Magulo rin ang kama at inutusan ko ang tatlo na umarte kaya hindi nag-hinala ang tauhang kumuha sa kanila dito sa silid na gamit ko para ibalik sila sa basement at hintayin ang signal ko. Nangako akong bukas na bukas ay makakalaya sila. By this time, alam kong nagpaplano na at naghahanda ang buong organization para ipadala dito ang group of top assassin's na siyang back up ko sa misyon na ito. Sa pang anim na araw ko ay matatapos ang misyon ko. Hindi na ako makapag-hintay na makaalis sa bahay na ito at matapos ang pagpapanggap ko. Bawat minutong lumilipas ay naiisip ko ang asawa ko. Nagtiis muna akong huwag siyang makita kahit sa cctv man lang para hindi ako madistract. Isa pa, ayaw kong i-link ni Alexander ang cctv sa bahay dito sa device na gamit ko lalo na at wala akong dalang saril

