"Para sa pangalawang buhay ko. Let's celebrate!" Kunwari ay masayang sabi ko na itinaas ang baso. Para namang mga sabik na sinunggaban agad ng mga ito ang alak at mabilis na lumagok. Pinagmasdan ko ang mga ito at kapag may nakita akong tahimik at naka-upo ay agad na sinisigawan kong uminom dahil gusto kong lahat ay magsaya. "Senior, wala po ba tayong babae ngayon?" naka-ngising demonyo na tanong sa akin ng isang balbas saradong lalaki. Umigkas ang kamao ko at mabilis na binatukan ito. "Tarantado! Bago ka humingi ng babae, siguraduhin mo munang nauna at tapos na ako!" Galit na singhal ko. "Sino ba ang boss dito?" "Sorry boss, excited lang po!" Kumakamot sa batok na sagot nito. "Alam mo namang bibigyan tayo ni boss ng babae, masyado kang excited Untoy. Mabuti at hindi ka binaril sa ulo

