Dahil mukhang wala namang wardrobe ang silid na kinaroroonan namin kaya wala akong ibang option kung 'di ang magbihis sa harap ni Dexon. Ang lakas tuloy ng tìbok ng puso ko dahil hindi niya inaalis ang mga mata sa katawan ko, kaya binilisan kong isuot ang bra na siyang tanging takip sa malaking dibdib ko na ngayon ay nagkalat sa balat ko ang mga pulang kiss mark na gawa ng lalaking kaharap ko. May inabot siya sa aking manipis na mahabang damit na isuot ko raw. Para itong cardigan na hanggang kalahati ng hita ko at may tali sa bewang kaya kahit paano ay komportable na ako. "Ready?" May paghanga sa mga mata na tanong ni Dexon na hinagod ang kabuuan ko. Tingin pa lang niya ay nangangatog na agad ang mga tuhod ko. Daig ko pa ang nasa harap ng mga kaklase ko habang pinasasagutan ng calculous

