Nakangiti na pinagmasdan ni Zei ang mga pusa na tila mga bata na nag-uunahan na umakyat sa puno. Dinala niya ang mga pusa sa kanyang tree house. Napagpasyahan kasi ni Camille na manatili sa tabi ng Ate Adeline nito. Magkasama na ang magkapatid na limang taon din na nagkawalay. Labis ang kalungkutan ni Adeline ng malaman nito na pumanaw din ng gabi iyun ang kanila ina. Ramdam niya ang sakit,pagdadalamhati at galit sa mata ni Adeline nang sabihin ng kapatid ang tungkol dun. Hindi lamang sila hinusgahan ng mga tao binawian pa sila ng ina. He sighed. May labing-siyam na araw na lamang siya sa mundong ito. May ilang araw pa siya para makilala si Adeline. Natigilan siya ng sumingit sa isip niya ang tungkol sa propesiya. Hindi naman niya nakakalimutan iyun. Gayun nga lang huli na para pig

