Tatlong araw bago ang pag-alis niya sa mundo ng mga tao. Masaya nila pinabaunan ng alaala si Camille bago ito lumipad patungong amerika para mag-aral ng medisina. Iyak ito ng iyak hanggang sa makapasok ng airport pero nagpapakatatag para sa pangarap nito. Pinagmasdan niya ang maamo mukha ni Adeline habang mahimbing ito natutulog sa kanya munting higaan. Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Nagpasya ito manatili sa kubo. Hindi siya mangangamba na mapahamak ito sa oras na umalis siya dahil nilagyan na niya ng harang ang lugar na tangi ang dalaga lamang ang makakaalam. Pinatakan niya ng halik ang noo nito at nagmulat ito ng mga mata. Nginitian niya ito. "Magandang Umaga,mahal kong Adeline..." saad niya. Isang masuyo ngiti ang tinugon nito sa kanya. "Maganda umaga din,m

