"Camille,ito si Fren...siya ang may-ari ng coffee shop na ito..and Fren,si Camille.."pagpapakilala niya sa dalawang babae. "Hi,ikaw pala si Camille..." palakaibigan saad ng kaibigan sa dalaga. "Kamusta..?" nahihiya saad ni Camille. Ngayon nauunawaan na niya ang kung bakit ganun na lamang kailag sa ibang tao ang dalaga. Minsan na ito nahusgahan ng nasa paligid nito. "Naikwento ka na sakin,ni Zei...huwag ka mahihiya ha,hindi naman ako nangangain ng tao eh," untag ni Fren. Nakangiti na pinanuod niya lang ang dalawa. "Salamat," "Anong gusto mo inumin? Mahilig ka ba sa kape?" Mahiyain umiling ang dalaga. "O sige,may iba kami offer na inumin dito pero kape pa din siya,wait lang ikukuha ko kayo,and your favorite ice coffee!" anito sabay baling sa kanya. Kimi na ngumiti sa kanya ang dala

