Unti-unti ay nasasanay na ako sa presensya ni Dexon kaya kahit pareho kaming hubad na narito sa loob ng banyo ay hindi na gaya ng dati ang awkwardness na nararamdaman ko. Sabay pa nga kaming lumabas ng banyo. Suot ko lang ang roba at may balot na tuwalya ang ulo ng buhatin ako ni Dexon na tanging puting tuwalya ang nakabalot sa bewang niya at kapag naglumikot ako ay baka biglang bumagsak sa sahig kaya hindi na ako nag-reklamo ng maglakad siya papasok sa silid niya. "From now on, dito ka na ulit matutulog at titira sa silid natin. Now that I'm back, I won't allow you to stay in your old room again." Nakamulagat at nakikinig na lang ako sa sinasabi ni Dexon. Heto na naman siya sa pagiging controlling niya at dapat na siya ang masunod pero paano ba ako tatanggi kung gaya ngayon ay nakiki

