Naikuyom niya ang mga palad habang nakatitig sa dalaga. Nasaksihan niya ang pagdaan ng kalituhan at sakit sa mga mata nito sa kanya ginawa pagdistansya rito. "Zei..." halos pabulong nito saad. Hindi tungkulin ng isang tulad niya bilang panginoon ang ipaliwanag kung ano at sino ba siya sa isang tao. Ngunit sadyang malalim na ang kanya damdamin para sa dalaga. Hindi na niya iyun napigilan pa. Labis na niya ito minamahal. "May...may mga bagay na hindi tayo magkakapareho...gaya ng magkaiba ang mundo natin,Adeline..." saad niya. "Magkaibang mundo? Gaya ng...gaya ng mayaman ka at...at mahirap lang ako? Alam kong hindi ako nakatapos ng pag-aaral..wala ako ibang alam na trabaho kundi ang magtanim ng mga gulay pero...pero kaya kitang mahalin nang higit pa sa buhay ko..nang higit pa sa mga tina

