CHAPTER 2 - Queen of the Night

1160 Words
Queen of the Night NAKAHARAP si Bebang sa salaming nakasabit sa dingding at pabiling-biling. Naroong iangat ang buhok, itali, hawiin sa kanan, sa kaliwa, at sa gitna. Nang hindi makuntento ay naisipang tanungin ang ina. "Inang, maganda ba ako?" Natawa si Telay. "Nakaharap ka na sa salamin, nagtatanong ka pa sa akin." Nakangiti nitong sagot habang tinitiklop ang mga damit na nilabhan niya kanina. "Ang Inang naman, e." Dismayado niyang sabi. "O, sige papalitan ko ang tanong." Ipinaling na niya ang mukha sa ina ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ng salamin. "Pangit ba ako?" Mabilis itong sumagot," Hindi, a. Ika-kaldereta ko ang magsasabing pangit ka, anak!" Nangiti siya sa isinagot nito. "Kung hindi naman pala ako pangit, bakit kaya walang nanliligaw sa akin?". Mabilis siyang lumapit nang senyasan nito. ''Hindi pa lang dumarating ang lalakeng nakatalaga para sa'yo. Maghintay ka lang, at huwag mainip. Tandaan mo, lahat ng palayok ay may kasukat na suklob." "Ipinanganak na kaya 'yun? Baka puti nang lahat ang buhok ko, e dumedede pa ang hihintayin ko. Nakipag break pa naman ako kay Mateo Do kagabi." "Sino nga?" Kunot-noo nitongg tanong sa kanya. "Yong allien na bida sa My love from the Star." Ginulo pa niya ang buhok at pumorma na parang nasa pictorial. Nagkatawanan silang mag-ina. Hindi naman pangit si Bebang. Kaya nga lang hindi rin siya maganda. Ordinaryo lang ang itsura niya, pangkarinawan. Ang ganda na meron siya ay 'yong tipong kapag nadaanan ay parang wala lang. Walang pang hatak. Mahina ang dating niya. Gano'n pa man, matindi ang sense of humor niya. No dull moments kapag siya ang kasama, at may sense kausap. Kapag bumanat ito ng patawa ay tiyak na tatawa ka. Kaya lang syempre ang unang hanap ng mga lalaki ay 'yong puwede ipang porma. Di na nga kagandahan ay wala pa siyang hilig mag-ayos. Hindi rin siya nagpapahid ng lotion sa balat. Katwiran niya'y lalasa raw sa pagkain. Madalang din siyang gumamit ng cologne. Masasayang lang daw dahil mag-aamoy ulam lang naman siya. Marami pa siyang ikinakatwiran sa tuwing mapagsasabihan ng mga kaibigan lalo na ng ina. Hindi naman talaga mahilig sa artista si Bebang. Magandang istorya ang tinitignan niya. Basta nagustuhan niya kahit 'di masyadong magaganda ang mga artista ay tinututukan niya nang panonood. Lalo na kapag ang istorya ay mala-cinderella, o true love. Inilalagay niya ang sarili sa katauhan ng bidang babae. Bubuin sa imahinasyon ang mga eksena at parang totoong siya 'yon. Parang teleserye din na dindugtungan ng kanyang isip ang mga eksena gabi-gabi. Siya na ang bida at editor, direktor pa. Isang gabi, habang naghihintay sa mga kaibigan, nagsimula na namang maglakbay ang imahinasyon niya. At gaya nang dati, kausap na naman niya ang sarili habang hinihintay ang mga kaibigan, at ang tatlong alaskador sa buhay niya. "Sana naging maganda ako , matalino at sexy. Para kahit mahirap lang ay puwede akong magustuhan ng isang mala-prinsipeng lalaki. Sa mga napapanood ko kasi magaganda ang bidang babae. May pangit man pero sa simula lang tapos gumaganda na. Kung sana gano'n lang talaga kadali gumanda. 'Yon bang, magpapagupit, o magpapakulot lang tapos, artistahin looks na. Haaay!" Naputol ang pagmumuni-muni niya nang dumating na ang mga hinihintay. Sina Mean at Keng-keng na mga naging kaibigan niya mula pa noong highschool. Kasama ng mga ito sina Kiko at Tisoy. Nasa school pa raw si Gener at susunod na lang daw ayon kay Kiko. Magpupunta sila sa isa pa niyang kaibigan na si Jane. Namatay kasi ang lolo nito, at huling gabi ng burol kaya napagkasunduan nilang maglamay. At upang hindi raw sila mapahamak, sasabay na sa kanila ang tatlong lalaki upang maging bodyguard. "Magandang gabi po, Aling Telay." Masiglang bungad nina Kiko at Tisoy sa kanyang Inang nang lumapit sa kaniya. Gano'n ang mga ito sa Inang niya. Kahit saan makita ay magalang na bumabati, o kahit ano ang bitbit ay tinutulungan kaya kahit parating binubwisit ang araw niya ay ayos na rin. Kahit paano ay nakakasanayan na rin niya ang kakulitan ng mga ito. "Magandang gabi po, Aling Telay." Bati rin ng mga kaibigan niya. "Maganda pa kayo sa gabi." Nakangiting biro ng kanyang Inang. "O, kulang pa kayo, a. Si Gener?" "Susunod na lang daw po. Nagpapa-good shot pa po sa manager." biro ni Tisoy na tinanguan naman ng Inang niya. "Siya sige na. Lumakad na kayo." Nakakailang hakbang na sila palayo nang magpahabol ng bilin si Aling Telay. "Kayo na ang bahalang gumapos diyan sa kaibigan ninyo, ha. Alam n'yo naman ang toyo niyan." "Ang Inang naman. Huwag n'yo na ngang pagkakausapin itong sina Kiko. Nahahawahan kayo." Natawa ang Inang niya, gano'n din ang dalawang lalaking inambaan niya ng suntok. "Mag-ingat kayo, ha." "Opo, Inang. Mag-ingat ka rin kasi kahit nakasarado ang bintana at pinto, nalulusutan pa rin ng multo." Sinabayan niya nang pagtakbo ang sinabi. At nang hindi na maaabutan ng kurot ng Inang niya'y saka lang huminto. Nakangiti niya itong kinawayan. "Humanda ka sa akin mamaya!" "Ay lab yu, Inang!" Nangiti naman ito at saka muling nagpaalalang mag-ingat sila sa paglalakad. Nagtatawanang sumunod sa kanya ang mga kasama. GAYA ng inaasahan, si Bebang ang naging Queen of the Night. Bawat bitaw ng punchline ay talagang nagtatawanan at naghahagikgikan ang mga nakaririnig. Malinis magpatawa ang dalaga. Dahil sa malakas na tawanan ay sumilip ang mga magulang ni Jane at iba pang bisitang nasa loob ng bahay. Nakinig din ang mga ito kanya, pinanood na rin siya. Nagkakandaiyak din ang mga ito katatawa. Siya ang bumobola ng bulilyo sa bingo, bawat numerong tawagin ay pinapalitan ng inimbentong tawag. At nagtatawanan ang makarinig. Naging masaya ang huling gabi ng lamay ni Mang Manoy dahil sa kanya. Nakipaglibing silang magnanay kinabukasan. May pinag-uusapan ang mga babae sa likuran nila, pinakinggan niyang mabuti. '"Kapag may namatay dito sa atin hindi agad napuputol. Nagsasagutan talaga. Huling burol palang ni Manoy kagabi, sumunod na si Kureg. Libing ngayon, tapos mamaya ay lamayan na naman. Baka babae na ang kasunod na mamamatay, dalawang lalaki na ang nauna, e. Hesusmaryosep!" Kinabahan siya sa naring. May basehan kasi ang pinag-uusapan ng mga ito. Kumapit siya nang mahigpit sa ina. Nagtatakang napatingin sa kanya si Aling Telay. Nagkibit-balikat naman siya kaya ibinalik na ng kanyang Inang ang mata sa tinitignan. Isang gabi. "Ano ba naman itong nasuotan ko? Hayun! May kalsada na sa gawi do'n. Ang tataas ng mga puno dito, a. Nakakatakot naman. Parang walang ibang dumadaan. Medyo madilim pa naman. Nasaan na ba 'yong sa amin? Naliligaw na yata ako. 'Di kaya sa gawi pa do'n ang bahay namin? Inang!Inang!" Nagitla siya sa pagtampal ng ina. "Bebang, gising. Gising!" Narinig niyang tawag nito. Tuluyan na siyang nagising. Dalawang basong tubig ang naubos niya. "Ang lakas ng ungol mo kanina. Binangungot ka ba? Ano ba ang napanaginipan mo? Mayamaya ka na lang uli mahiga." Dire-diretso nitong sabi habang pinupunasan ang kanyang mukha. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya nang simulang ikuwento ang napanaginipan. Panaginip na malinaw na malinaw pa rin sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD