bebang ay di ito nagkasakit kahit minsan. Kahit simpleng sipon ay hindi ito nagkaroon. Kaya nag-alala siya nang husto sa pinagkagano'n ng anak. Nasa labas na sila ng hospital nang may humintong kotse sa tapat nilang mag-ina. Bumaba ang sakay niyon. Isang ubod ng kisig na binata, si Romano. "Magandang araw po Aling Telay, Beverly," magalang nitong pagbati. "Ihahatid ko na po kayo pauwi." Nagtataka man sa biglang pagsulpot ng lalaki ay pumayag agad siya sa alok nito. Sa kotse nito ay mas magiging komportable ang pagbiyahe nila pauwi. Maingat nitong inalalayan ang anak niya papasok sa kotse at pagkatapos ay siya naman. Tumatakbo na ang sasakyan nang ito ay magtanong. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Muli siyang nagtaka sa narinig. Bumuka ang bibig niya ngunit 'di nakapagsalita dahil sumagot ang anak niya. "Pahinga lang daw ang kailangan ko sabi ng doktor. Wala akong ibang sakit." Pagkatapos nang pagsagot na iyon ay agad na siyang sumabad. "Paano mo nalamang masama ang pakiramdam ni Bebang? At paano mo rin nalaman na nandito kami sa hospital?" Magkasunod niyang tanong nito sa binata. Sa halip na sagutin ang tanong niya'y inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada. Nagpaalam itong may bibilhin lang sandali. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang lumapit ito sa tindahan ng mga prutas. Nagbayad matapos abutin sa tindera ang isang plastic bag na puno ng mga pinili nitong prutas. Nang bumalik ito sa loob ng sasakyan ay magalang iyong iniabot sa kanya. Pag-aalala ang nabasa niya sa mga mata nito nang sulyapan ang anak niyang nakapikit habang nakasandal. Nawala ang pagtataka sa kanyang isip. Naisip niyang marahil ay napansin na rin nito ang pananamlay ng anak niya, na napuna na nitong may dinaramdam ang anak niya nang gabing binisita nito. Siguro ay nagpunta ito sa kanila kanina, at nang makitang sarado ang karinderya nila ay nagtanong-tanong. Marahil ay may nakapagsabing nagtungo sila sa hospital, kung saang hospital. Sa naisip ay napangiti na siya. Ang ginawa nitong paghahanap at pagsunod sa kanila ay pagpapatunay lamang na mahalaga para dito ang anak niya. Pababa na sa kotse si Bebang habang inaalalayan ni Romano nang lumapit si Gener. Bakas sa mukha ng binata ang labis na pag-aalala pagkakita sa maputlang mukha ng dalaga. Ang mga matang nagtatanong ay inilipat nito kay Aling Telay. "Over fatigue. Kailangan daw makapagpahinga nang husto." Kahit papaano'y nabawasan ang pag-aalala nito. Kinuha nito ang mga dala ni Aling Telay at saka inalalayan sa pagbaba. Nagkailangan ang dalawang binata nang makapasok na sa loob ng bahay. Nakaupo silang pareho habang sinusundan ng tingin si Aling Telay na inaalalayang makapasok ng silid ang dalagang kapwa nila iniibig. Nang bumalik ang ginang sa sala ay magalang na silang nagpaalam. Pareho nilang gustong makapagpahinga si Bebang. Nakaupo na si Bebang sa kama nang mapasukan ni Aling Telay. "Umalis na sina Romano at Gener. Hindi na nagpaalam sa'yo para makapagpahinga ka na raw." Tumango ang dalaga, at saka nagsikap magsalita. "Inang, magpahinga ka na muna. Kanina ka pa galaw nang galaw. Baka mapagod ka. Di kita maaalagaan kapag tumaas na ang blood pressure mo." Lumapit siya sa anak. Naupo sa tabi nito. "Huwag ako ang intindihin mo, anak. Ang gawin mo ay magpalakas ka. Gusto mo bang ipagbalat kita ng mansanas?" Nakangiting tumango si Bebang. Kinuha niya ang plastic ng prutas na binigay kanina ni Romano at dinala sa kusina. Hinugasan niya ang mga iyon at inilipat sa malukong na lalagyan bago muling ipinasok sa silid. Ipinagbalat niya ito ng mansanas habang ipinaaalala ang mga bilin ng dokto. Panay naman ang tango nito. Nasisiyahan niya itong pinanood habang kumakain. Nalaman ng mga kaibigan ang pagkakasakit ni Bebang. Magkakasabay dumalaw ang mga ito sa kanya. Nauwi sa malalakas na tawanan ang pagsasama-sama nila. Pati ang Inang niya ay inihit ng katatawa. Nang mag alisan na ang mga kaibigan ay nahiga na uli siya sa kanyang silid. Hindi pa nagtatagal sa pagkakahiga ay nakita niyang sumilip ang kanyang Inang. "Nandiyan si Gener sa labas, patutuluyin ko ba?" Tumango siya. Tumalikod na ang Inang niya para papasukin si Gener. Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng silid. Nakita niyang tumayo si Gener. Lumapit ito sa kanya para alalayan sa pag-upo. May dala itong isang malaking siopao at tatlong pirasong balut. Natutuwa siya sa binata. Bagama't simple lang ang mga pasalubong sa kanya ay ramdam na ramdam niya ang sinseridad nito. Sandali siyang kinausap ng binata.Hindi nagtagal ay nagpaalam na ito sa kanya. Kahit sa mga ganitong pagkakataon ay nakikita niya kay Gener ang pagmamalasakit sa kanyang kapakanan. MAAYOS na ang pakiramdam niya. Nakabuti sa kanya at sa kanyang Inang ang ilang araw na pahinga. Dahil halos isang linggong 'di sila nakapagbukas ng karinderya, panay na ang tanong ng mga suki nila. Nami-miss na raw ang kanilang timpla. Marami sa mga ito ay nagrereklamo sa nabibiling lutong ulam sa ibang karinderia. Hindi na nga raw masarap ay mahal pa. Kaya kinabukasan ay nagbukas na sila. Kaya lang, hindi muna sila nagpapakain sa puwesto. Take out lang muna ang lahat ng mabibiling putahe. Baka daw kasi makasama sa kanya kung mapapagod na naman. Wala naman silang narinig na reklamo sa mga ito. Mas maganda na rin daw kahit gano'n. May nabibili na at hindi na napipilitang bumili sa iba, o kaya'y magluto ng putaheng paulit-ulit lang. Hindi na raw sila mamomroblema kung ano na naman ang ihahain sa lamesa. Ganoon na nga ang naging set-up ng karinderia. Hindi na rin nagpupunta sa palengke si Bebang. Ang kakailanganing rekado sa putaheng iluluto ay itinitext na lang niya sa mga suking tindera sa palengke. Pini-pick up na lang ni Tuko at inihahatid sa kanila. Tuwing hapon ay may nagpupunta sa kanila para maningil. Ang pagod ay nabawasan na nga. Mas maraming oras nang nakapagpapahinga ang mag-ina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD