CHAPTER 3 - Panaginip

1103 Words
Panaginip NAWALA na sa isip niya ang napagnaginipan. Abalang-abala na silang mag-ina sa karinderia. Isang putahe na lang at kumpleto na ang menu nila para sa araw na 'yon. Nagdadatingan na ang mga suki nila. 'Di nagtagal ay naging abala naman sila sa pag-aasikaso sa mga bumibili. Tama ang sinabi ng Inang niya, kaya siya nanaginip ng gano'n ay dahil sa usapang narinig kahapon sa libing ni Mang Manoy. Gumalaw ang takot at pag-aalala sa imahinasyon niya kung kaya binangungot. Tuluyang nang nawala sa isip niya ang napanaginipan. May bagong palabas sa TV na umagaw sa atensiyon niya. Gustong-gusto niya ang istorya. Kahit gabi na ay 'di niya pinalalampas ang bawat episode. Matiyaga niyang hinihintay kahit pa nga sandamakmak ang komersyal. Palibhasa'y na-in-love siya sa character ng bidang lalake. Nahiling niyang sana ay may gano'n nga. Sana ay may ability rin ang mga tainga niya, may super power. Kung sana ay naririnig din niya ang boses sa isipan ng iba. Napangiti siya. Gumagana na naman ang imahinasyon niya. Gugulong na naman ang kamera sa loob ng utak niya. Pagod man sa maghapong pagluluto at pagtitinda ay nakangiti na siyang nahiga. Sisimulan na niyang panoorin ang telenobela sa loob ng kanyang imahinasyon, ng pantasya kung saan siya ang bida hanggang sa dalawin ng antok at tuluyang makatulog. BISPERAS ng fiesta sa baranggay nila. Sarado ang karinderya. Wala silang tinda pero abalang-abala sa dami ng tanggap na order ng mga kapitbahay. Dalawa man ang kinuha nilang helper ay hindi pa rin sila magkandaugaga. Hindi naman nila matanggihan ang mga humahabol pa upang hindi magdamdam. Kapag kasi may espesyal na okasyon ang mga suki nila gaya ng binyag, kasal, anniversary, reunion, o birthday ay nagsisi-order ang mga ito sa kanila. Kung minsan nama'y inaarkila pa sila upang magluto. Marami na nga ang nagsasabing puwede na silang magtayo ng catering business dahil sa masasarap nilang putahe. Ang problema ay wala silang sapat na puhunan. May naipon man noong mga nakaraang taon ay naubos naman sa pagpapagawa ng bahay para bumaha man uli ng napakataas ay 'di na sila malulubog sa tubig lalo na ang karinderyang pinagkukunan nila ng kabuhayan. Madaling araw pa lang kinabukasan ay nakahanda ang mga order sa kanila. Ide-deliver na lang ang mga iyon at tapos na. Bago lumiwanag ay naipadala na ang mga pagkain sa mga kapitbahay. Kahit pagod na pagod ay masayang-masaya siya. Malaki-laki ang kinita nila katumbas ng apat na araw na pagtitinda sa karinderya, at puro cash pa. Unti-unti na silang nakakaipon. Malilit pa lang ngayon ang naitatabi nilang pera, pero naniniwala siyang pagdating ng araw ay makakaipon din sila ng sapat na mapupuhunan, at magagawang simulan ang sinasabi ng kanilang mga suki na siyang pinapangarap niya talaga. Isa pa'y mabibigyan pa nila trabaho ang ilang kabataang 'di makahanap ng trabaho dahil hindi nakapagtapos sa pag-aaral gaya niya. Nakangiti niyang sinulyapan ang natutulog na ina. May edad na ang Inang niya. Maliit pa lang siya ay nagtitinda na ito ng mga lutong ulam. Mag-isa siya itinaguyod at inalagaan. Pangarap niyang mabigyan ito ng maginhawang buhay, ng kaginhawahan. Hindi niya nakilala ang kanyang ama. Lumaki siya at nagkaisip na tanging ang ina ang kasama. Hindi niya alam kung ano ang itsura nito. Ni litrato ay walang naipakita sa kanya ang ina. Sa tuwing magtatanong siya ay dinadaan nito sa biro ang pagsagot, o kaya ay iniiba ang usapan. Natatandaan niya ang sinabi nito noon sa kanya. " Alam mo anak, ikaw ang pinaka magandang pangyayari sa buhay ko. Wala akong pakialam sa sasabihin, o sinasabi ng ibang tao. Ikaw lang ay sapat na para sa akin. Dahil sa iyo ay nagkaroon ako ng dahilan para mabuhay. Naging masaya ako mula nang dumating ka." Umiiyak ito habang tila nagpapaliwanag sa kanya. Kaya mula noon ay 'di na siya nagtanong pa tungkol sa kanyang ama. Naisip niyang siguro ay may ibang pamilya ang tatay niya at iniwanan ang nanay niya nang mabuntis, nang ipagbuntis siya. Itinapon sila na parang basahan at basura gaya nang napapanood niya sa mga teleserye. Kaya sumumpa siyang magsisikap mabuti upang magtagumpay, upang maipakita sa ama na kahit wala ito ay magiging masaya pa rin sila ng Inang niya. Gabi. "Napakataas naman ng lugar na ito, at ang mga puno ang tatangkad. Wala kayang nakatira dito? Kanina pa ako naglalakad pero parang 'di ako nakakaalis. Parang 'di pa rin ako nakakalayo. Mag-gagabi na. Wala man lang dumadaang dyip, o kahit padyak man lang. Baka abutan ako ng dilim dito. Nakakatakot! Paano kaya ako makakauwi? Saan kaya dito ang daan? Gusto ko nang umuwi. Inang! Inang!" "Bebang. Bebang!" Nagising siya sa malakas na pagtawag ng ina sa pangalan niya. Nararamdaman pa niya ang pagyugyog nito sa katawan niya. Ikinuwento niya uli sa ina ang napanaginipan. Pagod na pagod kasi siya kaya raw binangungot. Iyon ang paliwanag nito. ''Tama ang Inang, madami pa ang nakain ko kagabi kaya gano'n. Ang ipinagtataka ko lang, bakit gano'n na naman ang napanaginipan ko? Umulit lang. Ano kaya ang ibig sabihin no'n? '' tanong niya sa sarili. Nawala na sa isip niya ang napanaginipan nang magtungo silang magkakaibigan sa plaza. May palabas doon dahil piyesta. May jamboree at may mga artistang magtatanghal. "Ang corny!" Pintas ni Mean sa performer na nasa ibabaw ng stage. "Mas magaling pa itong si Bebang magpatawa kaysa dyan!" dugtong ni Jane. Lihim siyang natawa. " Sus, binola n'yo na naman ako!" Gagalit-galitan niyang sabi sa mga kaibigan. "Ano kaya kung sumali ka sa Banana split? Malay mo manalo ka tapos magiging artista ka pa. Mapapanood ka na namin sa TV," excited na sabi ni Mean. "Oo nga bakla!"ayuda naman ni Jane. "Ngek!" aniya sabay angat ng dalawang kamay at isang paa. "O, sige push natin yan!" muli pa niyang sabi at saka sabay-sabay angat ng kamay at nag-apir. Naging kalibang-libang naman ang palabas. Madaling araw na nang sila'y mag-uwian. Habang nakahiga ay naalala niya ang sinabi ng mga kaibigan kanina. "Ano nga kaya kung sumali ako? Baka sumikat din ako kagaya ni Vice Ganda. Kapag marami na akong pera mapapaganda na ako ni Vicky Belo. Only Belo touches my skin na rin ang peg ko!" Nag-i-emote pa niyang sabi sa sarili. Panay pa rin ang arte niya nang biglang may nalaglag na kung ano sa sahig. "Ay, kabayong bading!!" Si Aling Telay ang may kagagawan ng ingay na narinig ni Bebang. Nadaanan nito ang kwarto ng anak at nang makitang bukas ang pinto ay sumilip. Nakita niya na nakapikit ang anak pero panay ang pose kahit nakahiga kaya naisipan niyang bitawan sa sahig ang kalderong hawak upang ito ay gulatin. Nagulat nga ito kaya siya napabungisngis. "Ang Inang naman, e."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD