Panay ang samyo niya sa mga bulaklak na binigay ni Zei sa kanya habang sakay sila ng kabayo na mabagal na naglalakad sa gitna ng kagubatan. "Alam mo bang ang kagubatan ito ay ginawan ko nang harang mula sa mga tao?"usal nito sa gilid ng ulo niya. Sumandig siya sa harapan nito at mahigpit na kinulong siya nito sa mga bisig nito. "Para hindi nila matunton ang kinaroroonan mo?" aniya. "Oo..kami lamang ang makakapasok sa kagubatan ito.." Bahagya siya napalingon rito. Kami? Ngumiti ito. "May sampung prinsipe ng mga lobo ako binantayan dito sa mundo niyo habang hinihintay nila matagpuan ang mga babae itinakda sa kanila..." Napasinghap siya. "Talaga? N-nandito pa rin ba sila?" "Nakabalik na sila sa mundong-Colai. Ang aking mundo,Adeline..." "K-kasama ang mga itinakda sa kanila?" Naka

