Umaasa siya na sana bumisita si Zei ngayon araw. Marahas sya napabuga ng hangin. Bakit naman siya umaasa? May sarili siya buhay at sigurado na busy din ito sa buhay. May nobya na kaya siya? Agad na winagwag niya ang kaisipan yun. Bigla siya nakakaramdam ng inis kapag naiisip niya iyun. Marahas siya napabuga ng hangin. Ano ba nangyayari sayo,Adeline? In love ka na ba sa kanya? Tinuon na lang niya ang atensyon sa pagsasampay ng nilabhan niya damit nila magLolo. Namamahinga si Lolo Anding dahil dumadaing ito na masakit ang ulo. "Magandang hapon," Marahas siya napalingon ng marinig ang pamilyar na boses iyun. Agad na gumalabog ang dibdib niya ng masilayan muli ang gwapo mukha ni Zei. "Zei.." anas niya at agad din natauhan. Tumikhim siya at bahagya pinasadahan ng palad ang medyo b

