Daig pa niya ako, hanggang ngayon, hindi pa ako nakapag-hilamos man lang. Nahihiya tuloy na lumapit rin ako sa sink kung sana nakatayo si Dexon at kumuha ng toothbrush para magsipilyo. "Let's shower first, sweetie," aya sa akin ni Dexon pero umiling lang ako. Wala akong tiwala sa shower niya at baka kung saan na naman mauwi lalo na makikita na naman ni Dexon na hubo't hubad ako. Tanging tuwalya lang kasi ang balot sa katawan ko dahil naghubad na ako kanina para maligo. Hindi ko naman kasi alam na basta na lang siya papasok dito sa banyo at gusto niyang maligo kasabay ko. "Mauna ka na, gusto ko munang mag-toothbrush," dahilan ko. "Wala ka namang gamit dito, kaya doon ka sa room mo maligo," utos ko pero ngumiti lang si Dexon sa akin at inilang hakbang ang kinatatayuan ko at pagkatapos

