Walang tigil sa pagkabog ang kanya dibdib habang nakatitig sa malaking lobo. Ang kulay gintong lobo?! Totoo ba itong nakikita niya? Totoo bang isang lobo ang lalaki iniibig niya?! Wala sa sarili na humakbang siya palapit at umangat sa ere ang kanyang kamay upang hawakan ang gintong lobo na may makapal na balahibo. Kumikinang ito mula sa liwanag ng araw panghapon. Buong paghanga na pinakatitigan niya ito. Hindi gumagalaw ang lobo mataman lang nakatitig ang malalaki nitong mga mata sa kanya. Ang mga titig ng lalaking iniibig niya. Napasinghap siya ng dumampi ang kanyang mga daliri sa napakalambot nitong balahibo. Tila isang bulak ang kalambutan niyun. "Zei..."awang ang mga labi saad niya. " Totoo nga...n-nahahawakan kita.."nag-iinit ang mga mata saad niya. Hindi siya makapaniwala. N

